webnovel

Chapter 6

編集者: LiberReverieGroup

Tadhana ang nagtulak sa kanya sa sitwasyon niya ngayon. <>

<>

Pumulot siya ng isang kahoy bago nagsimulang magsulat sa sahig.

Zhuge, Wei, Mu, Jue at Che. Habang sinusulat ito ay lalong nagsasalubong ang kanyang kilay niya. Nagsisimula ng dumilim at maririnig sa palasyo ang pagtugtog ng mga instrumento. Kasama nito ay maririnig ang mga nagtatawanan. Tahimik siyang nag-isip bago muling sinulat ang pangalan: Yan.

Sa main hall sa palasyo ng Zhuge, habang nagkakasiyahan ang lahat nang biglang may iba siyang naramdaman. Kunot noo siyang lumingon at tumitig sa kadiliman.

Sa dilim ng gabi ay nagliliparan pa ang mga jackdaws sa himpapawid, ng imperyong <>

<>

Kahit na sobrang sakit ng kanyang mga sugat, pinilit pa rin ni Chu Qiao na tumayo at ikutin ang maliit niyang kwarto. Minsan ay tumitigil siya para masahihin ang kanyang balat dahil sa lamig ng kanyang kinaroroonan.

Tumunog ang drum na nangangahulugang 3 na ng madaling araw. Isang bintana na kasing laki ng tao ay nagbukas, isang maliit na ulo ang lumitaw. Nagulat si Chu Qiao, sa pag-angat ng kanyang ulo ay nakita niya ang matang sinusuri ang kabuuan ng kanyang kwarto. Kita ang saya sa mata nito ng dumapo ang kanyang paningin kay Chu Qiao. tinutok nito ang kanyang hintuturo sa kanyang labi, sinasabing wag siyang gagawa ng kahit anong ingay bago tuluyang pumasok.

Agad itong tumakbo papunta sa kanya at hinila si Chu Qiao papunta sa kanyang bisig. Nauubo pa ito pero sinubukang pakalmahin ang tao sa kanyang braso, "Yue Er, wag kang matakot, nandito na ako <nandito na ang kuya>."

Mapayat ang lalaki at hindi rin ganon katandaan. Mukha siyang walo o siyam na taong gulang. Nakasuot siya ng kulay gray na damit na hindi naman bagay sa kanya dahil mag lalo pa itong namayat. Hindi rin ito katangkaran, kalahating ulo lang ang hinigit nito sa tangkad ni Chu Qiao. Pero kita sa mukha nito ang kanyang mga naranasan. Mahigpit niyang niyakap si Chu Qiao habang ina-alo ang kanyang likod habang paulit-ulit na sinasabing, "Wag kang matakot, nandito na ako."

Hindi napansin ni Chu Qiao na tumutulo na ang kanyang luha. Butil-butil itong tumulo at hindi niya ito mapigilan. Hindi niya mapagtanto kung iyon ang reaksyon ng katawan niya o ito ang tunay niyang nararamdaman. Ngunit sa lugar na wala siyang kaalam-alam, walang tutumbas sa yapos na kanyang natanggap.

Pumasok sa loob ng kanyanng kwarto ang liwanag mula sa buwan galing sa nakabukas na pintuan. Sa loob ng malamig na silid,< tanging sa puso lang ang init ang madarama.> Ang maliit na katawan ng lalaki ay maihahalintulad sa isang bundok, napakatibay. Sa napakalamig na gabing ito, kahit na baka kinain na siya ng takkot ay pinuntahan niya ang kanyang kapatid para samahan at akapin ito ng mahigpit.

"Yue Er, are you hungry?" The boy released her from his hug and carefully wiped off the tears on Chu Qiao's face with his blackened fingers. He smiled and said with glee, "Guess what brother brought you?"

"Gutom ka ba, Yue Er?" Bumitaw siya sa pagyapos at dahan-dahang pinunasan ang luha sa mukha ni Chu Qiao. Matamis itong ngumiti bago nagtanong sa kanya, "Hulaan mo kung ano ang dala ng kuya para sayo?"

