webnovel

Chapter 146

編集者: LiberReverieGroup

Narinig ang halinghing ng kabayo, nasundan ito ng tunog ng yabag ng mga papalayong kabayo. Sumunod ang mga tagasilbi habang sumisigaw, "Master! Kabayo iyan ng kamahalan!"

"Simula pagkabata, mag-isa na siya. Natural lang na hindi maganda ang asal niya." Tumingin si Yan Xun sa direksyon kung saan naglaho si Huanhuan at marahan na ngumiti.

Nakatingin mula sa gilid niya, nakakita si Chu Qiao ng malumanay na ekspresyon na hindi pa niya nakikita dati sa mukha nito. Alam niya na ito ang ekspresyon nito ng pagmamahal sa pamilya, isang ekspresyon na matagal na niyang hindi nakita sa mukha nito.

Ang huling sinag ng araw ay naglaho habang ang kalupaan ay lumubog sa kadiliman. Ang kislap ng bituin ay lumiwanag mula sa ibabaw, tulad ng matang umiilaw sa dilim, inoobserbahan ang kalahatan ng kabundukan ng Yan Bei. Huminga ng malalim ng malamig na hangin, pakiramdam ni Chu Qiao ay huminga siya ng bloke ng yelo.

"Ngunit sa totoo lang, mas maswerte ako kasya sa kanya!" Biglang pahayag ng lalaki. Hindi siya lumingon para harapin si Chu Qiao, bagkus ay nanatiling nakatingin sa malayong abot-tanaw. Gayon pa man, ang kaliwa niyang kamay ay marahang hinakawan ang palad ni Chu Qiao.

Matapos kumain ng hapunan, umupo si Chu Qiao sa pansamatalang aralan habang nililipat ang kasalukuyang ulat ng digmaan ng Yan Bei. Alam niya na wala pa sa maaasahang sitwasyon ang Yan Bei. Sinabay ang pag-aaklas sa syudad ng Zheng Huang, nagrebelyon din ang Yan Bei sa parehong araw. Ang Da Tong Guild at mga tauhang sumusunod sa namayapang hari ng Yan Bei ay umatake sa mahalagang syudad sa Silangan at Kanluran. Gayumpaman, hindi pa nababasag ng pwersa ng Yan Bei ang matigas na Meilin Pass sa hilaga. Bilang maistratehiyang lokasyon, ang syudad na iyon ay kadalasan may nakaistasyong 10,000 sundalo, at hindi madaling nalulupig, kahit sa karaniwan. Bukod dito, ang balita ng pag-aalsa ay naabot ang daanan na ito mula sa silangan, kaya sa oras na dumating ang rebeldeng hukbo, handa na ang mga ito makipaglaban.

Kahit na sikat ang Da Tong na puno ng talento, kulang pa rin sila sa mga dalubhasa sa istratehiya. Ang istratehiya nila ay nasa elementaryang antas palang at umasa sa sigla ng mga sundalo. Naintindihan ni Chu Qiao na kapag kaharap ang mga piling sundalo ng imperyo ng Xia, hindi sapat ang sigla para tumagal hanggang dulo. Isang klase ng sining ang digmaan, ngunit, sa Da Tong, iilan lang ang nakakaintindi ng sining na ito.

Madaling inayos ang mga ulat, minarkahan ni Chu Qiao ang pula ang mga mahalagang puntos. Sa oras na matapos na niya ang lahat, gabing-gabi na.

Isang magulong katok ang narinig sa labas ng pinto. Tinanggap ito ni Chu Qiao, at marahang nabuksan ang pinto. Ipinasok ni Huanhuan ang kanyang ulo, at parang magnanakaw, balisang luminga-linga, bago bumulong, "Nasan ang kapatid ko? Nandito ba siya?"

"Wala siya dito." Tumayo si Chu Qiao para salubungin ito. "Kasalukuyan siyang kumakausap ng bisita sa harap na bulwagan. Prinsesa, hinahanap mo ba siya?"

"Ah, kung ganoon ay ayos iyon." Nang marinig na wala si Yan Xun, biglang lumiwanag si Huanhuan at pumasok. May malaking hakbang siyang lumapit kay Chu Qiao at sinabi, "Sa totoo lang ay hinahanap kita. Halika, maglakad-lakad tayo." Nang masabi iyon, hindi man lang niya hinintay na sumang-ayon si Chu Qiao bago ito hinila. Sa pagmamadali, kapa nalang ang nadampot ni Chu Qiao bago mahila palabas.

