webnovel

Chapter 8

編集者: LiberReverieGroup

Kunot noo na kinilatis ng bantay si Chu Qiao. Kelan pa nagustuhan ng old master ang mga mas batang bata? Nagtataka nitong tinanong si Chu Qiao, "Sinong nagpapunta sayo doon? Alam mo ba kung nasaan ang outer quarters ng old master?"

"Alam ko kung saan." Sagot ni Chu Qiao habang hinuhugot ang isang papel sa kanyang bag at itinuro ang direksyon. Mahina niyang itinuro ito, "Pagkalabas ng bahay, liliko sa kaliwa sa pangatlong kanto. Sa harap nito ang Fu Xiang Restaurant…"

"Okay," sagot ng bantay. "Sinong nagturo sayo tungkol dyan? At bakit walang magdadala sayo doon?"

Umamin ang bata at sinabing, "Si Lady SOng ang nagsabi sa akin. Siya dapat magdadala sa akin, kaso noong tumawid kami sa tulay, nadulas siya at nalaglag sa lawa. Nakita ko kung paano siya nalunod, kaya hindi niya ako madadala doon."

"Ano?!" Gulat na tanong nito at hinatak siya sa balikat. "Sino ang sinabi mong nalaglag sa tulay?!" sigaw nitong tanong sa kanya.

"Si Lady Song po, yung namamahala sa mga alipin sa bakuran."

Isang sampal ang natanggap ng bata sa kanyang mukha. "Ikaw bata ka?! Bakit hindi mo agad sinabi?! Dalian niyo! Kailangan natin iligtas si Lady Song!" galit na sigaw ito.

Natumba si Chu Qiao sa sahig, nagpipintig ang tainga. Habang tinitignan ang lahat na tarantang tumatakbo, lumabas ang ngisi sa kanyang mukha.

Tatandaan niya ang sampal na ito.

Tumayo din agad si Chu Qiao. hawak ang kanyang bag sa isang kamay, naglakad siya papunta sa main gate. Plakado ng gold ang napakalaking gate

Maliliit ang naging hakbang ni Chu Qiao at medyo nahihirapan siyang umakyat sa pasamano. Kalagitnaan sa may pintuan ay nasinagan siya ng sikat ng araw. kapansin-pansin na sariwa ang hangin dito, sa oras na pumasok siya dito, isang panibagong buhay ang kanyang tatahakin. Lahat ng kahihiyan at sakit na kanyang dinanas, ay palagi niyang tatandaan. Dikit labi siyang huminga ng malalim. Pag-angat ng kanyang paa, ay nagsimula siyang maglakad palabas ng kasuklam-suklam na mala-kulungang lugar.

Isang pamilyar na tili ang biglang narinig sa kanang bahagi ng bakuran kasunod ng mga nakakatindig-balahibong sigawan ng mga bata. Bukas ang gate sa kanang bahagi ng bakuran at maririnig na dito nanggagaling ang mga hiyaw ng mga batang hubad na hinahagupit.

Ang mga tauhan na naglalakad ay palihim na sumisilip para makita kung sino ang nabigyan ng pagkakataon para makatanggap ng ganitong trato. Malapit ng makalabas si Chu Qiao sa bakuran ngunit di mawala sa kanyang isip ang mga sigawan na kanyang narinig. 

Halos magdikit ang kanyang kilay bago tuluyang tumigil sa kanyang paglalakad at tumakbo papunta sa kanyang kanan.

Lagi tayong binibigyan ng pagkakataong mamili ng tadhana. Ang isang desisyon ay maaaring magresulta sa napakaraming bagay.

Nakasuot si Zhuge Yue ng kulay light green na may napakahusay na kalidad. May ilang mga nakaburdang kulay luntian na lotus habang ang kanyang itim na buhok ay nakalugay sa kanyang likod. Maputi at makinis ang kanyang balat, itim na itim ang mga mata nito at may mapupulang labi. Kahit na labing-tatlo o labing-apat pa lamang siya, nakakatakot ang itsura nito. Parehong nakapikit ang kanyang mata na parang walang sinuman ang nararapat na makita niya. Ang pag uugali nito ay sing-lamig ng tuktok ng Long Dong Mountain sa gitna ng winter. Nahiga ito sa kanyang tagiliran sa may kulay pula na may halong gintong upuan, habang ang mga braso niya ay nasa likod ng kanyang ulo. Meron dalawang babaeng nakaluhod sa kanyang gilid, hawak ang insenso sa kanilang kamay at paminsan-minsan ay pinagbabalatan siya ng lychee na dali-daling dinala mula pa sa Tang Dynasty.

