webnovel

Thorny Path

編集者: LiberReverieGroup

Ang Eternal Night Kingdom.

Sa buong organisasyon ng mga Night Walker, dalawang tao lang ang kwalipikado para buksan ang incomplete plane na ito.

Ang isa ay ang kasalukuyang pinuno ng mga Night walker, at ang isa pa ay ang dating pinuno.

Nang lumipat si Sean sa White River Valley, dinala niya ang laman ng kanyang basement. Hindi alam ni Marvin kung paani niya ito nagawa, pero bilang dating pinuno ng mga Night Walker, may mga pambihirang pamamaraan ito.

"Pag-isipan mong mabuti. Baka may mga panganib kang makaharap ditto."

Pinagmasdang mabuti ni Sean si Marvin. "At hindi lang mga pisikal na panganib ang tinutukoy ko."

Desidido namang tumango si Marvin.

Alam niya kung ano ang pinapasok niya. Ito ang dahilan kung bakit kampante siyang gawin nag isang bagay na wala pang nakakagawa dati.

Ang gising ang mga natutulog na mandirigma, ang pagpapabangon sa mga ito mula sa kanilang madilim at malamig na pagtulog, para muling lumaban at protektahan ang Feinan.

Isa itong mahirap na misyon.

Pero kontrolado niya ang lahat. Alam niya kung ano ang kailangan niyang gawin, dahil hindi niya naman pipiliin ang Night Walker advancement path kung hindi.

Hindi lang ang lakas at kapangyarihan ng isang class ang dapat iniisip bago piliin ito bilang advancement path. Kailangan mo ring isipin ang mga sikreto sa likod ng mga class na ito.

Ang lahat ng class sa Feinan ay hindi lang basta basta istilo sa pakikipaglaban o mga ideya at kosepto. Mayroong mahabang kasaysayan sa likod ng mga ito.

Isang magandang halimbawa ang Night Walker.

Ang tanging ikinasurpresa ni Marvin ay ang biglang paglitaw ng isang bagay sa kanyang quest menu na matagal nang walang pinagbago.

[Path of Darkness]

[Description: Para magising ang mga natutulog na mandirigma, kakailanganin mong maranasan ang sakit na pinagdaanan nila noong mga panahong iyon. Mapupunta ka sa landas ng Night Monarch noon para manahin ang kanyang giting at tungkulin.]

[Mission Reward: ?]

'Hindi sinabi kung ano ang makukuha sa misyong 'to?'

'Medyo kakaiba 'to ah."

Sa katunayan, magmula nang nag-transmigrate si Marvin, pakiramdam ni Marvin, ang sustema sa kanyang katawan ay tila puro imporasyon kesa sa isang tunay na Sistema lang.

Bukod sa dalawang puntong hindi niya maunawan, tugma naman ang iba pang mga bagay sa mundong ito.

Sa dalawang puntong ito, ang una ay ang Sistema ng battle experience. Bakit siya nakakakuha ng battle experience kapag pumapatay siya?

Ang ikalawa ay ang Sistema ng mga quest reward ay general experience.

Kung hindi mo papansinin ang dalawang ito, pakiramdam ni Marvin ay isang talaan lang ng kanyang sarili ang buong sistemang ito.

Nakakagawa ito ng detalyadong talaan tungkol sa estado ng kanayng katawan at kung ano ang nangyari sa laban.

Bukod ditto, tila wala na itong ibang pakinabang.

Pakiramdam tuloy niya ay imbis na nag-transmigrate siya mismo sa laro, nakakuha lang siya ng kakayahang bantayan ang kanyang kalagayan na kapareho sa laro.

Isa itong uri ng kapangyarihan.

Ito ang pinakamagandang paliwanag na naiisip ni Marvin, sa kasamaang palad, may isang butas ito, ang problema sa experience.

Ito rin ang pinakamalaking pagkakaiba niya mula sa mga local. Lumalakas ang mga tao sa Feinan sa pamamagitan ng pagsasanay, pag-aaral, at kung ano-ano pang pamamaraan.

Hindi sila pwedeng basta-basta na lang pumatay para lumakas gaya ni Marvin.

Mayroong sigurong malaking dahilan ito at kailangan lang mahanap ito ni Marvin.

Pero sa ngayon, kailangan niya munang ibuhos ang atensyon sa kanyang quest.

"Labing-siyam na Legend warrior. Natutulog sa lamig ng kadiliman."

"Kailangan mong maglakad sa Thorny Path nang nakapaa at umakyat sa Endless Mountain, bago mo tuluyang mahanap ang will ng Night Monarch."