"Prinsesa, bakit niyo ako hinanap?"

Lumagpas sa mga kalye, naabot nila ang kanluran ng Lü Yi. Matatagpuan ang syudad sa mataas na lupa, at may dalusdos sa kanluran kung saan naggagarison ang karamihan sa hukbo. Bago magtakipsilim, maraming siga ang nasilaban. Hindi nakilala ng mga mandirigma si Chu Qiao ngunit nang makitang papalapit si Huanhuan mula sa kalayuan ay masaya silang bumati, "Yo! Ang Master ito! Nakakain ka na ba? Gusto mo bang maupo at makikain sa amin?"

Masayang nagbiro si Huanhuan, "Alis! Nakakain na ako ng abalone, lobster, at pettitoes doon! Sinong may gustong kumain ng simpleng pansit na may sabaw?"

Masayang tumawa ang mga sundalo at pinadaan ang dalawang babae. Mas nagbigay sila ng atensyon kay Chu Qiao dahil sa kuryusidad.

"Erm. Regalo ko sayo ang isang iyon!" Tumawa si Huanhuan at tinulak pasulong si Chu Qiao. Nagliwanag ang mata ni Chu Qiao nang makita ang tanawin sa harap niya. Mayroong madilim ang maroon na kabayong nakatali sa malaking puno. Ang buong katawan na madilim na pagkapulang balahibo, ang paa nito ay mas makintab. May puting balahibo sa harap ng ilong nito, ito ay nasa kanyang kalakasan, bilang ito ay malusog at malakas. May malinaw na mga mata, halatang magandang kabayo ito.

Inunat ni Chu Qiao ang kamay para magaan na haplusin ang ilong nito. May malumanay na halinghing, bumuga ng mainit na hangin ang kabayo sa kamay ni Chu Qiao. Napangiti si Chu Qiao sa kilos na iyon habang masayang sinabi ni Huanhuan, "Gusto ka ni AhTu."

"AhTu?"

"Oo. Iyon ang pangalan na ibinigay ko sa kanya." Tinapik-tapik ni Huanhuan ang kabayo habang buong kapurihan na nakangiti at ipinaliwanag ang pinagmulan nito, "Ito ang pinuno ng mga kabayo sa baba ng kabundukan ng Hui Hui. Nahuli ko lang ito matapos ang pitong araw, at sinanay ng higit sa isang taon. Ngayon, sayo na ito."

Dahil nawala sa kanya si Liu Xing, hindi pa nakakahanap ng magandang kabayo si Chu Qiao. Nang makitang magandang kabayo nga ito, nagpapasalamat si Chu Qiao, at agad na nagpasalamat kay Huanhuan, "Salamat, Prinsesa."

"Pwede bang ihinto mo na ang pagtawag sa akin ng 'prinsesa'?" Hiling ni Huanhuan. "Ipinanganak ako sa unang pamilya. Kahit na buhay pa ang ama ko, hindi ako natawag na ganyan. Lalo na ngayon."

"Sige, kung ganoon ay anong itatawag ko sayo?"

"Ayos na ang Huanhuan. Tatawagin kitang AhChu, tulad ni kapatid. Doon, patas tayo!"

Ngumiti si Chu Qiao. "Sige, Huanhuan."

Nang marinig iyon, abot-tainga ang ngiti ni Huanhuan, habang ang mga mata niya ay naging manipis na linya. Nang makita iyon, biglang nalamon si Chu Qiao ng halo ng emosyon. Hindi man lang 20 taon ang babaeng ito na nasa harap niya nang pinatay ang buong pamilya ng Yan. Siya lang ang tanging anak na babae ng kapatid ni Yan Shicheng na si Yan Shifeng. Ngunit dahil pinanganak siya sa hamak na kerida, pinakawalan siya. Nang aarestuhin na siya at dadalhin sa syudad ng Zhen Huang bilang alipin, sinagip siya ng mga mandirigma ng Da Tong. Nitong mga taon na ito, nanatiling siyang espiritwal na pinuno ng mga taga Yan Bei kapalit ni Yan Xun. Bilang nag-iisang kadugo ng pamilya ng Yan sa Yan Bei, inipon niya ang mga talento ng dating tagasunod ng pamilya ng Yan at iyong mga kumikilos laban sa imperyo ng Xia. Habang lumalaki siya, itinapon niya mismo ang sarili sa harap ng laban, dinanas ang totoong digmaan. Dahan-dahan, naging isa siyang magaling na heneral. Sa magulong mundo na ito, halos kahit kaninong istorya ay maisusulat bilang alamat.

