webnovel

Mechanism Test

編集者: LiberReverieGroup

Pinagpawisan si Zhao Feng sa talento ni Sun Yuanhao dahil ito ay tunay na Changeable Body. Ngunit dahil walang masyadong alam si Lord Guanjun tungkol sa Changeable Bodies dahil na rin sa sobrang bihira nito, wala siyang sinabi.

Sa oras na ito, lahat kabilang si Deacon Qiu ay nagulat. Ang ilaw mula sa Spiritual Sky Beam binalot ang kalahati ng Sky Moon Mountain.

"Changeable Body, higit sa peak tier Spiritual Body, perpekto! Direktang tanggap na sa clan!" Sa wakas ay inanunsyo na ni Deacon Qiu.

Natalo ni Sun Yuanhao si Liu Yue'er, at siya ay agad na kinuha ng Clan. Habang naglalakad siya pababa sa entablado, tinitignan siya ng iba nang may inggit at selos.

"Ang henyong katulad niya ay magiging disipulo ng taong may malakas na kapangyarihan," napa buntong-hininga si Lord Guanjun. Naalala niya si Bei Moi nang makita niya si Sun Yuanhao at siya'y nalungkot.

Sou----

Biglang may tunog ng hangin ang narinig habang ang isang tao ay bumaba mula sa himpapawid.

"Ayan…"

Pakiramdam ng mga tao ay isa silang langgam sa harap ng taong ito. Ang taong ito nakadamit na yari sa ginto at tila Diyos kung maglakad sa pamamagitan ng hangin. Maging ang mga Holy Martial Path naramdaman ang pag yelo ng kanilang dugo.

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nakita ang lalaking nakadamit na yari sa ginto na lumilipad sa pamamagitan ng hangin.

Lumilipad! Hindi naisip ni Zhao Feng kailanman na ang cultivators ay maaring lumipad sapagkat ang paglipad ay isang alamat.

"Pagbati! Elder Xue!" Sigaw ni Deacon Qiu habang pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo at yumuko siya sa lalaking nakadamit na yari sa ginto.

"Hua," sabay-sabay na yumuko ang mga disipulo.

Ang Elder na nakadamit na yari sa ginto ay tumayo at kinilatis ang mga disipulo na parang Diyos. Sa hindi kalayuan, ang mukha ni Quan Chen ay namumutla at nanginginig.

Ang lalaki sa kanilang harapan ay isang Elder na may kapangyarihan na higit pa kay Hai Yun Master.

Shua!

Sa isang iglap, ang lalaking nakadamit na yari sa ginto ay lumitaw sa harap ni Sun Yuanhao.

"Hahahaha… Changeable Body! Gusto ko lamang kumuha ng disipulo, mukhang sinuswerte ako!"siniyasat ni Elder Xue zi Sun Yuanhao nang may galak.

"Sun Yuanhao! Pumapayag ka ba na maging master mo ang elder na ito? Ayon sa patakaran, kapag pumayag ka, ikaw ay diretsong magiging inner disciple," saad ni Deacon Qiu sa kanya.

Sa ilalim nang inggit na mga tingin, kinakabahang tumango si Sun Yuanhao, "Pumapayag ang disipulo."

Natawa si Elder Xue, hinila ang kanyang kamay at naging gintong anino at naglaho sa ilalim nang bundok.

Matapos ang maliit na panghihimasok na ito, patapos n ang Spiritual Sky Beam test. Sa isip ni Zhao Feng, nanatili ang imahe ng Elder na lumilipad, at hindi siya maka kalma.

"Siya ay mula sa True Spirit Realm, may kakayahan silang lumipad sa maiksing panahon at mag control nang 'di maisip na kapangyarihan…." Bumuntong-hininga si Lord Guanjun kasabay nang paglitaw ng respeto at pangungulila sa kanyang mga mata.

Sa ilalim nang True Spirit Realm ay ang Ascended Realm at ang Seven Skies. ang Seven Skies ay nangangahulugang pitong pagbabago, ang bawat pagbabago ay nagbibigay nang hindi mapaniwalang kapangyarihan.