Halos dalawampung lakad mula sa kanyang harap ay may isang batang babaeng bugbog sarado, halos hindi na marinig ang mga iyak nito. Ang alipin na ito ay nasa edad na anim o pitong taong gulang na patuloy na humihingi ng tawad. May sugat na siya sa noo dahil sa pag tama sa sahig at humalo na ang dugo sa kanyang luha. 

Pa-sikat na ang araw, ang bayan ng Zhen Huang ay matatagpuan sa Hong Chuan Highlands, at kahit na nasa kalagitnaan sila ng winter, hindi pa rin pa-paawat ang araw. Kumunot ang nuo ni Zhuge Yue matapos niyang masilaw sa sikat ng araw. Nang makita ito, dali-daling binuksan ng dalawang alipin ang kanila payong para matakpan ang ulo ni Zhuge Yue. Naupo si Zhuge Yue bago pinaalis ang kanyang tauhan, pagkatapos ay sumandal lang siya sa kanyang upuan.

Napanganga sa pagkabigla ang batang alipin bago gumapang palapit kay Zhuge Yue at nagmamakaawang humawak sa kanyang damit at sinabing, "Fourth Young Master, pakawalan niyo si Lin Xi, nagmamakaawa ako sa inyo. Hindi niya kakayanin kapag nagpatuloy pa ang parusa sa kanya."

Tumaas ang kilay ni Zhuge Yue bago tumingin sa bata, dumapo ang kanyang paningin sa marumi nitong kamay na puno ng dugo.

Nakaramdam ng matinding kilabot ang bata, halos mablanko ang kanyang isipan sa takot. Napansin niya ang bakas ng kanyang kamay sa sapatos ni Zhuge Yue, na kitang-kita sapagkat ito'y kulay puti.

Tumalsik ang bata matapos itong sipain ng isa sa mga bantay na buhat-buhat ang palanquin. Madali namang lumapit ang dalawang babaeng alipin para tanggalin ang kanyang maruming sapatos. Muling tumingin si Zhuge Yue sa bata pagkatapos ay bale-walang dinedma ito.

"Putulin ang isa niyang kamay," malupit na sabi ng isa sa babaeng alipin.

Natigil sa pag-iyak ang bata sa sobrang gulat niya sa kanyang narinig. Madaling lumapit ang isa sa mga nagbabantay habang kinukuha ang kanyang espada, tumalsik ang dugo kasabay ng pagkaputol sa maliit na kamay ng bata. 

Isang malakas na sigaw ang narinig na pati mga ibon ay nabulabog sa lakas nito. Komportableng nakaupo ang binata sa kanyang upuan, tahimik at nakapikit na para bang walang naririnig.

Tulalang nakatayo sa pintuan si Chu Qiao. Natigil siya sa pagmamadali at naging parang estatwang nakatayo. Nanlaki ang kanyang mata at madaling tinakpan ang kanyang bibig. Natakot siya.

"Fourth Young Master, hindi na humihinga ang bata."

Sinilip lang ni Zhuge Yue si Lin Xi bago sinabing, "Itapon niyo ang katawan niya sa lawa sa likod at ipakain sa mga isda."

"Masusunod."

Tinaas ng mga matitipunong lalaki ang palanquin kung saan naroroon si Zhuge Yue at naglakad ng dahan-dahan. Lumuhod ang lahat ng madaanan sila, walang kahit sino ang nagtangkang sumilip sa kanya.

"Sandali," biglang sabi ni Zhuge Yue habang palagpas ng gate. Lumingon siya kay Chu Qiao na masamang nakatingin sa kanya. Napakunot ang noo niya bago sinabing, "Kanino ka galing? Bakit hindi ka lumuhod nang makita mo ako?"

Umihip ang hangin at mataas na ang araw. Huminga ng malalim si Chu Qiao bago napakagat ng kanyang labi. Sinusubukan niyang itago ang kanyang galit, pagkatapos ay lumuhod siya bago maiging tinitigan ang sahig. Gamit ang bata niyang boses ay sinabi niyang, "Ako po si Yue Er, isa sa mga alipin ng Zhuge. Sana mapatawad ako ng Fourth Young Master sa kakulangan ko ng kaalaman. Ito po ang unang beses na makikita kita, akala ko ay nakakita ako ng engkantada."

