webnovel

Gamitin ang Produkto ni Ruobing

編集者: LiberReverieGroup

"Naniniwala din ako na ang disenyo ay kay Miss Xia…" mahinang dagdag ni Luo Jun.

Kung susumahin, tatlong tao lamang ang naniniwala kay Xinghe.

Naipit sa gitna ang sitwasyon, wala sa dalawang partido ang gustong umatras.

Kahit na may suporta ni Mubai, si Xinghe ang nasa mahinang partido dahil hindi niya mailabas ang katibayan na ang disenyo ay kanya.

"Hindi ngayon ang oras para pagtalunan ito dahil kailangan na naming ituloy ang operasyon," biglang sabad ni Lu Qi. Pagod na siya sa drama. Gusto na lamang niyang matapos ang trabaho.

Tumuon si Lu Qi kay Elder Xi at sinabi, "Elder Xi, kailangan na naming simulan ang operasyon agad. Magdesisyon ka na ngayon, kung kaninong produkto ang gagamitin namin."

Nag-alangan si Elder Xi, sa pagitan ng lohika at tiwala.

Kahit na lubos siyang naniniwala na ang disenyo ay kay Ruobing, sa oras na iyon, nakita niya na ang paggawa ng desisyon ay napakahirap.

Dahil masyadong maraming bagay ang nakasalalay sa nag-iisang desisyon na ito… ayaw niyang isapalaran ang kahit na ano.

"Elder Xi, alam kong marunong kang kumilatis ng ugali. Manalig ka sa mga salita ko," mahinang sambit ni Xinghe.

Walang imik na tinitigan siya ni Elder Xi pero halata ang agam-agam sa mukha nito.

"Lolo Xi, ang disenyo ko ay perpekto, at sinuri mo mismo ang natapos na produkto. Sinasabi ni Xia Xinghe ang mga salitang ito dahil ang hawak niya ay isa sa mga disenyo ko, kaya kung titingnan ay wala namang ipinagkaiba kung alin ang pipiliin mo dahil pareho silang akin," mabilis na paliwanag ni Ruobing, nag-aalala na baka makumbinsi ni Xinghe si Elder Xi.

Napahagikgik si Xinghe; tinapunan niya ng malamig na tingin si Ruobing bago sinabi, "Sino ang nagsabi na ang produkto natin ay magkapareho. Aaminin ko, ang aktwal na pagkakaiba ay maliit pero ito ang susi na magsasabi kung ang produkto ay may diperensiya o wala!"

"Xia Xinghe, paano ka nakakatulog sa gabi? Ninakaw mo ang disenyo ko at ngayon ay malakas ang loob mong pagbintangan ako. Parurusahan ka ng karma!" Galit na sinabi ni Ruobing.

Ang lahat ng nasa silid ay napaniwala ng kanyang pag-arte. Dahil aarte ba siya sa ganitong paraan kung hindi talaga siya ang biktima?

Kahit si Xinghe ay napaniwala sa kakapalan ng mukha ng babaeng ito.

"Mahusay ang pag-arte mo dito. Pero Yun Ruobing, ang tunay ay tunay; ang peke ay peke. Pinapayuhan kita na magsabi ka na ng totoo at aminin mo ang pagkakamali mo bago pa makasakit ng iba ang ginawa mo," hikayat ni Xinghe. Gayunpaman, huli na para maging matapat pa si Ruobing; walang paraan na papayag itong aminin ang pagkakamali nito.

"Akin ang diesnyo, ang produktong nasa iyo ay akin, sumusumpa ako sa Diyos, lahat sila ay akin!" Balisang sigaw niya kay Xinghe, pero mahirap na malaman kung ang kinukumbinsi ba nito ay ang madla o sarili nito.

Nanlamig ang hitsura ni Xinghe. "Sige, kung ganito ang gusto mong gawin so be it. Huwag mong sabihin na hindi kita binalaan, Yun Ruobing. At lahat kayo na kumakampi sa kanya sige gamitin ninyo ang produkto niya, pero hindi ako ang mananagot sa mga susunod na mangyayari."

Bigla, isang nurse ang nagbukas ng pintuan ng surgery room para sabihin na, "Sinabi ni Old Madam Xi na gamitin ang produkto ni Miss Yun; may tiwala siya dito."

Naririnig pala ni Old Madam Xi ang lahat mula sa loob.

Pinalabas niya ang isang nurse para sabihin ang kanyang intensiyon.

Dahil sa lahat ng taong naroroon, ang kanyang pinaka pinagkakatiwalaan ay si Ruobing.

Siya mismo ang nagpalaki kay Ruobing at ginawa ni Ruobing ang lahat para makaganti sa kabutihan niya. Lubos ang tiwala ni Old Madam Xi sa kanyang inampong apo.

Dahil ang dating asawa na mismo ang gumawa ng desisyon, sumunod na si Elder Xi, "Sige, gagamitin natin ang gawa ni Ruobing!"

Nanlaki sa surpresa at galak ang mga mata ni Ruobing. Gayunpaman, mabilis siyang nagyabang kay Xinghe. Syempre, hindi niya palalampasin ang pagkakataon na ipamukha kay Xinghe ang kanyang tagumpay!

Tinapunan din ng mga mayayabang na tingin ng madla si Xinghe; lubos silang naniniwala na ang paggamit sa gawa ni Ruobing ang tamang pagpili.

次の章へ