Sa isang tiyak na pananaw, ang cultivators nang True Spirit Realm ay ang ebolusyon nang tao, kaya nagagawa nila ang mga bagay na imposible para sa mga normal na tao.

Apat na pu't limang kabataan ang nakapasa sa unang pagsusulit at naka iskor ng isa hanggang limang puntos.

Mayroong tatlong pagsusulit at ang unang pagsusulit ay nagbibigay hanggang anim na puntos. Kapag umabot ang isa sa pinaka mataas na iskor, direkta na silang tanggap sa Clan.

"Ang susunod na dalawang pagsusulit ay ang Mechanism Test at Nine Picture Array Test. Dalawang puntos ang pinaka mataas na puntos sa bawat isa," saad ni Lord Guanjun sa kanyng mg disipulo, ngunit pinaparating niya ito partikular kay Zhao Feng dahil dalawang puntos lamang ang nakuha niya sa Spiritual Sky Beam test at ang dalawang susunod na pagsusulit ay magdadagdag lamang ng apat na puntos. Kung mababa ang kanyang makukuha, maaring hindi siya makuha sa Clan.

"Naiintindihan ko." Alam na ni Zhao Feng ang kanyang gagawin.

"Sundan niyo ako sa Mechanism Test." Pinangunahan ni Deacon Qi ang grupo ng mga tao sa daan na mayroong isa't kalahating metro ang lawak. Sa kabilang gilid, may dalawang burol, na may kasamang kweba na gawa ng tao.

Ito ang Mechanism Test?

"Matapos pumasok sa Mechanism na daan, kailangan niyong pumatay nang mechanic beast na parehas ng lebel sa inyong cultivation. Makakatanggap kayo nang isang puntos sa pagpatay ng dalawa at dalawang puntos sa pagpatay ng apat o higit pa…," anunsyo ni Deacon Qiu.

Sa totoo lamang, nakatanggap na si Zhao Feng ng impormasyon mula kay Lord Guanjun.

"Ika-3, Wu Dan," tinawag ang isang disipulo.

Teng!

Ang kabataan na nasa ikapitong antas pumasok at naglakad sa daan.

Huang!

Isang kulay itim na mechanical beast ang lumabas mula sa kweba, ang hugis nito ay kagaya sa tao at may hawak itong karit na wumalis sa kabataan.

Peng!

Ang kabataan at ang mechanical beast ay nagkasagupaan, ngunit agad na nagbago ang ekspresyon ng kabataan nang siya'y umurong.

Ang lakas nang mechanical beast ay nasa ikapitong antas na, ngunit ang kanyang depensa at opensa ay mas malakas sa ikapitong antas. Ito ay nangangahulugan na ang mga mechanical beast ay mga elitista sa kanilang antas.

Ginamit ng kabataang ang kanyang buong lakas at sa wakas ay nagawa niyang talunin ang halimaw.

Huang! Huang!

Lumakad siya nang ilang hakbang at dalawang mechanical beast ang lumabas mula sa malapit na kweba.

Hindi ito mabuti!

Kapansin-pansin ang pagba-bago sa ekspresyon ng kabataan habang sinusubukan niyang talunin ang dalawang halimaw. Sa paglipas ng oras, nadagdagan pa ang mga halimaw na lumalabas mula sa kweba, ngunit hindi sila mabilis. Kaya't nagawang talunin ng kabataan ang isa dahil sa kanyang bilis.

"Isang punto para sa pagpatay sa dalawang halimaw," pag-aanunsyo ng disipulo.

Matapos iyon, ilang mga henyo ang pumunta sa taas at nakipaglaban sa mga mechnical na halimaw. Karamihan sa kanila ay naka patay nang isa o dalawa, ngunit napaka hirap pumatay nang apat o higit pa.

Ang depensa ng mga mechanical beast ay sobrang lakas. Nakita nang kaliwang mata ni Zhao Feng ang sitwasyon.

Maging si Xiao Sun, na nasa ikasiyam na antas ay nakaramdam ng presyur sa pagharap niya sa mga halimaw na nasa ika-anim na antas.

