webnovel

Little Angel Tangtang

編集者: LiberReverieGroup

Bukod sa mga litrato, mayroon ding video nila Tangtang na magkasamang dumuduyan.

Tila bang nalipos si Nameless Nie sa regalo. Hindi lang sa nagpadala si Ye Wan Wan ng madaming litrato, nagsama pa siya ng isang video!

Masayang binuksan ni Nameless Nie ang video.

Tapos...

Nakita niya ang balighong duyan na nakasabit mula sa dalawang puno.

Sa video, hinila ni Ye Wan Wan si Tangtang sa malaking duyan, at dumuyan ang dalawa sa hangin...

[Famous Ye: Hindi ako nagsinungaling sa 'yo, 'di ba? Tignan mo kung paano ko alagaan si Tangtang!]

Nameless Nie: "…"

Napalunok si Nameless Nie. Wala siyang ideya kung paano sasagot...

Narinig niya ang pagbanggit ni Ye Wan Wan sa pagbalik ng kanyang kasintahan at matagumpay na nagampanan ang tungkulin bilang "Papa".

Sa personalidad ni Si Ye Han, hindi niya talaga kinwestyon si Ye Wan Wan nang makita ang gingawa nito?

[Nie Hollow Pit: matanong nga… bakit hindi ka patnubayan ng boyfriend mo kahit kaunti?]

[Famous Ye: Syempre pinapatnubayan niya ako! Sabi niya na hindi maganda ang duyan ko, kay maghahanap siya ng gagawa ng bagong duyan para sa akin!]

[Nie Hollow Pit: …]

Kunwari wala na lang akong tinanong...

Tinignan ni Nameless Nie ang ibang litrato. Nilalaman nito ang pamilya nilang tatlo at isang malaking puting tigre na namimitas ng mga kabute sa gubat, umaakyat sa puno para mamita ng mga prutas, at naglalakad sa ilog para manghuli ng isda.

Ang kanyang nahuhumaling sa kalinisan na pamangkin ay nakatupi ang mga manggas at pantalon at masiglang naghahanap ng pagkain sa likod. Balot siya ng mga damo at dahon, at maitim din ang mga kamay niya mula sa paglalaro.

Ang malaking puting tigre naman, ay mayroong dalawang basket sa likod niya na puno ng mga kabuti, prutas at makukulay na benggala.

Nakangiti si Tangtang sa bawat litrato...

Halos hindi maiwan ni Nameless Nie ang maliit na demonyo kay Ye Wan Wan ng ilang mga araw, pero nagtataka na siya ngayon kung napalitan ba ang bata. Ito pa din ba ang maliit na demonyo na pamilya niya?

Biglaang pagbabago ito sa kanyang ugali mula sa maliit na demonyo papunta sa maliit na anghel!

Napa-isip si Ye Wan Wan bago magpadala ng mensahe.

[Famous Ye: Oo nga pala, nagtataka ako kung ano ba ang madalas na ginagawa ni Tangtang sa bahay. Hindi ba siya naging bata? Wala siyang masyadong alam sa mga bagay! Noong dinala ko siya sa perya, hindi niya alam kung ano ang cotton candy!]

Nang makita ang pagsasakdal na mensahe ni Ye Wan Wan, agad na sumagot si Nameless Nie.

[Nie Hollow Pit: Linawin ko lang. Hindi sa inaabuso namin si Tangtang; ganyang talaga ang personalidad niya! Hindi niya gusto ang mga bagay na nilalaro ng ibang mga bata.]

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan nang makita ang mensahe.

Pekeng Tangtang ba ako kasama ko?! Malinaw na gusto ni Tangtang ang mga bagay na iyon!

Ay, baka alam ng bata na kakaiba siya mula sa ibang mga bata at walang magulang. Baka naisip niya din na kasalanan niya na hindi siya gusto ng magulang niya.

Kaya siya gumamit siya ng malamig na kalasag para protektahan ang sarili niya--hindi niya naramadaman na matiwasay siya.

Base sa pakikipag-ugnayan niya kay Tangtang kamakailan lang, nalaman ni Ye Wan Wan na mabuway si Tangtang at natataot na mapag-iwanan muli

Umaasa siya na makakaasa siya kay Nameless Nie at mahanap ang totoo niyang magulang sa lalong madaling panahon...

[Nie Hollow Pit: Oo nga pala, ipapadala ko ang mga litrato na ito kay mama/. Araw-araw akong kinukulit ng mama ko sa pagdala ng mga litrato. Tingin ko ang halaga ko lang sa kanya ay ang pagpadala ko ng mga litrato ni Tangtang…]

Bahagyang kumibot ang bibig ni Ye Wan Wan nang naramdaman niya ang lungkot ni Nameless Nie sa sinabi niya.

[Famous Ye: Sige pala. Subukan kong magpadala ng mga lagay ni Tangtang sa 'yo araw-araw mula ngayon.]

Hindi maiiwasan sa kanila ang mag-alala sa bata na sumusunod sa hindi kilalang tao ng mag-isa.

[Nie Hollow Pit: Kapatid Famous Ye! Maraming salamat! Papadalhan kita ng pulang pakete kahit na mangolekta pa ako ng basura para magawa iyon!!!]

Ye Wan Wan: "…"

Huwag na lang...

次の章へ