webnovel

Chapter 106

編集者: LiberReverieGroup

Hindi malakas na pwersa ang ginamit ni Zhuge Yue. Nang tinignan niya ang nakaakit na babae na walang pang-itaas na nakahiga sa sahig ay natigilan siya. Kunot na kunot ang noo niya na mukhang malalim ang iniisip. Madaling natakot ang babae sa nangyari kanina. Pinatulog siya ng walang dahilan at nang magising ay nagtagpuan ang sarili na nakakulong sa aparador. Pagkatapos ng mahabang oras, sa wakas ay napakawalan na siya ngunit bago pa siya makahingi ng tulong ay nakatanggap siya ng mabigat na sipa sa katawan. Sa puntong ito, habang nakaharap na nakakaintimidang lalaki ay nawalan siya ng malay.

"Hoy! Huwag mo siyang saktan!"

Tumalikod si Zhuge Yue at nakita ang hindi mapakaling tingin sa mukha ni Chu Qiao. Saka niya naintindihan ang lahat. Dahil si Chu Qiao ang nagpapanggap na alipin, siya siguro ang alipin na inihanda ni Tian Chengshou. Pagkatapos niya maayos ang mga naiisip niya ay hindi man lang tumingin si Zhuge Yue sa babae na nasa sahig. Lumapit siya sa aparador at naglabas ng damit tapos ay lumapit kay Chu Qiao at ibinato ang damit sa kanya. "Xing'er, wala ka pa rin awa." Walang emosyong saad niya habang bahagyang nakangiti.

"Huwag mo ako tawaging Xing'er!" malamig na tugon ni Chu Qiao. Hindi niya tinanggal ang basa niyang damit bagkus ay ipinatong ang malinis na damit sa kanyang katawan. Nang matapos niya ang kanyang sasabihin, nakarinig niya ng galit na singhal sa gilid niya. Parang tigre na dumagan si Zhuge Yue kay Chu Qiao at ipinipiin ang katawan sa ilalim niya. Ipinulupot niya ang kanyang binti sa binti ni Chu Qiao at isang kamay na hinawakan ang baba nito. "Kung ganoon ay anong itatawag ko sayo? Jing Yue'er? O ano? Chu Qiao?" may bangis at lupit na saad niya.

Taimtim ang ekspresyon ni Zhuge Yue. Ang tingin ng kanyang mga mata ay senyales ng isang bagyo na malapit nang mabuo. Mas lumakas pa ang lakas ng hawak niya kay Chu Qiao. Paos ang boses niyang idinagdag, "Tapos? Ngayon na kumampi ka na kay Yan Xun ay itinatakwil mo na ang lipi ng ninuno mo? Binago mo ang apelyido mo? Bakit hindi mo nalang ito gawing Yan?"

Malamig na tinitigan ni Chu Qiao si Zhuge Yue at inutusan ito, "Pakawalan mo ako!"

"Pakawalan ka?" tuya ni Zhuge Yue. "Saan mo iniisip na pumunta? Nandito ka sa Tang para sa dati mong mapapangasawa na ikakasal na ngayon, o para pumunta ng Yan Bei? Bakit hindi ko naisip dati na ang little Xing'er namin ay isang nakangiting resipe ng sakuna?

"Zhuge Yue. Binabalaan kita, pakawalan mo ako!"

"Binabalaan?" nagbigay ng nakakatakot na ngiti si Zhuge Yue at malamig na naningkit ang kanyang mata. "Xing'er, ito ba ang unang beses na nakilala mo ako? Kailan ako, na si Zhuge Yue, ay natakot sa pagbabanta ng iba?"

Hindi na nag-isip pa si Chu Qiao. Ginamit niya ang kanyang mga daliri para dakmain ang leeg ni Zhuge Yue.

Hindi mabagal ang reaksyon ni Zhuge Yue at ihinilig palayo ang kanyang katawan. Kwelyo ang tanging nahagip ni Chu Qiao na pumunit sa damit nito. Niluwagan ni Zhuge Yue ang hawak niya sa baba ni Chu Qiao, ang kanyang kamay ay humimas sa kanyang makinis na balat at tukoy na collarbone. "Tapos? Hindi na makapaghintay pa?" may panibagong nakakatakot na tawa niyang saad.

