webnovel

Bigyang hustisya ang pangalan ko

編集者: LiberReverieGroup

Tumango si Ye Mu Fan na seryoso ang kanyang mukha. "Naiintindihan ko po lola."

Sumagot din ang lolo niya: "Kailangan niyong matuto ni Ye Wan Wan kay Ye Yiyi. Hindi sana kami mag-aalala ng lola niyo kung kasing galing niyo sana siya o kahit kalahati lang. Matanda ka na Ye Mu Fan, pero hindi mo pa rin mapantayan ang isang babae?"

Katabi ni Ye Yiyi sa Tan Yi Lan at dahan-dahan siyang sumagot, "Lolo, lola, bata pa naman sila Wan Wan at Mu Fan. Hindi pa sila desedido sa mga gagawin nila sa buhay kaya 'wag muna kayong mag-alala sa kanila."

Ngumisi si Ye Hong Wei sabay tiningnan niya si Liang Wan Jun. "Bakit hindi ako mag-aalala kung ganyan ang mga magulang nila?"

Mahigpit na isinara ni Ye Mu Fan ang kanyang mga kamao at pilit niyang tinago ang namumuong galit sa kanyang damdamin, "Lolo, lola, magta-trabaho ako ng maigi at hindi ako babalik hanggat wala pa rin akong napapatunayan sa buhay kong ito!"

Tumango si Ye Hong Wei at nakuntento siya sa sinabi ni Ye Mu Fan. "Ayan ang tamang ugali na dapat meron ka. Hindi na kami makapaghintay ni lola mo na makita kang magtagumpay."

Ito ang unang beses na pinakita ng matanda na handa muli niyang tanggapin si Ye Mu Fan.

At ang ibig sabihin nito ay pwede nang bumalik si Ye Mu Fan sa Ye family kahit kailan niya pa gugustuhin...

Biglang nangutya si Ye Shao An. "Hng, mukhang hindi na ulit siya makakabalik dito ah!"

Biglang napangiti si Ye Mu Fan at humarap siya kay Ye Shao An. "Hindi mo na kailangang alalahanin 'yon tito. Unahin mo ang pag-iimbestiga kung sino ang nagdadawit sa akin sa krimen. Hinihintay ko ang araw kung saan ay mahahanap na ni tito ang salarin ng krimen at mabibigyan hustisya ang pangalan ko!"

"Ikaw…"

...

Tapos na ang hapunan.

Hinatid sila ni Ye Yiyi sa may pintuan at magalang niyang sinabi, "Mu Fan, 'wag ka sanang magalit kay ate kung hindi kita pinagtanggol kanina ha? Akala ko kasi na ikaw ang lalaking nasa recording - hindi ko napansin na hindi pala ikaw yun!"

Ngumisi si Ye Mu Fan. "Ate? Kailan kita naging ate? Bakit hindi ko alam na may ate pala ako ?"

Biglang pumangit ang itsura ni Ye Yiyi. "Anong pinagsasabi mo, Mu Fan… ako ang… ako ang nakakatanda mong pinsan!"

Tumango si Ye Mu Fan na parang naliwanagan na siya. "Ah, ikaw pala ying pinsan ko! Haha, akala ko magaling na akong artista pero mas may mahusay ka pa pala sa akin!"

Gustong magpanggap na mabuting tao si Ye Yiyi, ngunit matapos ang lahat, namula ang mukha niya sa sobrang galit.

Biglang sumingit si Liang Mei Xuan sa likod at sumabad siya na matinis ang kanyang boses: "Yiyi, halika dito. Bakit mo kinakausap ang basurang 'yan? 'Wag kang magpapakababa sa lebel nila!"

Tiningnan ng madama ni Liang Mei Xuan sila Ye Yiyi at Ye Mu Fan. "Tsk Tsk, buti naman na alam mong pinsan mo si Yiyi. Baka gamitin niyo ang relasyon niyo para sa sarili niyong kapakanan!"

Nilinis ni Ye Mu Fan ang kanyang tenga. "Ikaw rin!"

Kinutya siya ni Liang Mei Xua: "Sa tingin mo ba na makakabalik sa pamilyang ito gamit ang pagpapanggap mo kanina at mga mabulaklak mong salita sa mga matatanda? Sinasabi ko sayo ngayon pa lang, basta't andito pa ako, tigilan niyo ang pagpapantasya niyo na makakabalik kayo sa pamilyang ito! Magpakaalalay na na lang kayo sa walang kwentang kumpanya ng Shen family!"

Nang mabanggit ni Liang Mei Xuan ang Shen family, mabilis na naisip ni Ye Mu Fan ang kadiri na pakikipagtalik ni Shen Meng Qi sa isang hamak na lalaki na si He Jun Cheng sa loob ng hotel at naisip niya na dalawang taon siyang nagpakabaliw sa maling babae.

Sa oras na iyon, biglang natawa si Ye Wan Wan at tiningnan niya ng masama si Liang Mei Xuan. "Sa tingin ko ay kailangang alalahanin ni tita ang sarili niya na lang at pahalagahan niya ang mga araw bilang young mistress ng pamilya, dahil hindi na siya tatagal sa posisyon na iyon."

"Wow, ang yabang magsalita ng kawawang bata!"

Biglang dumating sila Ye Shao Ting ay Liang Wan Jun.

Nagulat si Ye Shao Ting nang makita niya sila Liang Mei Xuan at Ye Yiyi na kasama ang kanyang mga anak, naglakad siya ng mabilis at pumunta siya sa harap ni Ye Wan Wan. "Wan Wan, anong pinag-uusapan niyo?"

次の章へ