webnovel

Kailangan ko pa bang turuan kayo?

編集者: LiberReverieGroup

Sa sandali na sinabi niya ito, may umalingangaw na tunog na mula sa kanto ng madilim na silid. Isang soldering iron ang nakatatak sa kanyang dibdib, na nagdulot na siya maglabas na matinis na tunog habang siya'y naginginig sa lapag at sumigaw sa sakit.

Pagkakita ni Ye Wan Wan nito, ang kanto ng kanyang labi ay kumislot. "Nasa anong panahon na ba tayo ngayon? Kayo'y gumagamit pa din ng makalumang paraan ng pagpapahirap?"

Sigurado na, tamang tama ito sa makalumang estilo ni Si Mong Rong...

Hindi siya sigurado kung bakit, ngunit maraming pamilyar pero dayuhang mga imahe na lumilitaw sa kanyang isip ng biglaan...

Si Ye Wan Wan ay tumingin sa dalawang guwardiya sa tabi niya at sinabi ng walang respeto, "Ito'y klase ng pagpapahirap na gumagana lamang sa mga mahihina at mga tagasunod lang; para sa totoo,sinanay na mga propesyonal na guwardiya at secret service na mga tao, itong mga maliliit na galos na ganito ay wala lang sa kanila = talagang umaasa kayo na buksan ang kanilang mga bibig gamit ito?"

Ang dalawang guwardiya: "..."

Plinano nilang subukan takutin si Ye Wan Wan at iniisip na siya ay sisigaw sa takot at iiyak ng todo. Hindi nila naunawaan na hindi lang siya magiging kalmado at kaswal tulad ng paglalakad sa kanyang sariling hardin, ngunit talagang pununa niya ang pamamaraan ng kanilang interogasyon.

Ye Wan Wan: "Hey, may ideya ba kayo kung ano ang mental na pagpapahirap? Kailangan ko pa ba kayong turuan? Ito'y espesyal na paraan para sirain ang kalooban ng isang tao. Mas maganda ito kaysa..."

Nakinig ang dalawang guwardiya sa hindi mapigil na sinasabi ni Ye Wan Wan: "..."

Kung kaya, ang dalawang taong ay ibinalik sa kanyang selda at umalis saglit. Na parang may halimaw na sumusunod sa kanila.

"Eh? Bakit sila nawala, Hindi pa ako tapos—"

Si Ye Wan Wan ay sumandal sa mga bakal na rehas at mukhang nag sisisi.

Pagkita na sila ay nawala ng walang bakas, umupo na lang si Ye Wan Wan at ang kanyang baba ay nasa kamay niya habang nagpapakita ng paghihinala

Kakaiba, paano ko nalaman tungkol sa mga bagay na sinabi ko lang kanina?

Hindi kaya nabasa ko ito sa isang magasin? Bakit wala akong naalala na memorya nito...

Subalit, siya'y namuhay sa dalawang buhay dati at doble ang memorya niya, kaya normal lang para sa kanya na malito at makalimot ng ilang mga bagay...

Sa loob ng Age of Immortals conference room, ilang sa kanila ay pinaguusapan ang mga linya.

"Whoa— sobra...sobrang laking balita!" Ang maliita na hari ng tismis, si Gong Xu, ay sumugod sa opisina sa sandaling dumating siya.

"Gong Xu, huli ka nanaman!" inirapan siya ni Ye Mufan. "Anong balita? Maglaladlad ka na ba? O magaanunsyo ka na ng kasal mo?"

"Sinong maglaladlad, huh?! Ikaw ang siyang maglaladlad!" Tinitigan ni Gong Xu su Ye Mufan tapos hawak ang kanyang telepono at sinabi ng masaya, "Ito'y ang pamilya Si… iyong maalamat na pamilya Si..."

"Anong meron sa pamilya Si?" tanong ni Han Xianyu.

Gong Xu: "Ito'y nasa balita na ang master ng pamilya Si ay namatay sa sakit! Nangyari lang ito kaninang umaga lang!"

Napatigil si Ye Mufan. "Ano? Ang master ng pamilya Si ay namatay sa sakit? Paano ito nangyari?!"

Ang pamilya Si… ang impresyon ng lahat sa kanila ay sila ay parang impluwensyal na aristokratikong pamilya sa Tsina na sobrang hindi abot. Sila ay gumawa ng emperyo sa Tsina ay si Si Yehan ay ang hari ng imperyo na humahawak sa buong pamilya Si.

Kung namatay siya, ang buong gusali ay guguho, nagdulot upang ang ekonomiya ng bansa ay bumagsak sa kaguluhan...

Sabi ni Han Xianyu, "Malamang ito'y tsismis lang - na ang mga pahayagan ay naglakas loob na magsalita ng masama tungkol sa pamilya Si?"

Gong Xu: "Oo, walang sinoman ang maglalakas loob at itong balitang ito ay nilathala limang minuto ang nakakalipas bago ito mabura, ngunit nascreenshot ko ito!"

Ye Mufan: "..." Gaano katsimoso pa ba siya magiging? Ito ay nalathala pa lang ng limang minuto, pero nabasa niya ito at nagawa pang kuhanan ito...

Si Luo Chen, na nakapokus sa pagbabasa ng kanyang mga linya, ay itinaas ang kanyang ulo at nagtanong, "Asan si Ye-ge? Bakit wala pa din siya?"

Nagkibit balikat si Ye Mufan. "Hindi na natin siya kailangan hintayin ngayon. Nagpadala siya ng mensahe at sinabing siya ay magiging abala nitong susunod na dalawang araw!"

次の章へ