webnovel

Insane And Genius

編集者: LiberReverieGroup

Sa isang sulo sa Hall, isang labanan ang nagaganap.

Ang Demon God Enforcer na pumatay sa Vampire ay kinaladkad ang kanyang greatsword habang mabagal itong naglakad patungo sa mga gwardya.

Hindi maipinta ang mukha ng mga knight ng River Shore City.

Kahit pa rinunod nila ang sinabi ni Madeline na paghiwa-hiwalayin ang mga Demon God Enforecer, at palibutan ito, pakiramdam nila ay sila ang napapalibutan nito habang papalapit ito.

Sadyang kakaiba ito.

Ang ilan sa kanila ay iniisip na basta-basta na lang sugurin at atakihin ang nilalang na ito.

Pero nagsilbing paalala ang katawan ng Vampire sa gilid, na tuloy pa rin ang pag-agos ng dugo, na kahit na nasa 2nd rank na sila, nakakatakot pa rin ang mga Demon God Enforcer.

Hinawakan ng mahigpit ni Gordian ang kanyang espada, kinakabahan.

Pinilit niyang kontrolin ang kanyang paghinga.

Napakalakas ng nilalang na ito. Nagawa lang tanggalin ng Vampire ang helmet nito bago siya tuluyang napatay nito.

Kitang-kita ni Gordian na isang kamay lang ang ginagamit nito!

Ang kamay na walang nakaka-alam kung gaano na katagal na nababalot ng yelo ay mayroon palang ganitong klaseng lakas.

Sa katunayan, hindi naman mahina ang natural na lakas ng mga Vampire.

'Hindi magiging epektibo ang mga Divine Spell basta hindi tatamaan ang kanyang soul fire.'

Hindi na mapalagay si Gordian.

Palapit na nang palapit ang Demon God Enforcer sa kanila, at nagsimula nang umatras ang mga taong pumapalibot dito.

Nang biglang, isang mahinang boses ang bumulong sa kanya. "Tulungan mo naman ako."

Nagulat si Gordian.

Mayroon palang naka-Stealth sa tabi niya pero hindi niya ito napansin!

Napakalakas na abilidad.

Saka niya napagtanto, 'Siya nga!'

Mortal na kaaway ni Marvin nag mga Demon God Enforcer. Pero mas nakabuti kay Marvin ang pag-atake nito ng gabi.

Dahil magagamit niya ng husto ang kanyang pagiging isang Night Walker.

Mayroon namang naidulot ang atake ng Vampire, nagawa naman nitong matanggal ang helmet ng Demon God Enforcer.

'Walang kritikal na bahagi sa katawan ang mga Demon God Enforcer. Mataas ang kanilang Magic Resistance, at mas mataas naman ang kanilang Physical Resistance.'

'Wala silang HP, mayroon lang silang soul fire sa kanilang mga ulo na nagpapanatili sa kanilang buhay.'

'Ang tanging paraan para matalo sila ay ang tanggalin ang soul fire nila!'

Ito ang tumatakbo sa isip ni Marvin.

Pero hindi ganoon kadaling gawin ito. Kahit na bumagsak sa lupa ang Demon God Enforcer, nakadikit sa kanilang mga katawan ang kanilang mga armor. Isa lang ang dahilan kung bakit ginawa ang mga ganitong nilalang, at 'yon ang pumatay. Wala nang iba.

Nakadikit rin ang kanilang mga helmet sa kanilang mga ulo. Kahit na hindi naging sapat ang lakas ng Vampire para magdulot ng pinsala, nagawa pa rin nitong matanggal ang helmet nito, kaya naman kita na ang madugo at nabubulok na mukha nito.

Ito ang nakitang butas ni Marvin sa depensa nito kaya naman sasamantalahin na niya ito.

Pero kailangan niya ng makakatulong.

At si Gordian na nga ang kanyang napili.

Bumulong si Marvin sa Paladin na ito, saka naman ito tumango.

Wala nang iba pang sinabi si Marvin at saka siya dahan-dahang lumapit sa likuran ng Demon God Enforcer.

Mababa lang ang perception ng mga Demon God Enforcer, dahil kung hindi, hindi niya maiiwasan ang isa nitong nakasalubong noong unang beses niyang pinasok ang Scarlet Monastery.

Higit na sa 100 skill point ang kanyang Stealth, at kapag dinagdag pa ang wilderness at night bonus, kahit na ang isang 2nd rank ng mayroong mataas na perception ay hindi magagawang maramdaman ang kanyang presensya, paano pa kaya ang isang Demon God Enforcer.

Dahan-dahang lumapit si Marvin, hanggang sa makarating na ito sa likuran ng Demon God Enforce na nasa limang metro ang layo.