Nilabas ng lalaki ang isang bag mula sa kanyang likod at naupos sa sahig bago buksan ito. Madaling kumalat sa silid ang halimuyak ng pagkain na dala nito. Agad siyang tumingin kay Chu Qiao na naiwang nakatayo at nagtataka. Nagtaas ang kanyang kilay bago sabihing, "Umupo ka."

Nakalagay ang pagkain sa isang porrcelain bown na may kulay puti at luntian na dekorasyon sa gilid na nabubura na, meron rin itong maliliit na mga butas. Punong-puno ito ng kanin at may gulay naman sa tuktok nito. Hindi ito mamantika pero nakakagutom ang amoy nito. Madaling inabot ng lalaki ang chopsticks sa kamay ni Chu Qiao. "Dali, kain na."

Yumuko si Chu Qiao bago sumubo ng kanin. Tanging alat lamang ang kanyang nalasahan dahil sa kanyang pag-iyak. Masakit din ang kanyang lalamunan pero pinagpatuloy niyang ngumuya na para bang robot at paminsan-minsang napapaiyak.

Tumitig lang ang lalaki kay Chu Qiao, sa tuwing magbubukas ang bibig ni Chu Qiao ay bubuksan niya rin ang kanya na para bang tinuturuan niya kung paano kumain. Sa kanyang paglunok ay umaabot sa tenga ang ngiti nito at nagiging parang linya na lamang ang kanyang mata.

Habang kinakalikot niya ang bowl gamit ang chopsticks, may natusok siya. Napansin niyang karne ito ng baboy, at mainit-init pa ito.

Kasing laki nito ang hinlalaki ng kamay, sa gilid nito ay may sunog na parte. Ang isang parte ay taba samantalang karne naman ang kabila. Sa malamig na gabing ito, talaga namang nakakagutom ito.

Biglang may narinig si Chu Qiao na tumunog at agad na tumingin sa lalaki na nahihiyang hinihimas ang kanyang tiyan. Sabay nagpapanggap niyang sinabi na, "Katatapos ko lang kumain ng hapunan, di ako gutom."

Inabot ni Chu Qiao ang kanyang chopstick bago sinabing, "Kainin mo na."

Agad naman itong tinanggihan ng lalaki. "Masarap ang naging hapunan namin ngayon. Hinayaan ng fourth young master na magdagdag ng sangkap. Braised fish, sweet and sour ribs, vinegar fried pork, steamed duck, napakaraming putahe. Ang dami kong kinain na baka masuka pa ako. Hindi ko na kaya kumain pa."

Hindi binaba ni Chu Qiao ang kanyang braso at patuloy na inabot sa kanya ang chopsticks bago sinabing, "Ayoko sa may taba na baboy."

Natulala ang lalaki ng ilang sandali bago tinignan si Chu Qiao pagkatapos ay tumingin sa piraso ng baboy. Napalunok ito bago kinuha ang chopstick na inaabot niya. dahan -dahan niyang kinagat ang taba bago binalik kay Chu Qiao ang karneng parte ng baboy. "Yan makakain mo na, Yue Er." Nakangiti niyang sambit na kita pa ang kanyang mapuputing ngipin. 

Tinamaan siya ng iba't ibang emosyon kaya dali-daling napayuko si Chu Qiao. Namuo ang luha sa kanyang mata pero napigilan niya itong tummulo.

Ilang sandali pa ay nagtaas na siya ng ulo bago ngmiti. Binuka niya ang kanyang bibig at kinain ang karne ng baboy. Ngumingiti siya habang ngumunguya.

"Masarap ba?" Kumikinang ang mata nito na para bang bituin sa kalangitan,

Maraming beses siyang tumango. Halos mabulunan na siya pero nagawa pa rin niyang sabihin na, "Masarap! Ito na ata ang pinakamasarap na pagkain na natikman ko sa buong buhay ko."

