webnovel

Hindi kayang bastusin

編集者: LiberReverieGroup

Gayon pa man, ang insulto ay lumabas na sa kanyang bibig ng bahagyang inikot ng deboto ang horsetail at kaagad na nag dulot ng pagsuka ng dugo ng mga bodyguard.

"kita mo, hindi ba tama ang nakakaawang Taoist na ito? Sinabi ko na sa inyo na makakatagpo kayo ng madugong kalamidad, kaya bakit hindu ninyo ako pinaniniwalaan, ha?" iniling ng nakabibighaning deboto ang kanyang ulo at bumuntong hininga.

"Patay ka!"

Nagdilim ang mukha ni Yuan Sheng ng siya ay tumingin na para bang kahit anong oras siya ay sasabog. At biglang, siya ay umatras at direktang umatake papunta sa deboto.

Hindi maikukumpara ang lakas ni Yuan Sheng sa ibang miyembro ng Dark Team 4 - ang kanyang atake ay mapanira at matibay, puntirya upang pumatay.

"Munting kaibigan, ikaw ang susunod na makakatagpo ng isang madugong kalamidad!" ang nakabibighaning deboto ay tumitig ka Yuan Sheng, na sumisingil sa kanya.

Hindi siya pinansin ni Yuan Sheng at inabot ang deboto sa ilang hakbang.

"Lumuhod ka." pang-aasar ng nakabibighaning deboto at biglang tinuro ang tuhod ni Yuan Sheng.

Mabilis na kumilos ang nakabibighaning deboto na halos hindi makita ng malinaw ni Ye Wan Wan.

"Ah...!"

Sumigaw sa sakit si Yuan Sheng. Sa parehong oras, siya ay sumambulat sa lapag at lumuhod sa paanan ng deboto.

"Ikaw…"

Sa sandaling ito, tumingin si Yuan Sheng sa deboto na nababalot ng takot ang kanyang mukha.

Ang debotong ito ay ang nakakatakot na karakter na nakilala ko sa buong buhay ko. Hindi ko makita ang kahit anong galaw niya!

"Hindi pagkakaintindihan, hindi pagkakaintindihan…" nanginginig ang boses ni Yuan Sheng at biglang naging malambot. Tulad ng kasabihan, alam ng isang matalinong lalaki kung kailan susuko; walang pakinabang sa pagpapahiya sa isang tao.

"Oh, kaya ito ay isang hindi pagkakaintindihan? Saka, paki linis ng aking sapatos, pwede ba?" isang maamong ngiti ang kumalat sa mukha ng nakabibighaning deboto.

"Ito…"

Ngunitngit ang ipin ni Yuan Sheng.

Walang hiya!

Ginamit ni Yuan Sheng ang kanyang manggas at pinunasan ang dura sa sapatos ng nakabibighaning deboto.

Ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan ay talagang hindi kayang apihin….

"Ayos na ba ito…? Tanong ni Yuan Sheng.

"Maaring magbayad ka sa serbisyo ng panghuhula." ngumiti ang nakabibighaning deboto.

"Sige…" huminga ng malalim si Yuan Sheng saka kumuha ng sampung piraso ng bagong hundred dollar notes at inabot sa ito sa deboto.

"En… sapat na iyan. $1,000 kada tao. Ang dami ninyo… kalimutan mo 'yon, bibigyan kita ng discount - $10,000."

"Wala akong masyadong pera…" iniling ni Yuan Sheng ang kanyang ulo.

"Walang pera?" naglabas ng isang POS machine ang nakabibighaning deboto mula sa kanyang dibdib ng walang hirap. Sinusuportahan ko rin ang paggamit ng credit card."

Ang ekspresyom ng lahat: "..."

Tinignan ni Ye Wan Wan ang nakabibighaning deboto at labis na namangha.

Sa una, akala niya na ang gwapong devoto na ito at si Nameless Nie ay multi-level marketers.

Hindi niya inaasahan na ang debotong ito ay dalubhasang nakakatakot. Iyong si Yuan Sheng ay ganapa na napaglaruan nito at hindi man lamang nakakuha ng pagkakataong makalaban… hindi, wala siyang karpatang para lumaban!

"Saan nanggaling ang grupo ng taong ito at ang Nameless Nie na 'yon…?" nagtataka si Ye Wan Wan.

Naalala niya ang panahon sa birthday banquet ng kanyang lolo, bumili siya ng isang mamahaling buto mula sa munting stall ni Nameless Nie para sa presyo ng isang daang yuan. Sa parehong oras, naisip niya na masuwerte lang siya, ngunit mukhang ang grupo ng mga taong ito ay hindi lang basta nagpakita.

Ngayon, nilabas ni Yuan Sheng ang kanyang card at naglagay ng $10,000 sa POS machine ng nakabibighaning deboto.

Ang natitirang gwardya ng Dark Team 4 ay nakatitig sa nakabibighaning deboto at talagang takot na takot na para bang nakakita ng multo. Hindi pa sila nakakarinig ng isang nakakatakot na tao sa Imperial City…

"Tara na!"

Wala sa mood si Yuan Sheng para magdiwang pa ngayon. Pinaalis niya ang mga guwardiya, tumalikod at umalis. Hindi na niya gugustuhin pang manatili doon ng matagal.

次の章へ