Nanatiling hindi nagbago ang ekspresyon ni Chu Qiao. Naningkit ang mata niya sa galit at sinipa si Zhuge Yue sa kili-kili.

Hindi ordinaryong karakter si Zhuge Yue. Paano siya malalamangan sa isang harapang labanan? Gamit ang mga kamay para suportahan ang sarili ay patalikod siyang sumirko sa ere. Nang lumapag siya sa higaan ay ginamit niya ulit ang mga kamay para suportahan ang sarili, lumapit kay Chu Qiao at iginupo siya ulit. Ang mga mukha nila ay magkalapit, ang kanilang paghinga ay umiihip sa mukha ng isa't-isa.

"Hmph!" singhal ni Chu Qiao sa galit. Nagagalit siyang sumuntok tungo sa balikat Zhuge Yue. Binabaan ni Zhuge Yue ang balikat niya habang inilayo ang kanyang katawan. Nadala ang katawan ni Chu Qiao sa paglayo ni Zhuge Yue. Hinawakan ni Zhuge Yue ang kanyang bewang at gumulong dahilan para pumulupot sa kanila ang kumot na parang isang malaking dumpling. Kinuha ni Zhuge Yue ang oportyunidad na ito na igupo ang mga kamay ni Chu Qiao at pwersahin na sumailalim ang kanyang mga paa.

Pwersahang nagpumiglas si Chu Qiao ngunit dahil mahigpit na nakabalot sa kanila ang kumot ay hindi niya nakagawang makatakas. Kasama ang katotohanan na mas malakas sa kanya si Zhuge Yue, bumagsak siya pabalik sa higaan pagkatapos ng ilang sandali at hingal na hingal. Dahil hindi niya kayang lamangan si Zhuge Yue, iniangat niya ang kanyang ulo para kagatin ito.

Napunit na ang damit ni Chu Qiao sa labanang ito at inilalabas ang malaking parte ng kanyang balat. Namula sa hiya si Chu Qiao at mapanganib ng tumingin kay Zhuge Yue, ang kanyang dibdib ay taas-baba sa galit.

"Hindi ka pa rin aamin ng pagkatalo?"

"Tampalasan!" malamig na sagot ni Chu Qiao.

Nakadapa si Zhuge Yue sa ibabaw ni Chu Qiao. Nang marinig ang kanyang labis na paghinga, mabilis na tibok ng puso, at maamoy ang natural nitong halimuyak, ang itsura ng kanyang mukha ay naging malambot. Mayabang na tumawa ang lalaki at marahan na sinabi, "Gusto mo pa bang lumaban?"

Nakagat ni Chu Qiao ang kanyang labi. Bihira siyang matalo sa mga labanan nitong mga nakalipas na taon. Bigla ay nakaramdam siya ng bahid ng hindi maipaliwanag na pagkataranta. Sa hindi malaman na dahilan ay gusto niya lang lisanin ang lugar na ito at hindi na muling makita pa ang lalaki na nasa harap niya.

"Pakawalan mo ako!"

"Xing'er, lagi mo nalang itong sinasabi. Hindi ka ba naaasiwa?"

Napunit ang suot ni Chu Qiao dahilan para makita ang pareho niyang makinis na binti. Mahigpit na nakapulupot ang binti ni Zhuge Yue sa kanya. Nang nagtama ang mga balat nila, ang kapaligiran ay mas naging magiliw.

Mabangis na tumitig si Chu Qiao kay Zhuge Yue at tiim-bagang niyang sinabi, "Gusto kitang saksakin!"

Humagalpak sa tawa si Zhuge Yue. Ang kanyang itsura ay kaakit-akit, ang kanyang labi ay mapulang-mapula. May hindi mapigilang ugali siyang sumagot, "Bakit hindi mo dagdagan ng ilang suntok iyan?"