Kapag mas mataas ang cultivation nang isang tao, mas malakas ang halimaw na lilitaw, kaya si Xiao Sun ay kailangang humarap sa mga halimaw na nasa ikasiyam na antas. Nakapatay na siya nang apat na halimaw at nakatanggap na ang isa't kalahating puntos. Kakaunti lamang sa mga kabataan ang naka kuha nang dalawang puntos.

Dalawang puntos ang perpektong iskor sa ikalawang pagsusulit, ngunit madali ba itong makuha? Kailangang pumatay nang apat na elistista na kapareho ang antas at minsan pa ay mas marami pa doon ang sabay-sabay na kalaban.

"Ika-49, Zhao Feng," anunsyo ng disipulo.

Nagbigay ng babala si Lord Guanjun, "Ang iyong iskor sa unang pagsusulit ay mababa, kailangan mong makakuha nang perpektong iskor sa pagsusulit na ito."

Mahalaga sa Clan ang talento, kaya naman umalis na sila Quan Chen at ang iba pang disipulo. Sa kanilang mga mata, sa talento nakasalalay ang kinabukasan, kaya't hindi na mahalaga sa kanila ang dalawa pang pagsusulit.

Teng!

Humakbang na si Zhao Feng sa mechanism path.

Huang!

Isang halimaw ang lumabas sa kweba.

Star Finger! Flowing Wind Stance!

Agad na napalapit ang halimaw kay Zhao Feng at bahagyang gumilid si Zhao Feng upang umiwas sa mga atake ng halimaw.

Tonk!

Ang kanyang azure finger ay tumama sa punto kung saan ang dalawang parte ay konektado.

Plop!

Ang braso na may hawak ng armas ay agad na nahulog. Ang ganoong galaw at katumpakan ay gumulat sa ibang tao.

Tonk! Tonk! Tonk!

Agad na nagpaapoy si Zhao Feng nang ilang mga daliri na tila fireworks. Sa ilang paghinga lamang, ang mga braso at hita ay naputol na ni Zhao Feng at ang mechanical beast ay bumagsak.

"Tiyak at mabilis! Nila-laro lamang niya ang mga mechanical beast," hindi mapigilan ni Lord Cangtie na bumuntong-hininga at tignan si Zhao Feng nang may bagong pag-asa.

Ang finger skills ni Zhao Feng ay mabilis at tiyak.

Huang! Huang!

Dalawang mga halimaw ang agad na lumabas galing sa kalapit na kweba.

Star Finger! Flowing Wind Stance! Smoking Transparent Step!

Tila isang multo ang katawan ni Zhao Feng na tumatalon sa harapan nang dalawang mechanical beast.

Hoong!

Matapos lamang ang ilang paghinga, ang isang halimaw ay nahati sa walong piraso ni Zhao Feng. Matapos niya itong gawin, tatlong mga halimaw ang nadagdag, mayroon nang apat na aktibong halimaw, na lumapit kay Zhao Feng.

Ito ay katulad lang sa apat na halimaw na malapit sa ika-siyam na antas na mayroong malakas na depensa na lumalapit kay Zhao Feng. Sa sitwasyong ito, kaunting kabataan lamang ang makaka tapos nito.

One Line Star Finger! Tornado Stance!

Isang malamig na ilaw ang kumislap sa mga mata ni Zhao Feng habang malakas niyang ipinitik ang kanyang daliri, na isang malawakang atake. Ang Tornado Stance ay isang skill na magpapataas nang pinsala sa isang atake.

Hoooooooong!

Ang daliri ay tumusok sa puso ng halimaw. Mahirap isipin kung anong klaseng kapangyarihan ang kailangan upang mabilis na mapatay ang mechanical beast, kailangang malaman na ang depensa nang mga makinang ito ay na ikasiyam na antas.

Boom! Boom! Boom!

Agad na umatake si Zhao Feng nang tatlong mga daliri at ang bawat daliri ay madaling tumatagos sa katawan ng mga mechanical beast.

Plop! Plop! Baaaaaam…

Ang tatlong halimaw ay nawasak ni Zhao Feng sa isang atake at humilata sa sahig.

Sa isang iglap, napatay ni Zhao Feng ang limang halimaw, na alis sa ulirat ng mga manonood.

次の章へ