"AhChu, masaya ba ang syudad ng Zhen Huang?" Sa huli ay isa pa ring bata si Huanhuan, at matapos saglit na makipag-usap kay Chu Qiao, hindi nagtagal ay tumungo doon ang usapan. "Narinig ko sa mga bali-balita na lubhang engrande doon, at kahit mga taga Fu Luo na naninirahan sa tabi ng dagat ay tumutungo doon para sa negosyo. Ang mga taga Fu Luo ay may pulang buhok at asul na mata, nakita mo na ba sila dati?"

Nakangiting sumagot si Chu Qiao. "Nakita ko na sila, ngunit minsan lang iyon. Sa pagsasalita ng pagka-engrande at mga dayuhan, sa tingin ko ay mas kilala ang imperyo ng Tang doon."

"Ang imperyo ng Tang?"

"Tama." Ang dalawa, habang iginagala ng kabayo, ay umupo sa tuktok ng dalusdos. Magkatabi na nakaupo, maliwanag na suminag ang liwanag ng buwan sa dalawa.

Nagpaliwanag si Chu Qiao, "Magandang bansa iyon. Wala silang nyebe sa buong taon, o kahit na taglamig. Ginugugol nila ang buong taon na nagpapainit sa init ng tagsibol, at ang kanilang komersyo ay napakahusay din. Ang kabisera nila, ang Tang Jing, ito pa lang ay may populasyon na ng higit sa tatlong milyon. Halos isang ikalima na iyon ng buong populasyon ng Yan Bei."

"Wow!" Namangha ang babaeng ito na hindi pa naiiwan ang lupain ng Yan Bei, "Napaka astig noon!"

"Talaga." Tumawa si Chu Qiao habang ang imahe ni Li Ce na buong kapurihan ay umibabaw sa isip niya. "Talagang astig sila."

"Kapag nagkaroon ako ng tsansa, kailangan kong pumunta at tumingin." Ikinaway ni Huanhuan ang kamao niya sa ere. "Pagkatapos natin manalo sa digmaan, pupunta tayo!"

Tumatangong sang-ayon ni Chu Qiao, "Sige. Pagkatapos natin manalo sa digmaan, pwede tayong dalawa na pumunta doon."

"Ayos! Pangako iyan! Huwag kang umatras kapag dumating ang araw na iyon!" Malakas na bulalas ni Huanhuan bago tumuro sa kabayo na tahimik na kumakain ng damo sa gilid nila. "AhTu, narinig mo ba siya? Ikaw ang saksi ko!"

Napakatalino ng kabayong iyon. Nang marinig na tinawag ang pangalan niya, nag-angat ito ng ulo at tumingin.

Ngumiti si Chu Qiao. "Sige, si AhTu ang saksi."

Noon din ay may ingay na nanggaling sa ibaba. Tumalon si Huanhuan at agad na nagliwanag ang mukha nito. Natatarantang kumakaway, tumawag siya, "Xiaohe! Xiaohe! Halika dito!"

Hindi nagtagal, isang kabayo ang lumapit. Isang makisig na binata ang tumalon pababa ng kabayo, at tumatakbong lumapit sa dalawang babae. Medyo hinihingal siyang nagtanong, "Anong nangyari? Bakit nagmamadali kang nagpadala ng tao para hanapin ako?"

"Gusto kong magpakilala ng kaibigan sayo!" Tumuro kay Chu Qiao, buong kapurihang pahayag ni Huanhuan, "Kilala mo ba kung sino ito? Baka mamatay ka sa gulat kapag nalaman mo! Hahaha! Si Chu Qiao ito, ang nagpanalo ng Southwest Emissary Garrison laban sa mga taga hilagang-kanlurang iyon."

"An--?" Matagal bago naproseso ni Xiaohe ang impormasyong iyon. Lubos siyang nagulat, ang kanyang mata ay nanlalaki sa hindi pagkapaniwala. "Napakabata niya?" bulong niya.

Napairap dito, tila ba pinagtatawanan ni Huanhuan ang kulang sa kaalalamn nito. Tapos, lumingon siya kay Chu Qiao at ipinakilala ang lalaki, "AhChu, ito si Xiaohe. Ang buo niyang pangalan ay… tama, Xiaohe, ano nga ulit ang buo mong pangalan?:

Agad na hindi makapagsalita si Xiaohe, tapos ay malungkot siyang nagtanong, "Pati buong pangalan ko ay nakalimutan mo?"

