webnovel

May mga rason siya

編集者: LiberReverieGroup

Dahan-dahan na bumukas ang pintuan ng meeting room habang nag-uusap sila.

"Miss Ruo Xi!"

Malugod nilang binati si Qin Ruo Xi nang makita nila ang babae.

Tumayo kaagad si Liu Ying. "Umupo ka dito, Miss Ruo Xi."

"Hindi na." Ngumiti si Ruo Xi. "Bakit ako uupo dito eh para sa chairman ang upuan na yan?"

Nagsalita si Qin Ruo Xi at umupo siya sa tabi ni Liu Ying.

May lalaking nakakatakot na itsura ang sumunod kay Qin Ruo Xi. Siya ay isang malapit na katiwala ni Liu Ying na si Yuan Sheng, miyembro siya ng bodyguard team.

Sa ngayon, sinasanay ni Qin Ruo Xi sk Yuan Sheng. Plano ni Qin Ruo Xi at Liu Ying na gawing kakompetensya sa posisyon na lider ng Dark Team 1 para tuluyan nang mawalan ng posisyon si Eleven.

"Yuan Sheng, kamusta ang pagsasanay mo kay Miss Ruo Xi?" Diretsong tinitigan ni Liu Ying ang seryosong lalaki.

Punong kapitan, magaling at epektibo magturo si Miss Ruo Xi. Hindi mo na kailangang abalahin ang sarili mo para sa laban na ito, kapitan. Kayang-kaya kong talunin si Eleven ng mag-isa ko lang," sumagot ang nakakatakot na lalaki at humarap siya kay Qin Ruo Xi. Binalot ng paghanga ang kanyang mukha.

Ang trato na ng mga taong ito na future mistress si Qin Ruo Xi dahil sa impluwensya ni Liu Ying.

"Wag manghina ang loob mo Liu Ying. Pansamantalang kapalit mo lamang si Eleven dahil nagkagulo kayo, kaya ito ang naging parusa sayo. 'Wag ka nang magkakamali ulit. Pagkatapos ng assessment, sa iyo na ulit mapupunta ang posisyon na punong kapitan." Tiningnan ni Qin Ruo Xi si Liu Ying at pinalakas niya ang loob ng lalaki.

Binalot ng kasakiman ang mga mata ni Liu Ying nang marinig niya iyon. "Hindi ko maintindihan si master, Miss Ruo Xi. Hindi ba sapat sa kanya na kaagapay ka niya sa lahat…? Bakit kaya siya nababaliw sa baliw na babaeng iyon?"

Biglang kumunot ang kilay ni Qin Ruo Xi. "'Wag ka nang magsabi ng kung ano ano Liu Ying. May rason siguro si Ah-jiu kung bakit niya ginagawa iyon."

"Rason?" Umiling si Liu Ying. "Matalino naman si master noon at karespe-repeto rin. Importante ang lahat ng misyon na binibigay niya sa mga bodyguards ngunit ngayon, pilit niya kaming inutusan na pumunta sa bar para lang protektahan si Ye Wan Wan! Papatayin ko na sana siya kung hindi lang dahil kay master!"

Lumabas ang namumuong galit sa mga mata ni Liu Ying nang sinabi niya ito.

"Masyado kang madaldal, Liu Ying," sabi ni Qin Ruo Xi.

"Masyado ka lang mabait, Miss Ruo Xi!" Ayaw pakawalan ni Liu Ying ang galit na nararamdaman niya. "Sinasabi ko lang ang totoo. Ano ba ang tingin niya sa sarili niya? Anong laban niya sayo, Miss Ruo Xi?! Magkakagulo lang ang buong sambahayang Si, kapag siya ang naging future mistress! Lagi kang nagpa-paubaya kay Ye Wan Wan kaya lalo rin siyang sumasahol. Kailangan mong ipakita sa kanya Miss Ruo Xi, kung sino ang karapat-dapat maging mistress ng sambahayang Si at kung sino talaga ang gusto ni master. Binubulag ng babaeng ito si Master kaya Miss Ruo Xi, kailangan mo nang magsalita…"

"Tumpak ang sinabi mo, Kaiptan Liu Ying. Ano nga naman ang mga naging misyon natin noon? 'Wag nating pansinin yung misyon natin nung nakaraang araw, na pinapunta kami ni master sa bar para protektahan ang isang lasing at baliw na babae. Siya na nga ang nanakit sa mga tao tapos si Kapitan Liu Ying pa ang pinarusahan? Anong kalokohan ito?" Sumabad ang lider ng Dark Team 3.

Sumimangot si Qin Ruo Xi. "May galit kang kinikimkim, Liu Ying. Gamitin mo ito sa assessment kapag lumaban ka na. Sa susunod, 'wag ka na masyadong magreklamo. Hindi kita mapo-protektahan kapag narinig ito ni Ah-jiu."

"Miss Ruo Xi..."

Umentra kaagad si Qin Ruo Xi nung may sasabihin sana si Liu Ying. "Naniniwala ako na may rason si Ah-Jiu sa ginagawa niya."

次の章へ