webnovel

Ang Pagsisimula ng Galaw ni Zhao Feng

編集者: LiberReverieGroup

Natalo si Zhao Linlong!

Agad na tumingin ang iba kay Zhao Feng. Ang kaniyang mga kalkulasyon ay tamang muli, ngunit hindi ito ang paraan ng pagkatalo ni Zhao Linlong na kaniyang inaasahan..

"Paano mo nagagawang maging ganito, Zhao Feng? Hindi ka dapat nagsasabi ng masasamang bagay tungkol kay Brother Linlong." Kumunot ang mga kilay ni Zhao Chi.

Silang lahat ay nasa parehong pamilya pa rin at ang pagkatalo ni Zhao Linlong ay kahihiyan para sa lahat ng naroroon.

"Mayabang!" Mabangis na sabi ni Zhao Ling, na para bang natalo si Zhao Linlong nang dahil sa hula ni Zhao Feng.

_Sinisisi niyo ako dahil dito?_

Ngumiti si Zhao Feng habang umiiling at malamig na sinabi, "Nakalimutan mo na ba ang ating pusta na ang matatalo ay kailangan humingi ng tawag sa kabilang tao."

Pusta? Humingi ng tawad?

Ang mukha ni Zhao Ling ay agad na nanigas.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