webnovel

Shapeshift Sorcerer

編集者: LiberReverieGroup

____

TL: Shaman -> Sorcerer. Ipapaliwanag ko sa dulo.

__

Subclass?

Kinilabutan si Marvin nang lumabas ang mga logs na 'yun sa harap niya. Ang lamig at sakin na nararamdaman niya ang dahil kung bakit siya muling nagkamalay.

Habang si Wayne naman ang nakahiga sa tabi niya at eto naman ngayon ang walang malay!

Tumingala si Marvin.

'Butas… nahulog kami sa butas…'

'Buti na lang di gaanong malalim ang buta na 'to. Mukhang binuhat ako ni Wayne noong nawalan ako ng malay tapos nahulog kami rito!'

Agad namang tiningnan ni Marvin ang lagay ng kanyang kapatid. Namumula ang balat nito at nanlalamig ang mga kamay at paa nito. Hindi maganda 'to!

Mas mababa pa sa constitution ni Marvin ang constitution ni Wayne, nasa 7 lang ito!

Kahit na uminom ito ng cold resistance potion, hindi ito masyadong umepekto, lalo pa ngayon na nawawalan na ito ng bisa.

Masyadong mababa an gang temperature ni Wayne, maari niya itong ikamatay kapag mas bumaba pa ito!

Huminga ng malalim si Marvin at nag-inat ng kaunti.

Akala niya'y malaki ang pinsala ng katawan niya pero nagulat siyang wala siyang naramdamang sakit noong kumilos siya ng kaunti.

'Teka…'

'Yung subclass!

Agad na tiningnan ni Marvin ang kanyang mga logs.

At naroon nga, kasama ng Ranger, Night Walker, Noble, at Blacksmith na class, mayroong nakalagay sa unang subclass!

Kakaiba ang class name na ito, at halos hindi alam ng 90% ng naninirahan sa Feinan na mayroong ganitong class.

Shapeshift Sorcerer!

'Shapeshift Sorcerer nga!'

'Akala ko pa naman Shadow Sorcerer. Pero kahit na, hindi ko inakalang ngayon pa mabubuhayan ang bloodline ko.'

Tuwang-tuwa si Marvin.

Higit pa sa inaasahan niya ang naganap sa Battle of the Holy Grail na ito. Nagmalaki man siya sa harap ni Hathaway, pero hindi niya inakalang makakaharap siya ng isang Gemini dito.

Kampante pa siya kung mga Guardian o Wizard lang ang mga ito.

Pero sadyang nakakatakot ang mga Gemini. Hindi talaga posible ang ganoong pangangatawan para sa mga tao, at kahit na isang Hero ay hindi ganoon kalakas!

Matapos niyang mapatay ito, kahit si Marvin ay muntik nang sumuko. Bago siya mawalan ng malay, pinag-iisipan niya kung dapat na ba silang sumuko!

Kaso nga lang, hindi na niya nakausap si Wayne bago siya mawalan ng malay!

Hindi na alam ni Marvin kung ano ang kasunod na nangyari, pero mayroong siyang haka-haka sa kung ano ang naganap.

'Talagang matigas ang ulo ng batang 'to. Ayaw sumuko.'

.

Tiningnan ni Marvin si Wayne at napangiti.

Kahit na 9 na taong gulang palang ito, napakalakas na ng willpower nito. Kailangan niyang alalayan ito para malampasan ang pagkasira ng Universe Magic Pool. Sa ganito kalakas na willpower, maaaring mas lumakas pa ito sa oras na lumitaw na uli ang panibagong Wizard class!

Nakaupo lang si Marvin sa butas kung saan sila nahulog at hindi ito nakaramdam ng lamig. Inaral niya ang panibagong subclass na lumitaw mula sa kanyang bloodline.

Noong kinausap niya ang Ancient Elven God, nalaman niyang isa rin siyang Numan.

Hindi nagtagal ang mga Numan sa Feinan.

Mayroon silang kakayahang mag-cast ng mag-isa at di nila kailangn ng Universe Magic Pool.

Nagmula ang mga ito sa ibang lugar.

Ang pagpapalayas ng mga Wizard sa mga Sorcerer ay walang kinalaman dito. Naging malupit ang mga Numen sa Feinan at kalaunan ay itinaboy na rin sila ng mga taong nag-aklas laban sa kanila, at di nagtagal hindi na sila hinayaang makabalik.

Ngunit mayroon pa ring mga taong may dugong Numan sa Feinan. Ang mga ito ay magiging bahagi ng isang malakas na pamilya ng mga Sorcerer. Lalo pa't isa itong class na nahahati sa iba't ibang mga class. Fate Sorcerer, Fiend Sorcerer, Ghost Sorcerer, Evil Spirit Sorcerer…. Hindi mapapansin ang mga Numan dahil nakatago sila sa maga Sorcerer.

