webnovel

Pagpapasiya at Pag-alis

編集者: LiberReverieGroup

Ang mga disipulo ay natahimik sa nasirang Martial Arts Field.

Nakita ni Zhao Feng na mawala ang tanging pag-asa sa harap mismo ni Lord Guanjun. Ang maalamat na anyo ay tila biglang tumanda ng tatlumpung taon.

Alam ni Zhao Feng na si Bei Moi ang tanging pag-asa ni Lord Guanjun at hindi siya masyadong umaasa sa ibang mga disipulo.

Sa sandaling ito, napaisip nang malalim ang mga disipulo. Ang sunod nilang desisyong gagawin ay makakaapekto sa kanilang kapalaran.

Kahit sinong henyo ay nanaising makapasok sa Clan, ngunit ang problema ay maaari silang makaharap ng mga pagsubok kapag pumunta sila.

Hindi mahirap isiping ang daang ito ay mas mahirap, ngunit nakaramdam si Zhao Feng ng nagliyab na apoy sa kaniyang loob. Isang mahinang asul na liwanag ang lumabas sa kaniyang kaliwang mata, na tila kumikilos gaya ng apoy.

"Payag akong subukan ang daang ito kahit anong hirap pa! Pagsisisihin ko ang hayop na si Bei Moi sa ginawa niya!" nagngitngit ang ngipin ni Yang Qingshan at sinabi ito nang matuwid.

Naantig si Zhao Feng sa kanyang desisyon, mukhang hindi pa sumuko ang iba. Sa gitna ng mga disipulo, si Yang Qingshan ang pinakatapat.

"Hindi rin ako susuko! Mayroon lamang isang entrance examination kada lomang taon," sagot din ni Nan Gongfan matapos mag-isip sandali.

Sa harapan nila ay isang bagong gate, karamihan ng mga cultivator ay hindi nagkakaroon ng pagkakataong makapasok dito. Ang entrance test ng Clan ay kadalasang nangyayari kada limang taon, minsan nga ay sampung taon pa. Kapag nawala sa kanila ang pagkakataong ito, pagsisisihan nila ito nang buong buhay.

"Hindi ko rin papakawalan ang pagkakataon," tumango si Feng Hanyue sa pagsang-ayon.

Sa wakas, pagkakataon na ni Zhao Feng. ""Pumayag ako sa pangako ni Bei Moi, kaya hindi ko ito sisirain."

Di nagtagal ay naalala nila Nan Gongfan at ng iba pa na ang dalawa ay maghaharap pa sa Clan, ngunit ngumiti lang sila at ipinagkibit-balikat na lang ito.

Nagbuntong-hininga si Lord Guanjun nang tumingin sa kaniyang mga disipulo. Naiintindihan niya ang kanilang nararamdaman, ngunit hindi inakala ni Lord Guanjun na maganda ang kanilang inaasam-asam.

"Sunod, ang iba sa into ay lalaban para sa tatlong rekomendasyon," walang ekspresyong sinabi ni Lord Guanjun.

Noong nandito pa Bei Moi, may tatlo pang bakante para sa kanilang anim. Ngayon ay lima na lang sila.

Hm? Wait!

Kapansin-pansing nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng nang sinuri niya ang kaniyang paligid. Bukod kay Lord Guanjun, ang naroon lang ay sila Yang Qingshan, Nan Gongfan, Feng Hanyue at siya.

May isang nawawala!

"Nawala si Sister Yufei!" sigaw ni Zhao Feng sa gulat.

Ang ibang naroon ay napagtanto na ring nawawala si Yufei. Dahil sa laban sa pagitan ng mga Holy martial artists noon ay walang nakapansing may nawawala na palang tao.

"Ipadala niyo ang lahat para hanapin siya! Tumingin kayo sa loob ng mga sirang silid!" agad n autos ni Lord Guanjun.

Sila Ye Linyun at ang Third Guard ay nagsimula agad na maghanap sa paligid. Ang labanan sa pagitan ni Lord Guanjun at Quan Chen ay nakasira ng maraming mga gusali at maaaring natamaan si Zhao Yufei ng residual energy.

Pinagsama ng lahat ang kanilang pagsisikap at sinuyod ang malapit na lugar.

"Wala! Walang tanda ng kahit sino!"

"Walang nahanap sa pinaglabanan!"

Matapos ng sandaling paghahanap, wal pa ring nakakita ng anyo ni Zhao Yufei.

Malalim na sinabi ni Lord Guanjun, "Nang makalaban ko si Quan Chen, ginawa naming ang lahat para hindi makapatay ng mga inosenteng hindi kasali, kaya siguradong hindi siya nasaktan."