"Mapapabangon mo lang sila kapag ikaw ang naging tunay na tagapagmana ng Night Monarch."

"Hindi nagtagumpay ang lahat ng Night Walker na sumubok nito bago ikaw."

"Walang itong kinalaman sa lakas. Ito ay tungkol sa pagkatao, sa willpower… at swerte."

Tinitigan ng matandang blacksmith si Marvin. "Para sa akin, mukhang swerte ka naman."

Napangiti naman si Marvin.

"Magkaiba ang ating era. Nararamadaman kong magagawa mo silang gisingin."

"Sige na" Matigas na sabi ng matandang blacksmith habang lumalabas sa kanilang harapan ang madilim at baku-bakong daan.

Ang Thorny Path.

Humingnang malalim si Marvin at tinanggal ang kanyang sapatos. Naglakad siya sa daang ito nang nakapaa.

'Mga tinik…'

Unang hakbang! Malamig ang hangin!

Nararamdaman niya ang sakit mula sa kanyang paanan.

Pakiramdam niya ay binaon ang isang karayom sa kanyang sakong.

Bahagya siyang napa-atras dahil sa sakit.

Pero hindi siya pwedeng sumuko!

Kapag umatras siya, hindi siya magtatagumpay sa panggigising ng mga mandirigma.

Tuloy lang, kailangan niya lang ituloy.

Hindi tuna yang sakit. Hindi talaga tunay na nasugatan si Marvin, pero irektang ipadadala sa kanyang isipan ang sakit.

Kung hindi niya kakayanin ang ganitong saki, paano na lang niya mamanahin ang will ng Night Monarch?

Kinagat ni Mrvin ang kanyang labi, itinutuon niya ang kanayng will power.

Hindi siya umatras, sa halip ay humakbang nang mas malaki patungo sa kadiliman!

Alam niyang kapag mas mabilis siya, mas kaunting beses siyang madidikit sa Thorny Road at dahil doon mas kaunti ang sakit na mararamdaman niya.

Nang makitang unti-unti nang nawawala si Marvin patungo sa dulo ng Thorny Path, muli nang humarap ang matandang blacksmith sa pugon at mulin ginawa ang isang bagay na dapat isang low level apprentice ang gumagawa.

Ang pagpapanday ng bakal.

Ito ang Eternal Night Kingdom. Ang Lugar na napakalawak at napaka misteryoso, at kung saan kahit ang mga pinuno ay maituturing na mga baguhan.

Sa paglipas ng panahon ay nasanay na sila rito.

Isang anino ang tahimik na lumitaw sa gilid ng blacksmith.

"Sa tingin mo kakayanin niya?"

"Oo." Nagpatuloy sa pagpapanday si Sean.

"Noong isang buwan lang siya naging Night Walker. Sa tingin mo naiintindihan niya talaga ang will ng Night Monarch?" sagot nito.

"Hindi, walang tunay na nakakaintindi sa will ng Night Monarch." Tumawa si Sean at sinabing, "Sa totoo lang, baka mali rin ang pagkakaintindi natin."

"Bawat Night Walker na sumubok na pabangunin ang labing-siyam na mandirigma ay ginawa ang lahat para makalapit sa Night Monarch, pero 'yon nga ba ang tamang gawin? Walang nakaka-alam."

"Pero ito ang ating tungkulin. Ang bantayan ang kontinenteng ito." Mararamdaman ang pagkabalisa nito sa kanyang pagsasalita. "Masyado niyong sinasayang ni Constantine ang oras niyo dyan sa batang iyan. Noong kinailangan ko ang tulong niyo sa norte, ayos lang naman sa akin na hindi kayo nakapunta, pero kusang loob kayong nakikinig sa mga kakaibang bagay na gustong gawin ng isang batang Baron. Alam kong may pagdududa ka sa akin, pero bilang Night Walker, magkapatid tayo.

"Nagkakamali ka, O'brien. Wala kaming pagdududa sayo," seryosong sagot ni Sean. "Pero ang tinawag mong batang Baron ay isang taong nakagawa ng plano para patayin ang Crimson Patriarch, na hindi nagawang patayin ng hindi mabilang na Legend. Nagawa niyang makuha ang Book of Nalu sa Heavenly Sword Saint. At kalian lang ay nagawa niyang patayin ang isang Red Dragon."

"At kinse anyos lang siya." Binigyang diin ni Sean ang edad nito. "Ikaw ano ang ginagawa mo noong 15 anyos ka pa lang, O'Brien?"

Walang nasabi si O'Brien.