Kumalma ang itsura ni Zhuge Yue matapos niyang marinig ang sinabi ng bata. Nakita niyang bata pa ito at hindi pa ganon kagaling sa kanyang pananalita. Naging interesado siya dito kaya nagpatuloy sa pagtatanong, "Ilang taon ka na? Anong pangalan mo?"

"Fourth Young Master. Ako po si Yue Er, pitong taong gulang at Jing po ang apelyido ko"

"Jing Yue Er?" sabi nito, "Palitan mo ang pangalan mo, at susundin mo ako lagi sa susunod. Simula ngayon ikaw si Xing Er."

Agad na lumuhod si Yue Er bago malakas na sinabing, "Nagpapasalamat si Xing Er sa Fourth Young Master."

Inalis niya ang kanyang tingin bago tuluyang umalis.

Naging masaya sa huli ngunit di nito mababago na may namatay na alipin. Sanay na ang mga tauhan ng Zhuge sa mga ganitong pangyayari. Ilang mga tagalinis ang nagbuhat sa katawan ng bata bago ito nilagay sa sako a hinali papunta sa lawa na nasa bakuran. 

Batang bata pa ito. Bali-bali ang buto, at di tumigil ang dugo nito sa pagtulo palabas ng sako. Nag-iwan ito ng marka sa daan.

Nakaluhod pa rin si Chu Qiao, kita ang pagtaas-baba ng kanyang likod. Mariin niyang kagat-kagat ang kanyang labi, tumingin siya sa kanyang harapan at di mapigilan higpitan ang kanyang kamao. Hindi niya mapigilang lumuha habang pinapanuod ang sakong hinihila papalayo. Tuluyang bumagsak ang kanyang luha matapos makita ang mga bakas ng dugo sa sahig.

Galit at lungkot ang nabuo sa kanyang dibdib, pero alam niyang hindi siya maaring umiyak. Wala siyang karapatan na magalit sa puntong ito. Pinunasan niya ang kanyang luha bago madaling tumayo. Sa malawak na espasyo malapit sa balon, wala ng malay si Xiao Qi na habang patuloy na umaagos ang dugo mula sa kanyang kamay, pero walang may pakialam.

Pumunit si Chu Qiao sa kanyang damit bago pinindot ang mga acupuncture points ni Xiao Qi. Binalot niya ang sugat nito, nang matapos ay ipinasan niya ito sa kanyang likod at naglakad pabalik sa kanilang bakuran.

Nang makalabas siya ng gate, may biglang tumawag sa kanya, "Hoy! Tumigil ka! Sinong nagsabi na pwede mo siyang kunin?"

Tumingin ai Chu Qiao at nakilalang siya ang taong nagkulong sa kanya ng tatlong araw, so Zhu Shun. Kalmado niya itong sinagot, "Walang sinabi ang Fourth Master na gusto niyang patayin si Xiao Qi."

"Pero wala rin siyang sinabi kung anong gagawin sa kanya." Galit nitong sagot pabalik sa kanya. "Wag mong pangunahan ang mga desisyon ng Master, hinahanap mo lang ang ikamamatay mo. Kunin niyo siya!" sigaw nito.

Dalawang bantay ang agad na lumapit at sinubukang abutin ang braso ni Chu Qiao na madali namang umiwas. Sa kaka-iwas niya ay muling nagbukas ang kanyang sugat at nagdugo.

"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ng Fourth Young Master kanina? Gusto niyo na bang mamatay?!"

"Ni hindi ka nga kilala tapos ngayon gagamitin mo yan para utusan kami? Sa tingin ko nga hindi ka na maaalala ng Fourth Young Master kinabukasan. Sinusubukan mo ba akong takutin?" pangkukutyang sagot nito kay Chu Qiao.

Hinipo ni Chu Qiao ang kanyang kilay. Buhat-buhat si Xiao Qi ay umatras siya ng bahagya ngunit mas tumalim ang kanyang pagtingin. "Butler Zhu, akala ko ba ibibigay mo ang mensahe ng Royal Highness para kay Young Master Huai? Bakit ako ang kinukulit mo? Tapos na ba lahat ng kailangan mong gawin?"

次の章へ