Kahit na namatay si Zhao Yufei, may makikita silang bangkay, ngunit walang anyo ni Zhao Yufei ang nakita.

"Naglaho ba siya? Imposible!" Labis nang nag-aalala si Zhao Feng.

"Dagdagan ang lawak ng pinaghahanapan!" utos ni Lord Guanjun. Agad na pinangunahan ni Ye Linyun ang kaunting daang bilang ng piling hukbo para maghanap.

Ang resulta ay walang kahit anong bakas niya ang nahanap. Ang mahap si Zhao Yufei, nagpadala ng libo-libong tauhan ang Guanjun Palace.

"Hindi pwedeng mawala ang isang buhay na tao nang ganito!" Huminga nang malalim si Zhao Feng.

Teng!

Tumalon siya at nakarating sa tuktok ng napakataas na puno at tumalon papunta sa pinakamataas na gusali sa Guanjun Palace.

"Brother Zhao, anong ginagawa mo?"

Nagtataka ang iba sa ibaba, ngunit naintindihan nang kaunti nila Ye Linyun at Feng Hanyue ang nangyayari.

"Si Zhao Feng at Zhao Yufei ay nanggaling iisang pamilya at mayroon silang magandang relasyon," sabi ni Ye Linyun kay Lord Guanjun.

Sa sandaling ito, naging matalas ang paningin ni Zhao Feng nang suriin ang buong Guanjun Palace. Sinuring mabuti ng mas pinahusay niyang paningin ang buong Guanjun Palace.

Matapos ang sampung hininga, nadagdagan ang paningin ni Zhao Feng na simula sa Guanjun Palace hanggang sa labas.

Sa isang punto ngayon, tumigil ang kaniyang paningin sa isang daan labinlimang kilometro ang layo. Isang pamilyar na anyo ang nakita niya.

Sa dulo ng daan, isang magandag batang babae at isang matandang lalaki na may isang braso ang magkasama.

"Lolo, bakit niyo ako isinama?" Tumingin si Zhao Yufei sa Guanjun Palace na tila pinilit.

Ang matandang may isang braso ay nagbuntong-hininga, "Una, hindi nakita ni Lord Guanjun ang iyong tunay na potensyal. Ikalawa, hindi alam ni Lolo na may poot siya sa isang tao ng True Spirit Realm, samakatuwid ay hindi bagay sayo ang Broken Moon Clan."

"Ngunit si Brother Zhao Feng…" tila nag-aalala si Zhao Yufei sa isang tao.

"Kumalma ka, sa kaniyang potensyal, ang cultivator ng True Spirit Realm ay man lang hindi siya papansinin. Minsan, ang pagkakaroon ng mababang potensyal ay hindi isang masamang bagay," nanlolokong sabi ng matandang may isang braso.

ALam ni Zhao Yufei ang ibig sabihin ng kaniyang lolo, ngunit naramdaman niyang ang potensyal ni Zhao Feng ay hindi kasing simple ng isang half-spiritual body.

Matapos ng pagpapalitan ng kaunting mga salita, pumunta na ang dalawa sa labas ng Guanjun Palace.

Hindi nila alam na nakikita sila ni Zhao Feng. Kahit na nakikita niya sila, hindi niya naririnig ang kanilang mga sinasabi, ngunit alam ni Zhao Feng na nasa mabuting sitwasyon si Zhao Yufei, at nakahinga na siya nang maluwag.

"Ang lahat ay may kanya-kanyang daan." Susundan na sana sila ni Zhao Feng ngunit pinilig huwag na itong gawin.

Hindi naman pinilit na sumama si Zhao Yufei. Ang taong kumuha sa kaniya ay ang kaniyang lolo, at naramdaman na ni Zhao Feng na hindi siya kasing simple tulad noong siya ay nasa pamilya ng Zhao, na kaya niyang dalhin si Zhao Yufei sa gulo nang walang nakakapansin.

Matapos malaman na ligtas si Zhao Yufei, si Zhao Feng ay bumalik na sa Spiritual Martial Hall.

Sa araw na iyon, di nagtagal ay nagkalat sa buong Guanjun Province City ang hukbo ng Guanjun Palace at sa wakas ay nahanap na nila si Yufei. SInabing isang matandang may isang braso ang kasama ni Zhao Yufei.

"Ang matanda ay misteryoso na noon pa sa pamilya pa ng Zhao," paliwanag ni Zhao Feng, na nakapagpatigil sa hukbo sa paghahanap.