Tumigil siya at huminga nang malalim.

Nang biglang mayroong aninong lumitaw sa tabi ng Demon God Enforcer!

At tulad ng dati, sinubukan muna ni Marvin ang sitwasyon gamit ang isang Shadow Doppleganger!

Agad namang sinunggaban ng Shadow Doppleganger ang ulo ng Demon God Enforcer famit ang dalawang dagger. Nang biglang inabot ng halimaw na to ang Shadow Doppleganger at walang awing binalibag rin ito sa lupa!

"Krak!" Bumagsak ang Shadow Doppleganger sa yelo at nakatanggap ng malaking pinsala, pero hindi pa rin ito namatay!

Iniisip ng Demon God Enforcer na tapusin ito gamit ang isang atake.

'Pagkakataon ko na.'

Hindi na nag-atubili si Marvin, Burst!

Tumalon siya mula sa likod ng Demon God Enforcer, walang habas na sinaksak niya ang dalawang dagger niya pababa!

"Pshhhh!"

Naglabas ng kakaibang lakas at pwersa ang Blazing Fury, pareho itong isinaksak sa magkabilang gilid ng ulo ng Demon God Enforcer, pero mababaw lang ang pagbaon nito!

Wala na siyang magagawa rito. Sadyang matigas ang bungo nito!

Galit na galit ang Demon God Enforcer. Binitawan nito ang kanyang greatsword at ginamit ang magabilang kamay paara subukang hulihin si Marvin na nasa kanyang likuran!

Nabigla ang ibang mga knight. Sinubukan ng Baron Marvin na ito na patayin ang isang Demon God Enforcer nang mag-isa matapos mamatay ng isang Vampire dahil dito!

Hindi ba nilalagay niya sa panganib ang buhya niya sa kanyang ginagawa?

Habang gulat na nanunuod ang lahat, itinulak ni Marvin ang sarili palayo gamit ang kanyang mga kamay, umikot ang kanyang katawan at binitawan ang kanang mga dagger para umikot paharap. Bumagsak naman ang kanyang mga paa sa mga dagger at nagawang iwasan ang mga kamay ng Demon God Enforcer!

[Night Jump]!

Ang malakas na jumping ability na ito ang dahilan kung bakit naiwasan ni Marvin ang atake ng Demon God Enforcer.

Pero hindi pa ito tapos, dahil tumataas pa ang kanyang katawan, biglang tumalon muli si Marvin!

[Second Jump]!

Sa pagkakataon ito, sumipa si Marvin sa kawalan.

Isa na naman itong gravity defying skill!

Natuliro ang lahat ng nanunuod. Tila ba sumasayaw si Marvin sa ulo ng Demon God Enforcer.

.

Umikot-ikot si Marvin sa ere at muling bumagsak ang kanyang mga paa sa mga dagger na nakabaon sa ulo ng Demon God Enforcer.

"Krak!"

Sa wakas ay bumukas na ang bungo ng Demon God Enforcer at bahagyang lumabas ang itim na ulap sa loob!

Ito ang soul fire ng Demon God Enforcer!

"Gordian!" Sigaw ni Marvin pag-apak nito sa lupa.

Maririnig na may halong pag-aalala ang pagsigaw nito.

Pero hindi pa rin nalimutan ng mga taga Silver Church ang tungkulin nila dahil lang sa ipinakita ni Marvin. Nakahanda na silang i-cast ang kanilang Divine Spell ano mang oras na bumuka ang bungo ng Demon God Enforcer.

Tatlong magkakasunod na holy light ang lumabas!

Divine Spell – Discipline!

Kung direktang tumama ang Divine spell na ito sa balat ng Demon God Enforcer, walang itong masyadong epekto.

Pero kung direkta itong tumama sa kanilang soul fire, ibang-iba ang kalalabasan!

Kalahati sa itim na ulap sa bungo ng Demon God Enforcer ay agad na nawala, at naging magulo naman ang natirang kalahati.

Tumigil na rin sa pagkilos ang Demon God Enforcer na ito.

Tuwang-tuwa si Marvin at lumapit.

"Swish!"

Inapakan niya ang tuhod ng Demon God Enforcer bago tumalon sa balikat nito.

Binunot niya ang Blazing Fury at hiniwa ito!

Hindi na makalaban ang Demon God Enforcer dahil sa nagkakagulo niyang soul fire kaya naman hindi na ito makagalaw.

Wala na itong magawa kundi hayaan si Marvin.

Wala pang isang minuto ng pag-atake, ginamit na niya ang Reckless Dual Wielder bonus para durugin ang bungo ng Demon God Enforcer.

