Naramdaman ni Si Ye Han na parang napaka-tagal ng panaginip niya kung saan ay walang bakas ng kahit anong ilaw sa paligid at kahit maglakad siya ng maglakad, hindi niya mahanap ang dulo ng dinaanan niya.
Para bang kakainin siya ng buo ng kadiliman...
Ang init lamang ng kanyang mga palad ang nag-udyok sa kanya na 'wag huminto at magpatuloy lang sa paglakad...
Matapos ang hindi siguradong tagal ng kanyang biyahe, sa wakas ay nakatakas na siya sa kadiliman at kahit papano ay nakakita siya ng katiting na ilaw...
Pagkabukas ng kanyang mga mata, nasilayan niya ang pagsikat ng araw sa nag-aalalang mukha ng babae.
Tinanong siya ng babae kung natandaan niya ang pinangako niya kagabi.
Paano ko makakalimutan 'yon?
Sinabi mo sa akin na kailangan ko pang mabuhay...
Sa puntong iyon, tumaas ang kilay ng babae na tila nagulat siya - nagulat siya dahil natandaan ng lalaki ang pinangako nito.
Ang matalas niyang mga mata ay parang ilaw ng buong mundo.
Makikita ang mapanlinlang na pakiramdam sa mata ni Ye Wan Wan habang papalapit siya sa lalaki at sinabi niya, "Edi… natatandaan mo pa ba ang ibang mga sinabi mo?"
Hindi maiwasan ni Si Ye Han na haplosin ang pilikmata ng babae na tumutuklap na parang butterfly. "Anong sinabi ko?"
Naging mapanlinlang ang itsura ng babae. "Sinabi mo na… ibibigay mo sa akin ang kahit anong gusto ko! Nahihilo ka man sa sakit mo pero hindi lang 'yon ang sinabi mo sa akin kagabi, sinabi mo rin na… mahal na mahal mo ako kaya hindi ka na makikinig sa sarili mo simula ngayon; sinabi mo na papakinggan mo ang kahit anong sasabihin ko at susunod ka sa akin…"
Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan dahil tahimik lang siyang tinititigan ni Si Ye Han. "Ano? Hindi ka naniniwala sa akin? Sa tingin mo na nagsisinungaling ako sayo?"
Ang tono man ng pananalita ni Ye Wan Wan ay parang makatotoo pero isang parte lang ng sinabi niya ang totoong sinabi ni Si Ye Han.
Ang mga mata ni Si Ye Han ay parang mahinang ihip ng ere na gumagawa ng mga munting alon sa tahimik na lawa, at sinabi niya, "Hindi… hindi ko kayang sabihin ang mga iyon."
Natameme si Ye Wan Wan nang marinig niya ang sinabi ni Si Ye Han...
Huh? Hindi niya kayang sabihin ang mga iyon?
Hinawakan muli ni Ye Wan Wan ang noo ni Si Ye Han. Akala niya nahihilo na naman siya dahil sa lagnat.
Sinadya ko ngang lokohin siya pero nahuli niya pa rin ako? Sinabi niya pa na hindi niya sasabihin ang mga malalambing na salitang iyon?
Sayang naman kung hindi ko siya pagti-tripan. Napaisip si Ye Wan Wan at nagpatuloy siyang magsalita: *ehem* "Kailangan mo pa ring tandaan ang pangako mo at gawin ito."
At biglang may kumatok sa pintuan.
Si Xu Yi ang kumatok at nakatayo siya sa may pintuan. "9th master, Miss Wan Wan…"
"May problema ba, Housekeeper Xu?" Tanong ni Ye Wan Wan.
Nagaalalang tiningnan ni Xu Yi ang master niyang nakahiga sa kama. "Miss Wan Wan, yung kalusugan ni 9th master ay…"
"Wala na siyang lagnat," sagot ni Ye Wan Wan.
Nakahinga na ng maayos si Xu Yi ngunit mukhang nasa mahirap na sitwasyon siya, hindi niya tuloy masabi ang gusto niyang sabihin. Pagkatapos niyang mag-isip isip, nagdesisyon siya na magsalita na lang: "Matagal nang naghihintay sa labas si Miss Ruo Xu at si Director Xue. May importanteng dokumento na galing sa Shen City na kailangan ng pirma ni 9th master…"
Biglang naging nanlamig ang ekspreson ni Ye Wan Wan, kanina'y malambing pa ang itsura niya, ngunit nag-iba ito nang marinig niya ang sinabi ni Xu Yi.
Nasa kaalaman ni Xu Yi ang kondisyon ni Si Ye Han ngunit obligado siyang ireport ito at hindi niya ito pwedeng itago na lamang, kaya kumuha sita ng lakas ng loob para tumungo sa kwarto ni master.
Humarap si Xu Yi kay Si Ye Han, hinihintay niya ang iuutos nito, "9th master, tingnan niyo po kung…"
Dahan-dahang umupo si Si Ye Han, pumatong siya sa may headboard at napatingin muna siya sa maliit na mukha ni Ye Wan Wan bago mapunta kay Xu Yi ang tingin niya at kaswal niyang sinabi, "Hindi mo ko kailangan konsultahin."
"Ito po ay…" medyo nagulat si Xu Yi.
Kung hindi siya, sino pala ang ikokonsulta ko para dito?
Matigas ang mukha ni Ye Wan Wan at sinabi niya ng walang kibo, "Ako ang konsultahin mo!"
Xu Yi: "...ah?"