webnovel

Mapirmi sa isang malaking pinsala

編集者: LiberReverieGroup

Nakahinga ng maluwag ang lahat nang makita si Ye Wan Wan at nagawang pigilan ang nakakatakot na bata sa isang galaw lang.

Halos mahimatay sa takot si Zhang Wei. Balot ng pawis ang kanyang noo habang nakatingin kay Ye Wan Wan na para bang taga-ligtas niya ito...

Ye Bai?!

Nakakatakot ang bata pero ang gwapong si Ye Bai ay talagang napigilan siya...

"Wah! Sobrang gwapo ni Ye-ge!"

"Gwapo-gwapo talaga!"

Nag-umpisang sumigaw sa galak ang mga empleyado sa lugar.

"Ye-ge ge, sa wakas dumating ka! Halos mamatay na ang lahat sa takot!" mabilis na lumapit si Gong Xu at bilang resulta nito, maasiwa siyang natapilok at napasigaw dahil sa napilay niya ang kanyang bukung-bukong.

Hindi maka-imik si Ye Wan Wan at dali-daling lumapit para tulungan ito. "Maingat ka."

Hindi ba maasahan ang batang ito?

"Ye-ge, ito… talaga bang kasambahay mo ang maliit na batang ito? Tanong ni Gong Xu na may takot sa kanyang mukha.

Ye Wan Wan: "Tama."

Para bang hindi naniniwala sa kanya si Gong Xu. "Hindi 'to maaari… ganito ba nakakatakot ang mga serbisyong pambahay ngayon? Pwede mong kunin ang ganitong klaseng tao?"

"Kunin mo si Dong Zai para matulungan kang malagyan ng gamot." tinawag ni Ye Wan Wan si Dong Zai para alalayan si Gong Xu.

Maya-maya, tinanong ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan, "May nasaktan ba?"

Sumagot si Ye Mu Fan, "Bukod sa mga nasirang gamit at si Gong Xu, wala naman."

Ye Wan Wan: "Sige…"

Walang nasaktan sa kanila bukod si Gong Xu na pinilay ang sarili.

Tapos na ang misyon ni Jiaojiao na may maayos na resulta kahit na sumobra siya...

Pinagmasdan ni Ye Wan Wan ang lugar na puno ng panaghoy, nakakaawang mga utusan at si Zhang Wei, na mayroong dalawang baling pupulsuhan at inihian ang sarili. Napahilot si Ye Wan Wan sa kanyang sentido dahil sa sakit ng ulo na mayroon siya ngaon. "Jiaojiao, hindi ba sinabi ko sa 'yo na ipirmi lang ang sitwason?"

Ang sitwasyon ngayon… ay napirmi sa isang malaking pinsala

Eh, Jiaojiao?

Ang nakakatakot na babaeng ito na kayang manakot ng tao ay Jiaojiao ang tawag dito?

Nang marinig ng lahat ang pangalang ito, hindi maipinta ang mga naging itsura nila.

Pihikang bumulong si Jiaojiao, "Master, iiwan ko naman siyang buhay kahit papaano…"

Ye Wan Wan: "…"

Buhay kahit papaano… talaga, mabubuhay siya kahit papaano...

Sumulyap si Ye Wan Wan kay Zhang Wei.

"Zhang-ge, pasensya na sa lahat ng nangyari ngayon."

Sabi ni Ye Wan Wan habang lumapit para tulungan itong makatayo.

Sa huli, para bang nakakita ng multo si Zhang Wei at gumapang papalayo.

"Huwag, huwag kang lumapit!"

Hinaplos ni Ye Wan Wan ag kanyang ilong at sinabi na may sinserdad. "Zhang-ge, isa akong businessman. Kung hindi ako babaligtarin ng iba edi hindi ko sila babaligtarin din. Ngayon lang, bahagyang sumobra ang tauhan ko kaya humihingi ako ng pasensya!"

Lahat ng utusan ni Zhang Wei: "..."

Pati ang mga empleyado sa production team ay hindi rin maka-imik...

Bahagyang sumobra… ito… bahagyang sumobra ang tawag dito?

"P… p… pasensya na… Boss Ye. Nabigo akong kilalalanin ang Mount Tai! Pasensya na sa ginawa ko! Ikaw ang mas nakakataas, kaya pakiusap patawarin mo 'ko! Hindi ko ginusto na bigyan ka ng gulo, si… si Cai Yongsheng ang siyang gumagawa ng gulo!" paglaglag ni Zhang Wei kay Cai Yongsheng.

Maingat ang mga tingin ni Zhang Wei. Kung walang malakas na kapangyarihan ang naka-agapay kay Ye Bai, hindi siya makakakuha ng mabigat na kalaban.

Mukhang walang kaya at mahina si Ye Bai pero sa realidad, hindi siya ganoon kasimple...

Ang isang galaw na ginawa para pigilan ang maliit na bata ay nagmukhang kasing kalmado ng hangin, pero siya lang ang nakakaalam kung gaano ito nakakatakot. Kung siya ang pipigil sa galaw na iyon, mabilis siyang mamamatay doon!

次の章へ