Hindi nag-isip si Lord Guanjun nang masyado tungkol dito. Ang kaniyang core disciple ay kinuha, kaya anong dulot ng isang outer disciple sa kaniya?

Ngunit kahit na ganoon, kailangan pa rin niyang gawin ang kaniyang tungkulin bilang kaniyang guro.

"Ngayon ay kayong apat ang maghaharap para sa tatlong lugar." Sinuri ni Lord Guanjun ang apat na naroon.

Si Yang Qingshan ay may pinakamataas na talento sa kanilang lahat, ngunit malayo pa kung ikukumpara kay Bei Moi. Pagkatapos niya ay si Nan Gongfan, sunod si Feng Hanyue, at sa huli ay si Zhao Feng.

Ang pasya ay: Yang Qingshan, Nan Gongfan, and Feng Hanyue.

Ginawa ni Lrod Guanjun na basehan ang talento kung hanggang saan sila aabot, ngunit may pagkakataon pa si Zhao Feng na hamunin at kalabanin ang isa sa kanila.

Noong nandito pa si Bei Moi, si Lord Guanjun ay magbibigay sa mga natirang disipulo ng pagkakataong kalabanin ang isa, ngunit nagulo ito ng hindi kanais-nais na bisitang iyon.

"Pinipili kong kalabanin si Nan Gongfan," sagot ni Zhao Feng nang walang pag-aalinlangan.

"Pinili mo akong kalabanin?" nagulat nang kaunti si Nan Gongfan.

Si Nan Gongfan at Yang Qingshan ay nakaabot na sa huling hakbang ng ikawalong antas. Inakala nilang kakalabanin niya si Feng Hanyue dahil mas malaki ang pagkakataong manalo siya.

Nakahinga na si Feng Hanyue. Mas nag-aalala pa siya kay Zhao Feng kaysa kay Nan Gongfan.

"Simula na," anunsyo ni Ye Linyun.

Pareahas na naroon sila Lrod Guanjun at ye Linyun at inaasahan ni ye Linyun ang ipapakita ni Zhao Feng, habang si Lord Guanjun ay lubos na nababagot. Ngunit naintindihan naman ng lahat na nawala ang disipulong ipinagmamalaki niya.

"Brother Zhao, ngayon ay makakapaglaban na rin tayo gamit ang ating buong lakas." May ngiti sa mga labi ni Nan Gongfan habang nag-iisip kung paano niya paparusahan si Zhao Feng, Noong nakaraang paghaharap nila, napahiya siya nang pigilan ang kaniyang cultivation sa lebel ni Zhao Feng at natalo.

Ngayon, makapaglalaban na sila nang walang pumipigil.

Godly Suction Force!

Iwinagayway ni Nan Gongfan ang kaniyang manggas at isang kakaibang puting usok ang lumabas na tinangay sa kaniyang paligid.

Hu~

Sa isang sandai, ang mga alikabok sa lupa ay pumunta kay Nan Gongfan. Kahit ang mga cultivator ng ikasiyam na antas ay nag-aalala sa ganitong galaw, dahil ito ay isang Holy Martial Art!

Gayunpaman, ang youth na kaharap ni nan Gongfan ay hindi man lang gumalaw, tila ba nakabaon sa lupa ang kaniyang mga binti.

Wala man lang paggalaw!

Ang Holy Martial Art Godly Suction Force ay hindi man lang magalaw si Zhao Feng, at ito ay nasa sitwasyong ang cultivation ni Nan Gongfan ay mas mataas kay Zhao Feng!

Sila Ye Linyun, Yang Qingshan, at Feng Hanyue ay nagulantang. Tanging si Lord Guanjun lamang ang kalmado, at kahit na may mababakas na pagkagulat sa kaniyang mga mata, hindi siya nagsalita.

Tornado Stance! Star Finger!

Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang Star Finger sa ikaanim na lebel na sinamahan pa ng Tornado Stance.

Shua-----

Biglang may nakakasakit na tunog ng pagsipol ang narinig nang biglang may lumitaw na asul na liwanag sa hangin na tila isang bulalakaw. Tila napatalon ang mga puso ng mga naroon nang may nakitang daliri.

Isang malakas na galaw!

Naramdaman ni Ye Linyun na ang galaw na ito ay magagawang mapagbantaan ang mga cultivator na nasa ikasiyam na antas, habang naramdaman nila Yang Qingshan at Feng Hanyue na ang galaw na ito ay hindi mapipigilan.

Peewww!

Sumikip ang dibdib ni Nan Gongfan nang makitang ang kaniyang Godly Suction Force ay nasaksak ng isang daliri!

次の章へ