"Maghinay-hinay ka sa sinasabi mo. Kung nagkakamali kami ni Constantine, paano sina Hathaway, Shadow Thief Owl, Endless Ocean, at Nicholas? Nagkakamali rin ba sila?"

"Sa buong kasaysayan, walang sino man ang nakapagsama-sama ng ganoon kalakas na pwersa sa buong East Coast." Dagdag pa ng matanda.

"Kaya naman, nasasabik akong makita kung ano pa ang kayang gawin ng disipolo ko sa hinaharap."

"Ito ang dahilan kung bakit ako nananatili sa White River Valley."

Huminga nang malalim si O'Brien, mas bumuti na ang kanyang timpla. "Siguro nga tama ka. Kahit na malakas ako, hindi pa rin ako madunong."

"Walang perpektong tao. Ikaw pa rin ang pinakamahusay na punino ng mga Night Walker." Ngumiti si Sean. "Mayroon kang lakas na wala ang iba. At tandaan mo, kahit na malakas ka, kailangan mo pa ring making sa ibang tao."

"Sabi sa akin ng nanay ko noong bata pa ako: [O'Brien, hindi ka katalinuhan kaya kailangan mong making sa mga sinasabi ng matatandang matatalino.]"

"Ginawa ko ang lahat ng binilin sa akin, at naging maayos naman ang buay ko. Hindi ako gaanong nagpasaway."

"Kung magagawa nga talagang gisingin ng batang ito ang labing-siyam na mga mandirigma, at makapag-advance sa 4th rank. Sa tingin ko ibibigay ko sa kanya ang Half-Artifact na [Eternal Paradise]."

Sa Thorny Path.

Isang anino ang mag-isang naglalakad

Pawis na pawis si Marvin.

Palala nang palala ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga paa. Hindi ito ang uri ng sakit na namamanhid.

Hindi mo alam kung kalian mararamdaman ang sakit.

Posbileng wala kang maramdaman na sakit sa unang tatlong hakbang at pagkadating sa ika-apat ay mamimilipit ka sa sakit.

Ito ang nakakatakot sa Thorny Path.

Ang mga Monk ang pinakamahusay sa pagdaan ditto.

'Ang daang ito ay para subukin ang pag-uugali ng kanilang magiging tagapagmana."

'Sabi nila na noon ay personal na naglakad ang Night Monarch sa Thorny Path para lang iligtas ang isang grupo ng mga tao mula sa Hell.'

'Kaya naman kilala ito sa tawag na Ancient Saint Path.'

Napakaraming impormasyon ang pumasok sa isip ni Marvin sa pagtatangkang ilihis ang kanyang atensyon.

Pero isang sigaw ang umalingawngaw sa kanyang tenga!

Napalingon siya sa gulat.

Isang nabubulok na mukha ng lalaki lumitaw sa tabi ng daan.

Pinapanuod nito si Marvin at isang hindi maipaliwanag na takot ang namuo sa puso ni Marvin.

May takot pero walang willpower check.

'[Pagkatapos ng Pain ay Fear naman], iyon ang iniwang kataga ng Night Monarch.'

'Basta wag kong pansinin ang mga nakakatakot na ilusyon, magiging ligtas ako.'

'Mga ilusyon lang ang mga ito.'

Huminga nang malalim si Marvin at pinakalma ang kanayng nanginginig na katawan. Kinuyom niya ang kanyang mga ngipin at nagpatuloy.

Nakasampu pa siyang hakbang at kasabay nito ay samu't saring ilusyon pa ang sunod-sunod na lumabas.

Mga kalansay, walang hanggang dagat ng dugo, mga nabubulok na uuod, mga lasog-lasog na katawan ng tao..

Kung ibang tao ito, baka natakot na ang mga ito.

Inaatake ng daang ito ang takot ng mga tao sa mga nakakadiring bagay!

Pero unti-unti nang nasasanay si Marvin sa mga ganitong bagay.

'Ha? Sinusubukan niyo bang takutin ang Lord na ito na napakaraming napanuod na nakakatakot na pelikula dati?' Tahimik na sabi ni Marvin sa kanyang sarili.

May dahilan ang kanyang pagiging kampante.

Sa buong Feinan, wala sigurong katulad niya na kakayanin ang lahat ng nakakatakot na bagay na ito.

Nag-isip siya ng mga nakakatawang bagay sa mga nakita niya kaya naman hindi siya natakot sa mga ito.

Walang kahirap-hirap para kay Marvin ang ikalawang bahagi ng Thorny Path.

Di nagtagal, nahati sa tatlo ang daan sa kanyang harap.

Isang kakaibang halimaw ang nakaharang sa daan.

次の章へ