"Hmph!" galit na umiwas ng tingin si Chu Qiao at hindi siya tinitingnan sa mata. Hindi niya kayang talunin o takasan si Zhuge Yue. Mag kasing galing sila as martial arts ngunit ang kanyang lakas ay hindi maipapantay kay Zhuge Yue. Isa pa, maraming gwardya sa labas. Nang maisip ito ay napaluha siya. "Patayin mo nalang ako ngayon!" galit niyang pahayag.

Tumawa si Zhuge Yue at tinignan siya. "Xing'er, wag mong sabihing umiiyak ka dahil hindi mo ako matalo? Hindi ikaw ito."

Gumaan ang mabigat na kapaligiran; silang dalawa ay nasa matalik pa rin na posisyon. Sa puntong ito, ang walang malay na babae sa ibaba ng higaan ay napaungol nang papagising na siya.

Natigilan si Chu Qiao. Ang kanyang ekspresyon ay nagbago. Binitawan niya ang kamay ni Chu Qiao at pumulot ng kumot tapos ay ibinato sa mukha ng babae.

Nang niluwagan niya ang kanyang hawak, naglabas ng sigaw si Chu Qiao at gumapang sa ilalim ng kumot. Kalahati siyang nakaluhod nang naghahanda na siyang tumakas mula sa higaan. Malamig na napatawa si Zhuge Yue. Pumulot siya ng isa pang manipis na kumot at ipinulupot ito sa paa ni Chu Qiao. Napamura si Chu Qiao sa sarili niya. Pagkatapos, malakas na hinila paatras ni Zhuge Yue ang kumot dahilan para bumagsak sa sahig si Chu Qiao at matali ulit sa lalaki.

Sa isang iglap ay may malakas na thud na gumuho ang higaan. Ang satin at pearl na kurtina, ang pulang tela, at matingkad na perlas na nakakalat sa sahig, ay ibinaon silang dalawa sa ilalim ng kaguluhan.

Ang mga tao sa labas ay malakas at malinaw na narinig ang tunog. Tanging kalahati ng mga gwardya ang natira; at ang kalahati ay nasa lawa para hanapin ang jade na palawit.

Isang batang gwardya ang maingat na nagtanong sa gwardyang may apelyido na Zhang, "Brother Zhang, ano iyon?"

Iyong gwardya na may apelyidong Zhang ay nakinig. Tumango siya at pa-misteryosong sumagot, "Sa tingin ko ay gumuho ang higaan."

"Gumuho ang higaan?" bulong ng batang gwardya. "Diyos ko, ang tindi noon!"

Nakulong si Zhuge Yue sa ilalim ng bunton ng silk, labis ang pagsisikap para lang makalabas sa magulong iyon. Subalit, nang nakalabas ang kanyang ulo ay nagbago ang ekspresyon niya.

Kalahating nakaluhod si Chu Qiao sa harap niya. Ang tingin nito ay malamig at may hawak siyang putol na piraso ng kahoy sa kanyang kamay kung saan ay nahiwalay mula sa balangkas ng higaan. Ang isang dulo ng piraso ng kahoy ay matalas at nakadiin sa leeg ni Zhuge Yue.

"Wag kang gagalaw!" saad ni Chu Qiao.

Wala sa loob na tumawa si Zhuge Yue na nakatingin sa dibdib ni Chu Qiao. "Magsuot ka ng damit sa susunod na gagawin mo ito sa iba. Kung hindi, hindi siya nakakatakot."

"Tama na ang satsat! Pakawalan mo ako agad!"

Napatawa si Zhuge Yue. "Xing'er, nagkakamali ka ata. Nakaprenda ako ngayon, bakit nagmamakaawa kang pakawalan kita?"

"Zhuge Yue, wag mo isipin na wala akong ibang pagpipilian kung hindi ay magmakaawa sayo. Kapag pinatay kita ay makakatakas pa rin ako. Ayoko lang umabot sa ganoon. Kahit na magkalaban tayo, ayokong patayin ka sa ganitong paraan."

"Sayang naman." Kibit-balikat ni Zhuge Yue. "Hangga't nabubuhay ako ay hindi kita papakawalan."

Naningkit si Chu Qiao. "Huwag mo akong pwersahin!"