"Sino aalala ng ganitong bagay?" Napasimangot si Huanhuan, sinasabi na tila isa itong katotohanan. "Walang gumagamit ng buong pangalan mo, kaya walang kwenta iyon."

Napairap si Xiaohe bago lumingon at nagpakilala kay Chu Qiao, "Lady Chu, ang apelyido ko ay Ye, ang buong pangalan ay Ye Tinghe. Isa akong administratibong opisyal ng pang-unang hukbo. Tinatawag nila akong Xiaohe, pwede mo rin ako tawaging ganoon."

Ngumiti si Chu Qiao. "General Xiaohe, ikinagagalak kong makilala ka."

"Bleh! Siya? Heneral? Baka sa susunod niyang buhay!"

"Oy! Huanhuan, hindi maganda ang manira ng kapwa sa bagong kakilala!"

Ang mga kamay ay nasa bewang, sumagot si Huanhuan, "Ano naman kung hindi ako mabait? Pusta ko na nabighani ka rin sa ganda niya. Hayaan mong sabihin ko sayo, mapapangasawa ng kapatid ko si AhChu. Para naman sayo, huwag ka nang mag-isip-isip pa."

Lubos na nahiya si Xiaohe, habang sumagot ito, "Kailan pa ako nag-isip ng ganoon? Minamantsahan mo ang imahe ko!"

Tinusok ni Huanhuan ang dibdib nito, habang dominanteng sinabi, "Ano naman kung minamantsahan ko ang imahe mo?"

Napangiwi sa galit ang mukha ni Xiaohe, habang napatid ang pasensya nito, "Ang wala sa katwiran na babaeng ito! Imposibleng mangatwiran sayo. Lady Chu, may ibabg bagay pa akong aayusin. Aali na ako."

"Ano naman mga gagawin mo? Administratibong opisyal, hmph, ni hindi ko man lang alam kung anong klaseng opisyal yan! Binigay lang sayo ni Ginoong Wu ang titulong iyan para gumawa ng simpleng bagay."

"Ikaw…"

Nang makitang umiinit na ang bangayan ng dalawa, agad na sumingit si Chu Qiao para pakalmahin ang sitwasyon, "Ngayon, sa pagsasaayos ng hukbo natin, siguradong mas abala ang administratibong opisyal sa maraming responsibilidad."

"AhChu, wag mo siyang purihin."

Nagkibit-balikat si Chu Qiao. "Hindi totoo iyon! Sa pag-uumpisa ng digmaan, napakahalaga ang administratibong opisyal sa likuran. Nakatalaga sila sa malawak na mga bagay, mula sa pangangalap hanggang pagsasanay, mula sa pagpatupad ng batas militar hanggang sa pagsaayos ng limitadong lakas ng mga hukbo. Inoorganisa din nila ang dagdag kawal at inaayos ang pangangalaga ng bagong lugar na inookupahan para mapakalma ang populasyon. Maraming mga detalyeng kasama, at hindi ito isang bagay na magagawa ng kung sino."

Sa kompletong deskripsyon niya, nakatingin lang sa kanya ang dalawang nakikinig sa kanya, kompletong itinigil ang nakaraang bangayan. Nang makita iyon, nakaramdam ng kakaiba si Chu Qiao at nagtanong, "Anong problema? May sinabi ba akong mali?"

"W-walang problema." Tumalikod si Huanhuan at tinanong si Xiaohe, "Ginagawa mo yan ngayon?"

"Hindi." Umiling si Xiaohe. "Nakatalaga lang ako na magtala ng labanan, at minsan ay tinutulungan ko ang mga sundalo na magsulat sa kanilang mga pamilya."

Walang masabi si Chu Qiao. Paano ito naging administratibong opisyal? Malinaw na isa lang itong karaniwang kawani.

"Xiaohe, mukhang kailangan mong madalas na bisitahin si AhChu. Marami siyang ituturo sayo." Kumukurap na saad ni Huanhuan.

Agad na pumayag si Xiaohe, "Hindi nakakapagtaka na nananalo ka sa mga labanan. Napakagaling mo."

Hindi maiwasang mapabuntong-hininga ni Chu Qiao. Mukhang kailangan ng maraming reorganisasyon ng hukbo ng Yan Bei.

Matapos mag-usap pa ay naghiwalay na sila. Tumingin pabalik sa kanila, nakikita ni Chu Qiao na nagpatuloy ang kanilang pakikipagtaltalan habang tinutusok at tinutulak nila pabalik ang isa't-isa. Nang makita iyon, medyo nalibang siya.

次の章へ