Kahit na pinawalang-bisa na ng South Wizard Alliance ang kautusan itaboy ang mga Numan, na inilabas 300 taon na ang nakakalipas, karamihan sa mga tao ay duda pa rin sa mga Numen.

Maraming ignoranteng nag-aakala na uri ng demonyo ang mga Numan.

At dahil dito, nagdusa pati na ang mga Sorcerer, at kahit anong gawin nilang pagpapaliwanag, hindi sila naniniwala na [Draconic Sorcerer] o [Celestial Sorcerer] ang kanilang class dahil iniisp ng mga ito na mga [Fiend Sorcerer] ang mga ito.

Talagang nakakatakot ang kamangmangan.

Sa katunayan, marami ring sangay ang mga Numan.

Noong ginamit ni Marvin ang Boo of Nalu, nakuha niya ang [Shadow Doppleganger] na skill. Ang innate skill na ito'y malaki ang naitulong sa pakikipaglaban niya sa Gemini.

Nang makuha niya ito, inisip niya nab aka [Shadow Sorcerer] ang kanyang bloodline!

Pero nagkamali pala siya.

'Mas bibihira ang mg Shapeshift Sorcerer kumapra sa mga Shadow Sorcerer!'

'Kakaunti lang ang naaalala kong nakilalang kong Shapeshift Sorcerer noon…'

'Hmmm. Kung tama ang pagkakatanda ko, noong lumabas ako sa [Sixth Evil Overlord] ng Underworld na si Diggies, isa sa mga kakampi niya ata ang Shapeshift Sorcerer.'

Unti-unting pumasok sa isip ni Marvin ang kaalaman tungkol sa class na ito.

Pero halos walang silbi ang mga kaalamang ito kung ikukumpara sa mga nalalaman niya tungkol sa ibang class!

Ang alam niya lang ay may kakaunting mga Shapeshifter Sorcerer sa mga Numen, alam niya rin na maaring magbago ang anyo ng mga ito, at kakaunti lang ang mga spell ng mga ito.

'Tingnan ko nga kung anong nagbago sa mga attribute ko.'

Tiningnan mabuti ni Marvin ang attribute panel.

At ito ang kanyang mga nakita:

[You received your first subclass – Shapeshift Sorcerer (Bloodline)]

[Personal Specialty – Versatile in effect. No penalty for the first subclass.]

[1000 battle exp automatically withdrawn. Subclass Shapeshift Sorcerer successfully acquired.]

[Constitution +1, HP +10]

[Bloodline awakening (1/5). All 1st-circle spells acquired.]

[You obtained a class specialty – Boundless Shapeshifting.]

[Boundless Shapeshifting]: Active Specialty. Maaari kang magbago ng anyo. Mayroong kang dalawang anyong maaaring pagpilian sa ngayon– Shadow-shape, Beast-shape.

….

Matapos tingnan ito, kahit papaano'y naiintindihan na niya ang class na ito.

Ito'y isang napakahiwagang class

Maraming iba't ibang klase ng anyo. Sa ngayon, may dalawa siyang maaaring gamitin; ang Shadow at ang Beast.

Matapos niyang makuha ang subclass na ito, ang human ang normal niyang anyo.

At kakain ng malaking bahagi ng kanyang stamina ang paggamit ng isa sa mga anyong ito. Nasa kalahati ang mababawas kapag nag-shapeshift siya.

Sa constitution ngayon ni Marvin,siguro'y nasa 10 minuto niya lang ito magagamit bago niya kailanganing bumalik sa normal niyang anyo.

At tungkol naman sa mga ability ng mga non-human shape niya, wala siyang kaalam-alam.

At sa kanyang human-shape, bukod sa bonus attritute point na matatangap niya, dalawa lang ang spell ng [All 1st-circle spells]!

Ang isa ay ang [Charming Looks]!

Ang spell na ito ay nakakapagbigay ng +3 na Charisma sa loob ng 30 minuto. Sa madaling salita, magagamit ito para mang-akit ng mga babae.

Ang pangalawa naman ay ang [Transforming Magic Cube]!

Isang control type spell ito, mapupunan nito ang kakulangan ni Marvin sa pagkabihasa sa kanyang mga ability!

Dalawang 1st-circle spell, matuturing pa bang Sorcerer class ito?

Hindi mapigilang pagtawanan ito ni Marvin.

Pero napansin niyang matapos niyang matanggap ang class na ito, nawala ang panghihina ng katawan niya.

Bigla na lang gumaling ang lahat ng pinsalang natamo niya sa kamay ng Gemini.

May kinalaman siguro ito sa Shapeshift Sorcerer na Bloodline.

'Hindi ko masabi kung mabuti ba o masama ang bloodline na 'to. Maraming panganib sa paligid, hindi ako pwedeng maging pabaya.'

'Kung hindi lang dahil sa swerte… Teka, swerte?'

