webnovel

Samahan mo akong matulog ngayong gabi, ha?

編集者: LiberReverieGroup

Sa liblib na parte ng munting grove sa Jin garden.

Nahihirapan na nakayuko ang mga Dark Team guards, na naka-duty nang gabing 'yon, habang sila ay magkasamang nagtatago.

"Kapitan, kailan tayo pwedeng bumalik?"

Kinamot ni Feng Xuan Yi ang kanyang ulo. "Hin… hindi… ko rin… alam, eh…"

Bumuntong hininga si Eleven. "Kailangan siguro nating maghintay hanggang umaga, kung kailan wala nang tama si Miss Wan Wan."

Tumango at sumang-ayon ang ibang mga guwardiya, "En eh, kailangan nating manatili ng matagal dito para sa ating kaligtasan! Nakakatakot si Miss Wan Wan kapag lasing at kapag masahol siya…"

At tsaka, sumailalim sa mahigpit na pagsasanay si Ye Wan Wan kaya sa malamang, mas angat ang abilidad niya ngayon kung ikukumpara ito noong gabing nasa bar siya.

"Ayoko nang makipaglaban sa lasing na bersyon ni Miss Wan Wan…"

Napakalaki ng hardin at courtyard ng Jin garden. Parang maze ito sa lasing na si Ye Wan Wan.

Siguro dahil naparami ang naimon niyang wine, kaya mainit ang katawan niya at nangangati ang kanyang mga kamao - naghahanap talaga siya ng taong makakalaban niya.

Gayunpaman, ang tagal niyang naglalakad-lakad sa Jin garden ngunit ni-wala siyang mahanap na anino...

Naguguluhan na ang isip ni Ye Wan Wan.

Nakakairita… bakit walang tao dito?!

Lasing na naglalakad-lakad si Ye Wan Wan. Ngunit, bigla niyang nakita ang isang kulay silvery-white na nilalang na naglalakad sa ilalim ng puno.

Ah!

Si ano...

Mabilis na na-akit at lumaki ang mga mata ni Ye Wan Wan, nang makita niya ang kulay sivery-white at mabalbon na nilalang. Tumalon siya papunta sa malaking puno at mabilis siyang tumakbo papunta doon.

Nang makalapit siya, nakita niya ang isang malaking tigre na kulay silvery-white ang buhok na natutulog sa ilalim ng malaking puno.

Makinis at makintab ang itsura ng puting tigre. Ang malaki niyang ulo ay nakapatong sa kanyang malaman na mga kamay habang paminsan-minsan ay kumikibo ang tuktok ng kanyang tenga. Dahan-dahan nitong binuksan ang kanyang mga mata, napansin niya siguro na may nilalang na lumalapit sa kanya. Nagmulat ang maputlang kulay asul na mga mata niya na gising at maingat.

Nang makita ni Great White na si Ye Wan Wan pala iyon, muli siyang humiga at natulog na para bang wala siyang pakialam.

"WA—GREAT WHITE, GREAT WHITE, GREAT WHITE! Kailan ka pa bumalik?! SOBRANG KITANG NA-MISS!"

Walang takot na sinugod ni Ye Wan Wan ang puting tigre na parang isang pana. Siguro sa sobrang lasing niya, nakalimutan niya ang takot niya sa tigre. Binaon niya ang kanyang ulo sa malambot na balahibo ng tigre at hinadhad niya ang mukha niya dito nang walang sawa.

Sa oras din na iyon, sa loob ng bahay:

Umakyat si Si Ye Han na dala ang mga peanuts, ngunit nakita niya na walang tao sa kwarto. Wala si Ye Wan Wan sa kwarto at nakita niya na nakabukas ang bintana.

"Punyeta…" mabilis na nagbago ang itsura ni Si Ye Han.

Hindi sana ako nagiging kampante basta't andiyan siya.

Nagmadaling bumaba ng hagdan si Si Ye Han para hanapin si Ye Wan Wan.

Ngunit sa huli, hinanap niya ito sa buong courtyard ngunit wala pa rin si Ye Wan Wan. Hindi niya rin alam kung saan ito pumunta.

Habang nagkakagulo na ang isip ni Si Ye Han, bigla niyang narinig ang malakas na ungol ni slaughter na nanggaling sa Jin garden—

"ROAR—"

Umuungol si Slaughter?

Tumakbo kaagad si Si Ye Han sa direksyon ng ungol ng tigre at hinanap niya si Si Ye Han sa malalaking damuhan. Bigla niya na lang napansin na si Slaughter ay niyayakap ni Ye Wan Wan at paulit-ulit niyang kinakamot ang balahibo nito.

Sa isang saglit, naging magulo ang malambot at makinang na mga buhok ni Slaughter dahil sa kaka-haplos at kaka-kamot ni Ye Wan Wan, at para bang handa na ang tigre na lamunin si Ye Wan Wan. "ROAR—"

MGA MANGMANG NA TAO - hindi mo ba nakikita ang ginagawa ng babaeng ito? Dinungisan niya ang buong pagkatao ko.

Gumulong-gulong si Ye Wan Wan sa katawan ni Great White. "Ah ah ah! Ang lambot mo, Great White! Great White, samahan mo akong matulog ngayong gabi, ha?"

"..." Nakita ni Si Ye Han ang eksena na nagaganap sa harapan niya at halos mabaliw siya rito.

Sinabihan niya ang lahat na huwag nang lumabas, ngunit nakalimutan niya na may nakawalang tigre pala sa lugar na iyon…

次の章へ