"Bang!"

Bumagsak na ang Demon God Enforcer sa lupa.

Hinihingal na lumapit si Marvin.

Pero noong mga oras na 'yon, napansin niyang kakaiba ang tingin sa kanya ng mga tao.

Hindi magagawa ng isang pangkaraniwang tao ang mga pag-atake na iyon gamit ang mga dagger!

Pambihira ang taong ito!

Pero nanatiling mahinahon si Marvin.

Baliw, mahinahon, matapang, at matalino ang taong ito. Napuno ng respeto ang bawat knight para kay Marvin.

'Isang henyo ang taong 'to,' hindi mapigilang puri ni Gordian kay Marvin.

Walang pakielam si Marvin sa mga ito. Mas ikinatuwa pa niya ang hindi inaasahang pagkakapatay niya sa isang Demon God Enforcer.

Sa ngayon, kailangan niya ng malaking battle experience kung gusto niyang mag level up. 1800 battle exp lang ang nakuha niya sa Corpse King na elite boss ng unang Hall.

Isa iyong 3rd rank na halimaw!

Pero kahit pa ganoon, 1200 exp naman ang nakuha niya sa Demon God Enforcer. Ibig sabihin, kakaiba nga ang lakas nito.

Dumapo naman ang tingin niya sa kabilang dako ng labanan.

Marami na ang nakatanggap ng malaking pinsala at kinailangan umatras sa laban ng mga Demon God Enforcer at ng mga knight.

Di hamak na mas marami ang pwersa ng River Shore City. Kahit na napakalakas ng mga Demon God Enforcer, hindi magtatagal madidispatya rin ang mga ito.

Ang problema lang ay maraming tao ang mamamatay, mas marami ang masasaktan at mababawasan ang lakas sa pakikipaglaban.

Kung mangyari ito, wala na silang magagawa kundi tumigil sa Fourth Hall.

Sumimangot si Marvin. Gusto niya ring makatulong na mabawasan ang mga namamatay sa mga knight ng River Shore City, pero wala rin siyang magawa.

Lalo pa't mahirap rin para sa kanya ang pagpatay sa mga Demon god Enforcer.

'Kung pwede ko lang magamit ang Asuran Bear shapeshift, malaking tulong na 'yon.' Sinulyapan ni Marvin ang kanyang interface.

Sa kasamaang palad, hindi pa magagamit ang Asuran Bear.

Higit pa sa lakas ng mga Demon God Enforcer ang malakas na melee ability ng Asruan Bear.

Pero hindi pa siya maaaring mag-shapeshift.

'Teka… Shapeshift?'

Biglang may pumasok sa isip ni Marvin at bigla siyang naka-isip ng paraan.

Sa kabilang dako ng Second Hall, ang rumaragasang si Fegan ay walang habas na binangga si White Gown Collins.

Pero hindi tumalsik si Collins tulad ng inaasahan!

Biglang naging kulay silver-white ang katawan ni Collins.

4th-circle Exclusive Divine Spell – [Silver Body]!

Nagmukhang sinugod ni Fegan ang isang malambot na pader!

"Mamatay ka na!" Sigaw ni Collins.

Sa sumunod na sandali, lumipad na tila isang bala si Fegan at kanyang kabayo.

Hindi pa rin nagbago ang bilis nito!

"Bang!"

Sumalpok ang Avenger at ang kabayo nito sa isang pader na gawa sa bato dahil sa kapangyarihan ni Collins, kaya naman nagkaroon ng malaking butas dito!

"Ahem!""Ahem!"

Umubo nang umubo si Collins. Nawala na ang kulay silver-white sa kanyang balat habang patuloy itong umuubo.

Kailangan pa rin ng matinding kapalit ng paggamit niya ng isang mabagsik na Divine Spell kapag kaharap niya ang isang kalaban na kasing lakas ni Fegan!

"Woosh!"

Tumayo si Fegan mula sa mga tipak ng bato, mahigpit ang hawak nito sa kanyang malaking greatsword habang dahan-dahan itong lumapit para umatake ulit.

Tinuro ni Collins si Fegan at sinabi gamit ang lahat ng lakas nito, "Evil Spirit power, lumayas ka!"

Biglang lumabas ang Divine Power mula sa katawan nito at bumuo ng isang sinag at direktang sumabog sa katawan ni Fegan.

Tumingala si Fegan a sumigaw. Isa na namang malaking mukha ang lumabas sa kanyang likuran.

Kasabay nito, ibinuka ni Madeline ang kanyang mga kamay. Maaari na niyang magamit ang 4th-circle spell na inihanda niya!

次の章へ