webnovel

Ginamit ng Lin family!

編集者: LiberReverieGroup

Tulad ng isang pinalayaw na prinsesa, nagpatuloy ito sa pag-iyak at pagsabat ng walang pakundangan. Inisip niya na ang pamilya niya ay patatawarin siya ng basta-basta. Sa normal na pagkakataon, oo, pero ang sitwasyon ngayon ay iba na kumpara noon, ang mga luha niya ay hindi na magagawang solusyunan ang lahat ng problema ngayon.

"Little Yan, alam naming natutunan mo na ang iyong leksiyon, pero kailangan mong sabihin sa amin kung bakit mo ito ginawa. Huwag kang mag-alala, kapag sinabi mo, siguradong patatawarin ka namin," payo ni Shen Ru at magiliw itong inalo.

Tumingin si Tong Yan dito ng mga matang may luha at hindi makapaniwalang nagtanong, "Talaga? Kapag sinabi ko sa inyo ang dahilan, lahat kayo ay patatawarin ako?"

"Oo naman." Mariing tumango si Shen Ru.

Nangako din si Elder Tong, "Gusto lamang naming malaman kung bakit ka gagawa ng bagay na ganito, ang iba pa ay hindi na importante. Little Yan, alam ng Lolo na isa kang matapat na bata, kaya naman kapag sinabi mo sa amin ang totoo, wala nang sisisi pa sa iyo."

"Iyon din ang pangako sa iyo ng Lolo!" Dagdag ni Elder Shen. Ang ilan sa kanila ay patuloy na inaalo si Tong Yan na tila ito na ang pinakamahalagang bagay sa mundo.

Habang napapanood ito, halos masuka si Elder Xi. Kung ang kanyang mga anak o apo ay umaakto na tulad sa pag-akto ng Tong Yan na ito, ay ititiwalag niya ito sa pamilya ora mismo.

Si Xinghe, na matanda lamang ng ilang taon kay Tong Yan, ay malamig na pinanonood ang lahat ng ito. Sa wakas, dahil nasisiyahan na siya sa atensiyon ng lahat na ibinubuhos sa kanya, nagpasya na si Tong Yan na sabihin ang totoo.

Tumuro siya kay Xinghe at nagreklamo ng buong pagkadisgusto, "Ang totoo, kasalanan niya ito na ginawa ko ito sa kanya."

"Mga lolo, alam ninyo na kaibigan ko ang mga sister mula sa Lin family. Ang Xi family ay hindi lamang pinatay si Sister Lin Yun, pero nilamon din ni Xia Xinghe ang kumpanya ni Sister Lin Jing. Kahit sa bahay ng presidente, sinadya niyang habulin si Sister Lin Qian. Napakasama niyang klase ng tao, kaya naman gusto ko lamang siyang turuan ng leksiyon alang-alang sa mga ito!"

Sa sandaling natapos si Tong Yan, ang mga mukha ng lahat ay sumeryoso.

"Kaya naman, pinuntirya mo ako dahil gusto mong tulungan ang Lin family na ilabas ang kanilang sama ng loob?" Magaan na tanong ni Xinghe.

Tumango si Tong Yan. "Tama iyon, mabuting kaibigan ko sila, kaya hindi mo ako masisisi kung pinuntirya kita dahil tinutulungan ko lamang ang mga kaibigan ko."

"Kung gayon, mukhang maganda ang trato sa iyo ng Lin family." Patuloy na sabi ni Xinghe sa mahinang tinig.

Mayabang na ngumiti si Tong Yan. "Natural lang! Ang buong Lin family ay tinatrato ako ng mabuti, ang aming Tong family at Lin family ay palagi namang malalapit na magkakaibigan."

Tumango si Xinghe. "Ngayon naiintindihan ko na ang lahat."

"Sinabi ko sa iyo na hindi ko naman sinadya ito, may mga dahilan ako! Lahat ng ito ay kasalanan mo, bakit kailangan mong saktan ang Lin family? Wala naman silang ginawa sa iyo, mabuti pa nga sila na hindi ka nila kinasuhan ng pagpatay kay Sister Lin Yun pero patuloy mo pa din silang ginugulo. Kaya naman kasalanan mo itong lahat sa pagiging mayabang. Masyado silang mabuti para may gawin laban sa iyo, kaya naman kailangan ko silang tulungan. Kaya ngayon, kailangan mong matuto na maging mabuting tao sa hinaharap at huwag ka nang maging mayabang pa," pinagagalitan ni Tong Yan si Xinghe na tila ba estudyante niya si Xinghe.

Napatawa ng malakas si Elder Xi. "Elder Shen, Elder Tong, ang maliit ninyong prinsesa ay masyadong cute at inosente!"

At napaka tanga!

Ang dalawang matanda, siyempre, ay nakuha agad ang sarkasmo sa komento nito. Lahat sila ay nasa ituktok ng mundo ng pulitika, kaya naman agad nilang naunawaan, na si Tong Yan ay ginamit ng Lin family!

Alam nila na palagi itong malapit sa Lin family dahil may gusto ito sa third young master ng Lin family.

次の章へ