webnovel

Godlike

編集者: LiberReverieGroup

Hindi nila inaasahan na bibigyan sila ni Xinghe ng isang malaking sorpresa…

Para itong kayamanan na nahulog mula sa kalangitan!

"Bakit hindi natin panooring lahat ang surveillance video?" Tanong ni Munan ng seryoso sa mga opisyales ng Internal Affairs, pero may kaunting bakas ng ngiti sa labi nito na hindi niya magawang itago. Tumango ang mga opisyales, ito din ang kanilang intensiyon. Agad na inutusan ni Munan ang kanyang mga tauhan na ipakita ang surveillance video noong nakaraang gabi. Sa wakas, ang buong katotohanan ay kanilang napapanood…

Matapos umalis ng lahat, naupo si Xinghe sa harap ng bawat computer, ginagamit ito ng sunud-sunod bawat isa. Ang kanyang hitsura ay seryoso at ang mga kamay niya ay kasimbilis ng kidlat. Mababa pa sa ilang minuto lamang ang kanyang itinagal sa bawat computer bago siya pumunta sa kasunod. Kahit na hindi ipinapakita sa video kung ano ang nasa bawat computer ng malinaw pero malinaw na ipinapakita nito na si Xinghe nga ang gumawa ng lahat! Nakumpleto niya ang imposibleng trabaho ng mag-isa!

Pamilyar siya sa bawat solong asignatura at ang bilis niya ay hindi parang sa tao; ni hindi siya tumigil ng isang segundo mula ng siya ay magsimula. Kung hindi dahil sa katotohanan na ang ebidensiya ay nasa harap ng kanilang mga mata, hindi sila makakapaniwala dito.

Namutla ang mukha ni Shu Mei, para siyang nasampal ng kawalan ng pag-asa. Paanong may isang taong nabubuhay ng katulad ng ganito…

Siya, tulad ng halos karamihan dito, ay inisip na nandoon si Xinghe dahil sa kanyang koneksiyon. Nagkamali sila ng lubusan. Ang kakayahan ni Xinghe ay mas higit kaysa sa kanilang imahinasyon!

Ang mga emosyon ng lahat ay naging magulo at kumplikado…

Bago pa natapos ang video, napabulalas si Yan Lu, "Miss Xia, paano ka naging ganito kahusay?! Para kang isang Diyos!"

"Tama siya…" nanginginig pa sa pagkasabik si Gu Li, "Hindi ko maisip na ang kakayahan mo ay napakagaling!"

Dati, napabilib na niya ito, pero ngayon, napangingig niya ang mundo nito!

Ang abilidad ni Xinghe ay isang bagay na lampas sa kanyang pagkaunawa. Isa pa, maaaring hindi pa ito ang pinakamahusay sa kanyang mga kakayahan….

Ang iba pa ay tumitingin na kay Xinghe ng may paggalang na nararapat para sa isang diyosa. Pakiramdam nila ay hindi na tao tulad nila si Xinghe, dahil paanong nagawa ng isang normal na tao ang isang bagay na malampasan ang abilidad ng isang tao?

Naiintindihan ni Xinghe ang iniisip ng lahat at nagpaliwanag, "Naging pamilyar lang ako sa trabaho. Nang matapos kayong lahat sa pagtatrabaho, nag-iisip ako ng paraan kung paano matapos ang misyon."

Ito pala ang dahilan kung bakit napakabilis niya. Nakagawa na siya ng gabundok na preparasyon. Gayunpaman, ang paliwanag niya ay walang nagawa para mapababa ang paghanga ng mga tao para sa kanya.

"Kahit na, ang ginawa mo ay talagang kahanga-hanga. MIss Xia, bulag kami para hindi makita ang iyong talento, patawarin mo ako sa nagawa ko dati!" Isang hiyang-hiya na technician ang agad na humingi ng tawad.

Tuluy-tuloy na bumaha ang paghingi ng tawad at pasensiya.

"Miss Xia, gusto ko ding humingi ng tawad sa sinabi ko kanina, huwag mo na lamang po itong isapuso."

"Miss Xia, patawad…"

"Miss Xia, mula ngayon, ikaw na ang idol ng lupon ng tech team na ito! Pumapayag ba kayong lahat?"

"Siyempre, payag kami!"

Si Xinghe, gaya ng ipinangako niya, ay napahanga ang lahat at napaayon sa kanya gamit ang isang galaw lamang.

Maraming mga technician na may kasanayan at mga batang talentado na nagtatrabaho doon pero lahat sila ay sumuko sa kakayahan ni Xinghe. Ang abilidad ni Xinghe ay parang sa isang superhuman na hindi nila magawang mainggit kahit na gusto nila. Ito ang kapangyarihan ng tunay na talentado…

Kahit si Shu mei ay aaminin na si Xinghe ang pinakamahusay na computer expert na nakilala niya.

次の章へ