"Baliw." Tinapik nito ang kanyang ulo. Kita sa mukha niya ang lungkot bago muling nagsalita, "Ilang taon ka na ba para sabihing 'sa buong buhay ko'? Hindi natin kailangan pag-usapan kung ano ang mangyayari sa kinabukasan dahil mga bata pa tayo. Hindi mo man matandaan pero marami tayong nakain na masasarap at mamahaling pagkain. Kaya wag ka mag-alala, balang araw pakakainin ka ni Kuya <fifth brother> at bibigyan ka ng magagandang damit, ililibot din kita para matikamn ang masasarap na putahe sa buong mundo. Hindi lang braised pork, pero ginseng, abalone, bird's nest, shark's fin pati na rin mga clams. Kahit anong gusto mo, magkakaroon ka. Kaya hanggang doon, walang kahit na sino ang mang-aapi sa atin. Naniniwala ka ba sa akin, Yue Er?"

Tumango si Chu Qiao at nagpatuloy sa pagkain. Kahit na di ito ganon kasarap, ang pakiramdam na kanyang nadama ay higit pa dito.

"Wag kang matakot, Yue Er." habang sinasabi niya ito, tinanggal ng lalaki ang jacket na kanyang suot at pinatong sa balikat ni Chu Qiao. Masigla at malinaw niyang sinabi kay Chu Qiao na, "Lagi kang po-protektahan ni Kuya <Fifth Bro.>, lagi lang akong nasa tabi mo. Kaya wag kang matatakot."

Sa pagtagos ng liwanag ng buwan sa mga puwang ng silid, makikita ang magkatabi nilang katawan, mukhang napaka-liit ngunit puno ng emosyon.

Sa di kalayuan ay nabalot naman sa nakakasilaw na liwanag ang isang lugar kung saan meron tugtugan at amoy ang halimuyak ng mga karne at ang amoy ng alak sa hangin. Nasa kasukdulan na ng salu-salo, wala ng nakaka-alala sa natirang buhay na bata sa kanilang munting kompetisyon. Umihip ang malamig na hangin kaya't sumabay sa pagsayaw ang kanilang watawat na may flame insignia ng Xia Empire sa hangin.

Pagkagising niya kinabukasan, wala na ang lalaki sa kanyanng tabi. Sa sahig ay may iniwan itong mensahe: Babalik si kuya <Fifth Bro.> mamayang gabi. May tinago akong 'buns'/siopao sa ilalim ng mga kahoy.

Tinanggal agad ni Chu Qiao ang kahoy at agad niyang nakita ang dalawang buns na nabalot sa oil paper. Mahigpit niya itong hinawakan. Mukha siyang kalmado pero nagsimulang uminit ang ang kanyang paningin.

Sa loob ng tatlong araw na lumipas, walang kahit na sino ang napunta para kamustahin ang kalagayan niya. Patuloy ang kanyang kuya sa pagbisita, pagdala ng pagkain at pagsama sa kanya sa gabi pero aalis ito ng tahimik kinabukasan. Sa ikatlong araw, bigla nalang bumukas ang pintuan. Tinignan ni Zhu Shun si Zhu Qiao na buhay pa rin matapos ang tatlong araw. Sobrang nagtataka ito, at sa huli ay inutusan niya ang kanyang tauhan na palayain na ito.

Pagkalabas niya, huminto siya sa may pintuan bago tinitigan ang lugar kung saan siya nanatili. Nagdikit ang kanyang labi bago determinadong tinalkuran ito.

Sa kanyang paglakad, napansin niyang luma na ang kubo. Maraming bata ang nagtatago sa likod ng puno sa di kalayuan, na nanunuod sa kanya. Pagdating niya sa bakuran, kasabay ang mga lalaking paalis, agad na nagtakbuhan sa kanya ang mga bata at hinila siya para yakapin.

