webnovel

Kapag may nangyaring mali

編集者: LiberReverieGroup

"Tama… tama 'yon… tama tama…'yung…'yung sinabi…. Sinabi niya… tama!"

Walang tigil na tumango ang pihikang bodyguard at mautal muling sinabi. "Gu… gu… gusto kong… luma… lumab…. Lumaban sa posisyong… team… team leader…. ngayon…"

"P*ta… Sabi niya po gusto niyang lumaban para makuha ang posisyong team leader. Naging tunguhin at pangarap niya 'yon; umaasa po siyang kukunin siya ni Miss Wan Wan na maging disipulo niya at tulungan siyang makamit ang pangarap niya!" tumulong na ang isang naiinip na nanonood na tapusin ang sinasabi niya.

"Tama… tama… tama po 'yon… siya… siya… tama po siya!" walang tigil pa din ang pagtango ng nauutal. "Miss… Wan… Wan Wan… pakiusap po…"

May malamig na pawis na ang nag-umpisang mamuo sa noo ni Ye Wan Wan. "Teka teka teka lang…. Gusto niyong kunin kayo bilang disipulo ko? May hindi ba kayo naintindihan sa 'kin?"

Lahat, kasama si Eleven at ang bodyguard na nauutal, ay sabay-sabay na umiling.

Hindi naman, 'di ba?

Nagkamali sila ng pagkakaintindi sa nakaraan niya, pero ngayon malinaw na ang lahat.

Seryosong sabi ni Eleven, "Miss Wan Wan, seryoso po talaga kami. Ilang taon na akong nag-eensayo sa martial arts at naka-abot na sa bottleneck - hindi na ako makaunlad kahit anong gawin ko. Magaling ang pandama ni Miss Wan Wan at kahit na nakailang palitan lang ng galaw lang sa 'yo, nakatulong ito sa 'kin. Kung handa po si Miss Wan Wan na kunin ako, at bigyan ako ng isa o dalawang payo, tatanaw po ng utang na loob si Eleven!"

Hindi makapagsalita ang nauutal pero buti na lang nasabi na ng captain ang lahat ng nais na sabihin, kaya tumango na lang siya. "I… tulad ng captain Eleven, paki… pakiusap….pakiusap po… Miss Wan Wan… pumayag po kayo…! Gusto… gusto kong maaging malakas!"

Hindi pa din natatauhan si Ye Wan Wan mula sa transpormasyon sa pagiging "kung fu teacher" nang nag-umpisa na magmakaawa ang sarili niyang coach at bodyguard na kunin sila bulang disipulo niya. Nablanko ang utak niya.

"Ang problema… ay wala akong alam dito. Hindi ko ba kayo ililigaw sa progreso niyo ngayon?" sagot ni Ye Wan Wan na may sakit ng ulo.

Yumuko si Eleven at nalungkot. "Tingin ba ni Miss Wan Wan na hindi ako ganoon kagaling?"

Ye Wan Wan: "...huh?"

Naging mahinanng manok lang ako; bakit naman iisipin ko na hindi magaling ang captain na 'to?! San niya 'to nakukuha?

Naramdaman ni Ye Wan Wan na kalokohan na ang sitwasyon na 'to at ayaw niyang sumang-ayon, pero hindi niya nakayanan ang pangungulit ng dalawa, at sa huli, wala na siyang magawa kundi sabihin: "Sige, pumapayag na 'ko."

Nang marinig ang sinabi ni Ye Wan Wan, nasiyahan ang dalawa at gustong ipahayag ang pasasalamat nila pero pinigilan sila ni Ye Wan Wan.

Mahigpit na sinabi ni Ye Wan Wan, "Pero gusto ko muna linawin - hindi ako sigurado sa sarili ko, kaya hindi ko mapapangako na matuturuan ko kayo. Napilitan lang ako dito at kung may nangyaring mali, hindi niyo ako pwedeng ireklamo sa master Si Ye Han niyo!"

"Teacher, masyado po kayong mapagkumbaba!" sabik na sinabi ni Eleven.

Matapos na maranasan ang nakakatakot na lakas ni Ye Wan Wan, sinong maniniwala na hindi siya sigurado sa ginagawa niya?

"Miss Wan Wan, gusto...gusto din po sana namin ng guro..."

Bigla na lang sabik na umabante ang lahat ng bodyguard.

"Sige, pag-uusapan ulit natin 'to pagkatapos 'tong ayusin. Hindi kakayanin ng guro ang madaming disipulo muna." agad na sinabi ni Eleven.

Nang marinig ito, napasimangot ang mga bodyguard at hinayaan na lang ito. Lahat sila ay nagsisisi na nag-alinlangan at hindi agad umabante para kunin ang oportunidad na nasa harap na nila.

次の章へ