webnovel

Nababaliw ka na ba?

編集者: LiberReverieGroup

Nang makapag-desisyon si Ye Wan Wan, naghanda na sila Gong Xu, Luo Chen at ang iba para sa darating na press conference sa susunod na araw.

"Ano ang kailangan kong gawin?" Tinanong ni Ye Mu Fan.

"Sundin mo ako at may isasagawa tayong press conference mamayang gabi." May pinasang dokumento si Ye Wan Wan pagkatapos niyang magsalita.

"Ano ito?" Nagtaka si Ye Mu Fan habang tinitingnan niya ang mga nilalaman ng dokumento.

Lumaki ang mga mata ni Ye Mu Fan nang malaman niya kung ano ang mga dokumentong ito. "P*ta! Ito ay… saan mo nakuha ang mga ebidensya na ito? Bakit pa ako natatakot kung pwede rin nating kasuhan ang Emperor Sky at si Tan Zhen Xin ng infringement! Ako na ang maghahanap ng venue at tatawagan ko na rin ang mga reporters. Magsasagawa tayo ng press conference ngayon din!"

"Teka lang." Pinigilan siya ni Ye Wan Wan.

"Ano iyon?"

Kakasimula pa lamang natin ng kumpanya at ang napakahigpit ng ating budget. Hindi ba kailangan natin ng pera para sa venue, pag-imbita ng reporters at sa pagpapa publiko nito?" Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan.

"Huh? Ano pala ang gagawin natin? Hindi natin pwedeng ipunin ang pera na ito…" naguguluhan si Ye Mu Fan.

Tumawa si Ye Wan Wan. "Ano ba ang minamadali natin? Ang Emperor Sky mismo ang maghahanap ng magandang venue at mag-iimbita ng media. Magkakaroon sila ng grand press conference para sa atin."

"Anong sinabi mo? Ang Emperor Sky mismo ang magsasagawa ng press conference para sa atin? Paano nangyari iyon? Nababaliw na ba sila?" Nabigla si Ye Mu Fan.

Magtatanong pa sana si Ye Mu Fan nang biglang mag-ring ang kanyang phone. Tinatawagan siya ni Ye Yiyi.

Napakunot si Ye Mu Fan. "Bakit ako tinatawagan ni Ye Yiyi sa oras na ito?"

Biglang ngumiti si Ye Wan Wan. "Sagutin mo ang tawag."

Sumagot si Ye Mu Fan na may tonong parang walang pakialam. "Anong meron?"

"Mu Fan, magaganap ngayong araw ang 20th anniversary ng Emperor Sky. Dumalo kayo ni Wan Wan at samahan niyo kami sa selebrasyon ng 20th anniversary mamayang gabi!" Napakagalang at napakabuti ng paraan ng pananalita ni Ye Yiyi.

Napakunot si Ye Mu Fan.

Bakit napakabait naman ni Ye Yiyi para imbitahan tayo sa anibersaryo ng Emperor Sky…?

Hindi kaya setup ang banquet na ito para patayin ang mga inimbita nila?

Patuloy na inimbitahan sila ni Ye Yiyi dahil natatakot siya na baka hindi nito tanggapin ang imbitasyon niya, "Sinabihan ko na sila lolo at lola at pumayag naman na sila, kaya wala ka nang kailangan pang alalahanin pa."

Tatanggihan na sana ni Ye Mu Fan ang imbitasyon ni Ye Mu Fan pero bigka niyang natandaan ang sinabi ni Ye Wan Wan kanina at biglang napatulala siya.

Ito kaya ang tinutukoy ni Ye Wan Wan na grand press conference… sila mismo ang gumamit ng napakaraming pero upang ihanda nila ito para sa amin?

Lumiwanag ang mga mata ni Ye Mu Fan at sumagot kaagad siya, "Sige, pupunta agad ako doon sa tamang oras!"

Sa kabilang panig, pilit na tinatago ni Ye Yiyi ang mapangasar niyang pananalita at pilit siyang naging magalang sa kaniya, "Sige, may uutusan akong tauhan ko na maipapadala sa inyo ang imbitasyon. Mu Fan, sana okay lang sayo dahil hindi kayo mamumukaan ng mga bagong guwardiya kaya mas mainam nang dumalo kayo nang may imbitasyon…"

"Okay lang iyon, naiintindihan ko naman. Oo, okay lang. Natutuwa nga ako dahil pumayag si lolo at lola na makadalo kami sa selebrasyon."

Binaba kaagad ni Ye Mu Fan ang tawagan nila at agad siyang nagtanong kay Ye Wan Wan, "Wan Wan, plano mo bang gawing press conference natin ang selsbrasyon ng 20th anniversary ng Emperor Sky?"

Ito ay isang MALAKING kaganapan… hindi lamang engrande...

Tatlong buwan nang pinaghandaan ang 20th anniversary ng Emperor Sky at lahat ng pagpapasa-publiko ay ginawa na nila sa nakalipas na mga buwan na iyon.

Nag-rent ng pinakamamahalin na international convention and exhibition center ng Imperial City ang Emperor Sky upang kunin nila ang limelight sa Wordwide Entertainment. Dadalo din ang mga kilalang media at reporters sa selebrasyon. Maraming pera ang nilabas nila para sa selebrasyon na ito, makikita naman ito sa pagpapasa-publiko nila at ang rent nila ng venue.

次の章へ