"Gusto kitang pwersahin."

Sa iglap na ito, isang magulong mga yabag ang nanggaling sa labas. Natigilan sila, alam na hindi nanggaling ang mga tunog sa gwardya ni Zhuge Yue.

Nang bahagyang nagulo si Chu Qiao, biglang ihinilig ni Zhuge Yue ang kanyang katawan para iwasan ang sandata ni Chu Qiao. Subalit, sa parehong oras, napansin ni Chu Qiao ang balak gawin ni Zhuge Yue. Wala sa isip niyang itinusok ang piraso ng kahoy na may malakas na tunog na nagsugat kay Zhuge Yue. Nagsimulang tumulo ang dugo sa sugat nito. Nagulat si Chu Qiao at nanlaki ang kanyang mata. Kasabay noon ay maririnig ang boses ni Tian Chengshou sa labas. "Master, gising ka pa ba?"

Nasa magkabilang parte ng higaan nakaupo si Zhuge Yue at Chu Qiao. Ang piraso ng kahoy na kasing kapal ng hinlalaki ay nakabaon sa balikat ni Zhuge Yue dahilan para kumalat ang dugo sa halos kalahati ng higaan.

Mabilis na nangyari ang lahat. Nang natusok si Zhuge Yue ng kahoy ay nakita ni Chu Qiao na binuka nito ang kanyang bibig. Kapag nakaramdam ng matinding sakit ay mapapabuka talaga ang kanyang bibig para sumigaw sa sakit. Subalit, nakatayo sa labas ng pinto si Tiang Chengshou!

Ipinanganak bilang opisyal si Tian Rucheng. Noong bata palang siya, sumali siya sa hukbo ng Yan Bei kasama ang kanyang ama at pumapatay para makapasok sa loob ng teritoryo ng Xia. Kung hindi dahil sa Lion ng Yan Bei na si Yan Shicheng, ang imperyo ng Xia ay bumagsak na sa imperyo ng Tang. Si Tian Rucheng dapat ang namumuno sa lupain ng Hongchuan. Isa pa, namatay ang ama ni Tian Rucheng sa labanang iyon. Kaya ang pagkapoot ni Tian Chengshou sa Yan Bei ay kilalang-kilala.

Sa puntong ito, kapag gumawa ng hindi tamang tunog si Zhuge Yue ay sisirain niya ang pinto. Kung bumagsak si Chu Qiao sa mga kamay niya, hindi maiiwasan ang katapusan!

Ang unang naisip ni Chu Qiao ay kapain ang patalim na nakatago sa ilalim ng hita niya. Sa kanyang kakayahan, hindi siya magkakaroon ng problema na patayin ang isang sugatan na lalaki sa malapitan. Subalit, nakalimutan niya na nawala niya ang kanyang patalim habang naglalaban sa palko kanina.

Sa kritikal na pagkakataong ito ay umalingawngaw ang boses ni Zhuge Yue na kasing kalmado tulad ng dati. "Ikaw ba iyan Lord Tian? Gabi na, may problema ba?"

Nagulat si Chu Qiao nang tumingin siya.

"Ganito kasi iyon. Narinig ko na ang importanteng pag-aari ni Master ay nalalaglag sa lawa. Hindi iyon mahanap ng mga gwardya kahit na kalahating gabi na silang naghahanap. Pumunta ako para tanungin kung kailangan bang humukay ng kanal para tanggalin ang tubig, para maging madali ang paghahanap."

Huminga ng malalim si Zhuge Yue at mahigpit na hinawakan ang nagdurugo niyang balikat habang nagpahayag sa mababang boses, "Kung ganoon, salamat sa mga maganda mong intensyon Lord Tian."

Tumawa si Tian Chengshou at sumagot, "Isang karangalan na makatulong sa mga alalahanin mo Master."

"Kung wala na, Lord Tian, pwede ka nang magpahinga."

"Kung ganoon ay aalis na ako. Master, magpahinga kayong mabuti."

Nang nawala ang tunog ng mga yabag, ang katahimikan sa labas ng silid ay bumalik.

次の章へ