webnovel

ANG KANYANG INA… SI XIA XINGHE

編集者: LiberReverieGroup

Pinag-isipang maigi ang disenyo ng damit hanggang sa ibaba ng katawan ng nagsusuot.

Ang palda ay sinadyang gawin na ipakikita ang mahahabang legs ni Xinghe sa bawat pagkakataon na lumalakad siya, na nagpapakita ng isang seksing ilusyon.

Ang sabi nila beauty is a pain, kaya para mas maipakita pa ang hubog ng kanyang katawan, nagsuot si Xinghe ng 10 centimeters red heels nang gabing iyon.

Nakasuot ng pula si Xinghe pero hindi ito masagwang tingnan sa kanya. Sa kabaliktaran, ang pula na suot niya ay nagbibigay sa kanya ng kaanyuan ng katulad sa isang rosas na namumukadkad, marikit at dalisay.

Ang kumpiyansa ni Xinghe sa sarili ay nadagdagan gawa ng kanyang suot na damit at sa gabing iyon, ay kasing liwanag siya ng araw.

Siya ang pinakamagandang babae na nakita ng dalawang bellboy ng gabing iyon.

Mali, ang pinakamagandang babaeng nakita nila sa tanang buhay nila…

Nararamdaman nilang humihinto ang tibok ng puso nila at namuo ang katanungan sa kanilang mga isip, sino kaya ang babaeng ito?

"Ate, sana nandoon ako na kasama mo kapag nakita ka ni Chu Tianxin," sabi ni Xia Zhi na nakangisi.

Siguro ay makikita ngayon ni Chu Tianxin ang dahilan kung bakit nakuha ng ate niya ang dati nitong asawa bago nito nakuha at naging fiance ngayon.

Napapag-usapan na lang din naman, siguradong pagsisisihan ni Xi Mubai kung bakit pinakawalan pa nito ang maganda niyang ex-wife.

Kung wala lang siyang responsibilidad na maging getaway driver ni Xinghe, gugustuhin talaga ni Xia Zhi na sumunod sa party para lamang panoorin ang mga reaksiyon ng mga ito.

Siguradong nakakaaliw ito.

Pero di bale na lamang, sigurado namang mapapanood niya ito ng live feed mula sa supervisor monitor.

Hindi interesado si Xinghe sa reaksiyon ng mga tao, at mayroon lamang siyang iisang layunin, at iyon ay i-wish si Lin Lin ng maligayang kaarawan.

"Papasok na ako," sabi niya kay Xia Zhi.

Tumango si Xia Zhi. "Mag-iingat ka, ate."

Inilagay ni Xinghe sa isang gilid ang kanyang palda habang naglalakad ng may kumpiyansa sa red carpet ng hotel.

"Miss, pakilabas po ang inyong…" isang waiter ang lumapit sa kanya. Pero bago siya matapos magsalita, iniabot na agad ni Xinghe ang imbitasyon hawak ang kanyang unang dalawang daliri. Tinanggap ito ng waiter ng nakangiti. Umalis na siya ng hindi pa hinihintay ang waiter na kumpirmahin ang kanyang imbitasyon.

"Xia Xinghe…" binasa ng waiter ang pangalan sa imbitasyon ng malakas, at tinitigan ang likod ni Xinghe na natutulala, "Isa ba siyang sikat na celebrity? Bakit hindi ko pa naririnig ang pangalan niya dati?"

"Ano ang sinabi mo?" Bigla ay isang maliit na anino ang lumabas mula sa mga nakapasong halaman.

Napalundag sa pagkagulat ang waiter. Pinakalma niya ang sarili at napagtanto, hindi ba at ito ang Young Master Xi na hinahanap ng lahat?

Ano ang ginagawa nito at nagtatago ito dito?

"Ano ang sinabi mo na pangalan niya?" Ulit ni Xi Lin habang tumitibok ang puso niya ng may pag-asam at pag-aalinlangan.

"Ang pangalan sa imbitasyon ay Xia Xinghe…"

Xia Xinghe!

Agad na lumingon si Xi Lin at itinutok ang mga mata sa likod ni Xinghe.

Ang babaeng iyon… si Xia Xinghe… ay ang kanyang ina!

Kahit na hindi naaalala ni Xi Lin ang mukha ng kanyang ina ay hindi naman niya nalilimutan ang pangalan nito.

Xia Xinghe, agad niyang itinatak sa isip ang pangalang ito sa unang pagkakataon na sinabi ng kanyang pamilya ang pangalan ng kanyang ina.

Hindi inaasahan ni Xi Lin na biglang susulpot ito sa hotel.

Pero ano ang ginagawa niya dito?

Para dumalo sa kanyang birthday party?

Naging matiim ang mga mata niya at nagkaroon siya ng matinding paghimok na pigilan ang kanyang ina na pumasok sa ballroom.

Dahil gusto nilang gamitin ang kanyang kaarawan para i-anunsiyo ang kasal ng kanyang ama at Auntie Chu!

次の章へ