"Little Six, nandito ka na!"

"Akala ko hindi ka na makakabalik Sixth Sister!"

"Ate Yue Er, wuuuuuuu…"

Sabay-sabay na nagsalita ang mga bata. Natakot si Chu Qiao dahil malakas na umiiyak ang iba. Hindi niya alam kung ano at paano ang gagawin sa mga batang nakapalibot sa kanya.

"Okay, tahan na."

Isang boses mula sa lalaki ang narinig, tinignan ito ng mga bata at muling napa-iyak, "Si fifth brother!"

Isang lalaki ang tumatakbo bitbit ang isang bag. Nadapa ito matapos ang dalawang hakbang, at tumapos ang kanyang dala sa sahig. Laman ng bag na dala nito ay mga buto ng melon. Sa pagkakakita ng mga bata dito, agad nilang nakalimutan si Chu Qiao at masayang tumakbo para pumulot ng buto ng melon.

"Wag kayong magtatago niyan, sapat na yan para sa lahat," sabi ng bata. "Nakaligtas si Yue Er sa kamatayan pero malubha ang kanyang mga sugat. Kaya wag niyo siya i-istorbohin. Kailangan nating siyang tulungan para matapos niya ang kanyang trabaho sa darating na mga araw."

Sumang-ayon naman ang lahat ng mga bata. Isang batang babaeng nakapusod at maputi ang nagsalita, "Wag ka magalala fifth brother, lahat kami ay tutulungan si sixth sister."

"Xiao Qi, kamusta ang mga sugat mo? Okay ka na ba? Bakit nasa labas ka na?" pagtatanong ng lalaki sa kanya.

"Okay na ako, fifth brother." Ngumiti ito bago tinaas ang manggas ng kanyang damit. Kita sa braso nito ang nangingitim na mga pasa at mga sugat. May ilan pang mga bukas na sugat at hindi pa nagsisimulang maghilom. "Salamat sa gamot na binigay mo. Hindi masakit kapag pinahid. Nasipa si Xiao Ba ng kabayo habang pinapakain ito, tutulungan ko muna siya."

"Lin Xi, pumasok ka muna. May kailangan akong sabihin sayo." sabi ng isang babae na biglang dumating habang hawak-hawak ang kamay ng isang bata.

Lumingon ito kay Chu Qiao bago sinabing, "Yue Er, malakas ang hangin sa labas. Halika't pumasok sa loob."

Sa loob ng maliit na bahay, meron itong malaking bed-stove na may higit sampung kumot na maayos na nakatupi sa tuktok nito.

"Sister Zhi Xiang, hinahanap mo daw ako?" masiglang tanong ni Lin Xi.

Hindi ganon katanda si Zhi Xiang, nasa sampung taon lamang ito. Binuksan niya ang bed-stove sa ilalim bago kinuha ang isang maliit na box. "Limang araw simula ngayon ay ang anniversary ng ating magulang pati narin ang kanilang kamatayan kasabay sa ating iba pang kamag-anak. Ito ang incense at joss paper na sinabi mong i-handa namin."

Tumango si Ling Xi bilang tugon at mahinang sinabi, "Mag-ingat kayo, wag niyong ipapaalam sa manager to."

"Wag ka mag-alala. Wala naman sisilip sa atin. Pero ikaw ang nag-aalaga sa fourth young master, kaya mag-ingat kang mabuti. Noong isang araw, narinig ko kay Si Tao sa laundry room na pinapatay na ng third young master ang dalawa sa mga reading partners sa kwarto niya. Kahit na hindi siya kagaya ni fourth young master, hindi pa rin natin masasabi. Kapag wala ang master, walang pakialam si Young Master Huai sa mga nangyayari dito. Mas lalo na silang <>. Lampas dalawampu na ang mga pinapatay na mga babaeng alipin. Ang mga binenta sa Du family na kasama natin dati ay wala na. Nag-aalala ako na baka mangyari din ito sa atin."

次の章へ