Biglang may naalala si Marvin.

Tiningnan niyang muli ang attribute window. Biglang nawala ang [Luck +1] na naroon dati.

'Nawala?'

'Anong ibig-sabihin nito?'

Hindi tanga si Marvin, kaya naintindihan na rin niya ito kalaunan.

'Kaya pala! Hindi pala ako ang swerte… Nagising ako dahil sa Luck bonus!'

'Ang blessing ng Fortune Fairy na si Ding!'

Ang Fortune Fairy ang isa sa pagkakatawang-tao ng bahagi ng Fate Tablet. Nakakatakot ang lakas nito. Kaya mahirap isipin kung ano ang kanyang blessing.

Kahit mayroong lang 1/10000 na pagkakataong mabuhay ang kanyang bloodline, matapos gamitin ang Luck, maaaari itong tumaas sa 99%.

Ito ang epekto ng Luck.

Pero may limitasyon lang ang paggamit ng Luck. Matapos itong magamit sa pagbuhay ng bloodline ni Marvin, nawala na ito.

Sa susunod na mapunta uli si Marvin sa ganitong sitwasyon, kailangan na niya umasa sa tunay na swerte niya.

Gayunpaman, masaya na si Marvin sa biglaang pagkabuhay ng kanyang bloodline subclass.

Hindi naman nasayang ang kanyang subclass spot sa pagkakakuha niya ng Shapeshift Sorcerer. Nailaigtas pa nito ang buhay niya.

Tumingala siya at tiningnan ang butas. Hindi naman ito masyadong mataas pero kailangan niyang gumamit ng kaunting lakas para tumalon palabas nito.

Isa pa, mayroong rin naman siyang [Anti=Gravity Steps].

Base sa kulay ng kalangitan, mukhang hapon na.

Wala pang kumukuha sa kanila kaya ibig-sabihin, tuloy pa rin ang kompetisyon.

'Buhay pa 'yun Celina.' Makikita ang kabangisan sa mga mata ni Marvin.

Hindi naman magkakaroon ng Gemini sa kompetisyon ito kung hindi dahil sa kanya.

Siguradong hindi magpapakita ng awa si Marvin sa babaeng 'yon!

'Kailangan muna naming makalabas dito.'

Kumuha si Marvin ng Wishful rope at itinali ito kay Wayne, hinanda ni Marvin ang sarili sa pagtalon palabas at sa paghila ng kanyang kapatid.

Nang biglang ay isang malakas na alulong ng isang lobo ang maririnig sa labas ng butas.

Masama ang kutob ni Marvin.

Gumamit siya ng Anti-Gravity Steps at agad na sumilip sa labas.

May nakita siyang isang lobo na nakatayo sa di kalayuan, tuloy-tuloy ang pag-alulong nito.

Isang tao rin ang makikitang nakatayo sa tabi nito!

Si Celina!

Napansin ni Marvin na kahit na maliit at payat pa ito, mayroong malamig na hangin sa tuwing umaalulong ito.

'Isang Great Winter Wolf!'

'Kahit na tuta pa lang 'yon, di ako makapaniwalang may alaga siyang ganoon! Pinagkakagastusan talaga 'to ng Unicorn clan!'

Biglang may napagtanto si Marvin.

Walang problema sa isang maliit na Great Winter Wolf, dahil kaya niya ito. Ang problema ay kayang magtawag ng grupo ng mga lobo nito.

Hindi basta-basta ang isang grupo ng mga lobo.

Maririnig mula sa kabilang dako ng bundok ang mga mahihinang alulong na sumasagot sa Great Winter Wolf.

Ito ang tunog ng mga low level na lobong sumasagot sa pagtawag ng Great Winter Wolf!

Kapag nabuo na ang grupo ng mga lobo, mahihirapan na silang makatakas!

'Masama 'to, kailangan ko munang mapatay si Celina at ang Winter Wolf!'

Mararamdam ang bagsik ni Marvin sa kanyang mga mata. Itinago muna niya si Wayne sa mas tagong bahagi ng butas.

Sinuot na muna niya ang Thunder Fairy Boots ni wayne, at tumakbo ng napakabilis patungo kay Celina na nakatayo sa di kalayuan!

'Oras na para ipaita ang lakas ng class na nakuha ko!' isip ni Marvin.

Handan a siyang mag-shapeshift!

_________

T/N1- Pasensya na sa pagbabago. Ang paglalarawan kasi ng class ay mas tugma sa isang Shaman at Sorcerer, mas pinili ko ang Shaman (Dahil mas maiuugnay ang sorcerer sa mga wizard kumpara sa shaman) kaya naman 'yon ang ginamit ko. Pero nang ipasok ang Draconic Sorcerer at Celestial, itinama ko na ang mali. Sorcerer na siya ngayon, para masunod ng maayos ang mga D&D class.

次の章へ