Sanay na si Ye Wan Wan sa pagiging spoiled ni Gong Xu sa bawat araw na nakasama niya ang lalaking ito.
Alam niya na kapag hindi siya sumang ayon kay Gong Xu, ang isang ito ay iiyak na parang bata mula umaga hanggang kinabukasan.
Kaya maaga pala ay inaral na ni Ye Wan Wan ang ugali ni Gong Xu.
Nagbuntong hininga si Ye Wan Wan. "Oo oo oo… syempre naman! Darling Xu, ayusin mo ang makeup mo dahil nawawala na ito!"
Lumiit ang mga mata at namutla si Nie Tang Xiao nang matapos sa pananalita si Ye Wan Wan.
"Ah? Talaga, talaga? Saan?!" Tulad ng inaasahan, mabilis na nawala ang atensyon ni Gong Xu at napunta ang atensyon niya sa ibang bagay.
Bumuntong hininga si Ye Wan Wan.
Naglabas ng maliit na salamin si Gong Xu upang makita ang kaakit-akit niyang mukha nang bigla siyang magulat. "Aiya, sino… ang batang 'yan…"
Bakit parang nakamamatay ang kanyang mga mata?
Agad na nakalimutan ni Gong Xu ang iniisip niya at sabik siyang sumigaw. "Wow! Ang gwapo niya! Tapos ang kyut pa! Ye-ge, Ye-ge, kaninong anak ito?"
Ye Wan Wan: "Sa kapatid kong lalaki…"
Nagalak si Gong Xu nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan. "Ye-ge, ang… ang swerte ng kapatid mo!"
"Anong pinaparating mo?" sumimangot si Ye Wan Wan.
Agad na sumagot si Gong Xu, "Masasabi na kamukha raw ng anak ang kanilang nanay. Ang gwapo at kaakit-akit ang batang ito, kaya sobrang ganda siguro ng nanay niya!"
Tumango si Ye Wan Wan. "Makabuluhan ang sinabi niya..."
Bumulong si Gong Xu, "Mas kyut pa sa kanya ang magiging anak namin ni Little Candied Plum!"
Ye Wanwan: "…"
Masyadong mong iniisip ang mga bagay bagay...
Napunta ang atensyon ni Ye Wan Wan kay Assistant Dong Zai at sa security guard na nasa likod ni Gong Xu. May mga bitbit silang makukulay na mga bagay kaya napatanong na lamang si Ye Wan Wan, "Ano ang mga iyon?"
Agad na tinago ni Gong Xu ang mga makukulay na bagay. "Sa… sa mga fans ko galing 'yan, binigay nila ito sa akin! Hindi mo pwedeng mahawakan ang mga ito!"
Nakatanggap ng mga bulaklak sila Luo Chen at Han Xian Yu habang si Gong Xu naman ay nakatanggap ng mga tsitsirya at pagkain.
Dumilim ang itsura ni Ye Wan Wan. "Kinumpiska mo ang mga ito!"
"Huwag…"
Sa gilid ng silid, pinapanood ni Nie Tang Xiao ang dilaw na manok na yakap yakap ang mga tsitsirya. Naging halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya sa oras na iyon...
Hindi ito totoo...
Panahon na para sa hapunan ng kumpanya. Dahil magkakakilala na ang bawat isa, komportable na ang lahat at masaya silang kumakain at umiinom habang nagdadaldalan.
Nagagambala pa rin ang damdamin ni Tang Tang nang matapos siya sa kanyang kinakain. May nautusan si Ye Wan Wan na tauhan niya upang i-uwi at ipahpahing sa kwarto ang bata.
Pagkatapos ng hapunan, bumalik na sa kwarto si Ye Wan Wan at nakita niya na nakaharap sa bintana ang batang lalaki habang blangko ang kanyang itsura.
Mukhang nalulungkot ang batang lalaki na nakaharap sa bintana. Mukhang sinapak ng malakas ang batang lalaki dahil sa itsura niya.
Anong nangyayari? Hindi ba siya nasiyahan kanina?
Nagmadaling pumunta si Ye Wan Wan sa bata. "Tang Tang!"
Lumiwanag ang itsura ng bata nang makita niya si Ye Wan Wan. "Mommy…"
Hinaplos ni Ye Wan Wan ang ulo ng batang lalaki. "Ano iyon? May sakit ka ba?"
Hindi pa kaagad nakasagot ang batang lalaki nang sabihin niya, "Mommy, may gusto ka ba sa Ge ge na nakasuot ng dilaw na jacket?"
Ye Wan Wan: "Si Gong Xu ba ang tinutukoy mo?"
Pinag-isipan ito ng maigi ni Ye Wan Wan. Si Gong Xu ay isang artista na inalagaan ni Ye Wan Wan. Natural lang naman na gustuhin niya ang lalaking ito, yung mokong na iyon, na sobrang pabigat ang ugali. Pinanganak si Gong Xu na maging artista at parati siyang nasa tabi ni Ye Wan Wan basta't kailangan siya nito.
Sumagot si Ye Wan Wan, "Inalagaan ni Mommy ang artista na si Ge ge, kaya malamang gusto at hinahangaan siya ni mommy! Gayundin sila Luo Chen-ge ge at Xian Yu-ge ge!"
Nahulaan na ng bata na magiging malawak ang sagot ni Ye Wan Wan kaya nanatili siyang tahimik...