webnovel

Hindi pwedeng makipag-away

編集者: LiberReverieGroup

Napagtanto rin ito ni Eleven habang desperado at takot na siya.

Hindi siya makapaniwala na ang mabait na babaeng ito ay biglang nagbago bilang isang dakilang mamamatay tao at naging isang nakakatakot na nilalang.

Hindi pwede na umarte lang siya noong bumiyahe sila patungong country B noon.

Gulat na gulat ang itsura nilang lahat, hindi nila maintindihan na ang taong kaharap nila ay ang mabait at makulit na babaeng kasama nila sa bahay.

Bago gawin ang ni Ye Wan Wan ang huli at nakamamatay niyang atake, umentra si Xu Yi at pinagtanggol niya si Eleven, "'Wag! Miss Wan Wan!"

Napahinto si Ye Wan Wan. Nagdalawang isip siyang umatake habang nakatitig sjya kay Xu Yi.

Nakahinga na ng maayos si Xu Yi. "Wan…"

Gayunpaman, bago niya matapos ang sasabihin niya, pinatalsik siya ni Ye Wan Wan nang bigla niyang sinipa si Xu Yi sa ere.

Nahulog sa lapag si Xu Yi at nalaglag siya sa tabi ni Liu Ying.

"Xu Yi! Leche naman…" Nanigas ang buong katawan ni Eleven nang makita niyang palapit ng palapit si Ye Wan Wan sa kanya habang nakatingin ng masama ang babae.

"Swish——" hindi na kailangan ng babae ng armas dahil ang apat niyang biyas ay mas matalim pa kumpara sa mga matatalas na armas.

Ang matalas na atake ay nanggaling sa mga kamay ni Ye Wan Wan kaya kumaskas ang ngipin ni Eleven sa sobrang sakit. Pilit na lamang siyang tumayo para subukang sanggain ang mga atake ni Ye Wan Wan.

Naglaban ulit silang dalawa...

Si Ye Wan Wan ay umaatake habang si Eleven ay dumedepensa lamang sa sarili.

Ngunit hindi rin nagtagal ang adrenaline rush na naramdaman ni Eleven dahil muntikan na siyang mamamatay - unti-unti nagkamali ang bawat depensa ni Eleven habang nakikipaglaban siya at hindi na niya kayang lumaban pa. Lumakas naman ang kagustuhang pumatay ng babae. Tinapos niya ito gamit ang isang nakamamatay na suntok sa dibdib ni Eleven...

Hindi makatayo ng maayos si Eleven at napapikit na lamang siya sa sobrang desperado niyang mabuhay...

"Miss Wan Wan!" Sumigaw ng malakas si Xu Yi dahil sa natatakot siya sa mga mangayayari.

"Eleven!" Nag-iba ang mga istura nila Song Jing at Liu Ying.

Sa oras na iyon, may malakas na tunog at mahigpit na pwersang humawak sa katawan babae.

Parang huminto ang oras sa pagkakataong iyon.

Hindi nangyari ang inaasahan ni Eleven na lubhang sugatan na.

Binuksan niya ang kanyang mata at nakita niya ang isang matagal at mapayat na lalaki na biglang dumating sa bar. Nakatayo siya sa harap ng ilaw at ang kamao niya ay mahigpit na nakakapit sa palad ng babae, pinigilan niya ang nakamamatay na suntok nito.

Parang dinala ng hangin at snow ang katawan ni Si Ye Han sa lugar na iyon dahil biglang lumamig ang buong paligid. Tiningnan niya ang mga guwardiyang nakahiga sa lapag at huminto ang mga mata niya sa babaeng kaharap niya. Napakatigas ng kanyang mukha habang nakatingin siya sa babae.

"9th… 9th master…" napatingin si Xu Yi at ang iba kay Si Ye Han.

Mukhang matamlay si Ye Wan Wan nang tiningnan niya ang kanyang kamay na pwersadong pinigilan ni Si Ye Han. Sinundan niya ng tingin ang malamig na balikat ng lalaki hanggang sa makita niya ang mukha ng lalaking kaharap niya. Makikita ang anino ng lalaki sa itim at bakante niyang mata.

Mukhang ayaw ng babae ang pakiramdam na kinukulong ang kanyang ginagawa kaya mabagsik siyang napakunot dahil lubha siyang nagalit.

Si Xu Yi at ang iba ay kabadong nakatingin sa dalawa nang makita nila ito. "9th master! Mag-ingat ka! Hindi si Miss Wan Wan 'yan…"

Tiningnan ni Si Ye Han ang mabagsik na babae. Parang may namumuong bagyo sa kanyang mga mata habang pinipigilan niya ang kanyang galit. Bigla niyang puwersadong pinigilan ang kamay ng babae at matapos ang ilang segundo, niyakap niya ang babae sa mainit niyang katawan habang nakatingin ang lahat sa kanila. Biglang nagsalita nang malamig na tono ni Si Ye Han: "Hindi ba't sinabi ko na sayo noon na bawal kang makipag-away?!"

次の章へ