webnovel

Ang Showcase na Dapat ay Walang Kapantay

編集者: LiberReverieGroup

Ang totoo, iniisip niya na ang lahat ng mga ito ay tumatahol.

"Sa katunayan, wala sa mga ito ang masasabing walang kapantay," umamin siya ng may ngiti. "Pero hindi pa ito ang katapusan ng aming exhibition. Siguro ay dapat nating ireserba ang ating mga opinyon hanggang sa huli."

Mabait na tumango si Lin Jing. "Tama si Mr. Ou Yang. Kaya nasaan na ang susunod na lugar?"

"Pero hindi pa lahat ay nakikita ang bulwagang ito," sabi ni Ou Yang Qin.

"Wala namang halaga ang makikita dito," bastos na sagot ng isa sa mga shareholder ng Bao Hwa. "Dalhin mo na kami sa sinasabi ninyong showcase na walang kapantay!"

"Tama iyon, Mr. Ou Yang huwag na ninyong patagalin pa ito. Nasaan na ba ang showcase na walang kapantay na naipangako sa amin? Tingnan na natin ito ngayon."

"Ang tanging dahilan kung bakit kami narito ay para tingnan ang parteng iyon ng showcase; hindi kami interesado sa iba pa kaya huwag mo nang aksayahin ang oras namin sa mga ito."

Kung isa itong normal na showcase ng mga alahas, masisiyahan na sila sa mga bagay na nakita nila. Gayunpaman, kinakatawan sila ng Bao Hwa at ang misyon nila doon ay gipitin ang Xi Empire, kaya naman ang antas nila ay mas mataas kaysa sa karaniwan. Isa pa, nauubos na ang kanilang pasensiya matapos ang dalawang nakakabigong exhibit. Ang totoo, nagsisimula na silang magduda na isa itong galaw ng PR ng Xi Empire at wala talaga silang maipapakita. Kung ito ang totoo, malaki ang pagbabayaran ng Xi Empire!

Sa loob-loob ay napapangiti si Lin Jing habang pinapanood ang mga reaksiyon ng lahat. Ito ang gusto niya, ang tuluyang sirain ang showcase na ito!

Tinitigan niya si Ou Yang Qin at nagtanong, "Mr. Ou Yang, bakit hindi mo pa kami igiya sa pinakahuling exhibit? O baka naman maging isa pa itong isyu?"

Walang magawa na napatawa na lamang si Ou Yang Qin. "Sige na, kung ito ang gusto ng lahat ay dadalhin ko na kayong lahat sa pinakahuling exhibit. Pakiusap ay sumunod ang lahat sa akin."

Sa wakas, makikita na nila ang pangunahing palabas; ang lahat ay sabik na. Ngumiti si Lin Jing, hinihintay na makita kung anong klase ng mga pandaraya pa ang magagawa ng mga ito.

Ang totoo, kahit na dalhin pa ng Ou Yang Family ang kanilang buong koleksyon para ipakita, hindi ito tatawagin ni Lin Jing na isang showcase na walang katulad. Kaya naman, sa isang paraan, hinukay na ng Xi Empire ang sarili nitong libingan.

Hawak ang ganitong pag-asa, sina Lin Jing at ang iba pa ay sumunod na kay Ou Yang Qin sa pangatlo at pinakahuling bulwagan ng exhibition.

Ang bulwagan ay makikita sa ikalawang palapag ng museo at may pitong daang metro ang lapat. Ang mga armadong guwardiya ay hinila ang malaking pinto at nakakasilaw na liwanag ang lumabas mula sa loob…

Tinakpan ng mga panauhin ang kanilang mga mata mula sa nakakasilaw na liwanag. Matapos nilang pumasok, nakita nila ang hindi mabilang na mga alahas na makikita sa loob.

Sa dalawang pader ng bulwagan ay ang maraming klase ng alahas. Mayroong dalawang hanay ng display, ang bawat isa ay ilang metro ang haba at ilang metro ang lapad.

Sa ibang salita, ang mga alahas na nakapatong sa mga display case ay tila ginto at pilak na bundok. Ang koleksiyon ng mga alahas na ito ang responsable sa nakakasilaw na liwanag kanina. Nang pumasok na sila, pakiramdam nila ay nakatayo sila sa pagitan ng dalawang bundok ng kayamanan.

Ang lahat ay natigagal sa pagkakaayos na ito. Kahit ang mga mamamahayag ay nakalimutang kumuha ng mga larawan.

次の章へ