webnovel

Matukoy ang kanyang buhay o kamatayan

編集者: LiberReverieGroup

Matapos marinig tungkol sa kondisyon ni Si Ye Han, halos lahat ay suportado sa organ transplant.

Sa ganito kalaking angkan tulad ng mga Si, hindi peroblema kung kailangan nila ng pangkabuhayang pangtustos ng mga organs, mapa-isa man o dalawa.

Natakot ang lahat tungkol sa kritikal na kondisyon ng master at nag-aalala kung anong mangyayari kapag bumagsak si Si Ye Han, guguho ang pamilya, at kung paano maaapektuhan ang mga interes nila. Iniisip lang nila kung paano mabilis na mapapahaba ang buhay ni Si Ye Han.

Gayunpaman, walang nag-isip kung paano makakaya ng mahinang katawan ni Si Ye Han ang mapapadalas na operasyon o makakayanan ang sakit. At para saan ang lahat ng 'to? Halos makakamit niya lang mamuhay ng ilan pang mga taon.

Sa nakaraang buhay ni Ye Wan Wan, naging magulo sa huli ang mga Si dahil sa wala ng lakas si Si Ye Han para kayanin ang mga isyu sa kanyang sakit.

"Old madam, tito Rong, maghanap na po kayo ng organs para kay master agad!"

"Tama! Kung hindi, sa kondisyon pa ni master, baka kung ano pa ang mangyari anumang oras, magiging magulo ang mga Si!"

"Natatakot ako na baka nalaman na agad ang balita ng mga angkan at mga makapangyarihan na binabantayan ang mga Si!"

Sa gitna ng gulo, nag-isip ng matagal si Si Ming Rong bago magsalita, "Hipag, ano ang desisyon mo?"

Nanginig ang mga kamay ng old madam habang nakahawak sa kanyang mga perlas na Buddha. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata.

Kapag hindi pumunta sa operasyon si Ah-Jiu, may natitira na lang siyang anim na buwan para mamuhay, pero dahil na nanghihina na nga ang mga organ niya, pwede na siyang mamatay anumang oras.

Gayunpaman, kapag tumuloy si Ah-Jiu sa operasyon, mayroon pa siyang ilang mga taon at sa loob ng mga taon na 'yon, baka kailangan niyang pagtiisan ang sakit at paghihirap sa madaming operasyon. Tsaka ang posibilidad ng pagtanggi ng transplant at mga iba't ibang klaseng epekto matapos ang operasyon, kasama na din ang bigat ng katawan...

Hindi siya makagawa ng desisyon pero wala na siyang magagawa pa.

Gusto niyang mamuhay si Ah-Jiu kahit ano pa ang mangyari, kahit na ilang araw lang...

Maya maya, namulat na ang mga mata ng old madam at matamlay na nagsalita, "Aakto tayo… base sa mga sinabi niyo…"

Inaasahan na ni Si Ming Rong ang desisyon na 'to kay old madam. Huminga siya ng malalim at hindi na nagsalita.

Sumabad ang lahat: "Ayusin na agad natin ang operasyon! Hindi na natin 'to pwede pang ipagpaliban!"

Kumislap ang mga mata ni Si Ming Li, "Habang nasa operasyon ang master, kapatid, ang mga nakakatanda at ako ay aayusin ang mga bagay-bagay sa kumpanya at sa angkan. Master, hindi mo na kailangan pang mag-alala! Alagaan mo ang kalusugan mo!"

Tsk, 'di na kailangan pang mag-alala?

Sinasamantala ng mga taong ito ang malalang sakit ni Si Ye Han at nag-umpisa nang magsikap para sa kanila lang.

Sa gilid, nakatingin si Ye Wan Wan kay Si Ye Han. Ilang beses lang siyang nagsalita sa meeting, hinahayaan ang mga matatanda na matukoy ang kanyang buhay o kamatayan, ang kanyang kapalaran.

Alam niyang papayag si Si Ye Han sa operasyon.

Sa nakaraan niyang buhay, pinili niya din ang operasyon.

Kaya imposible na umasa kay Si Ye Han na tumanggi sa desisyon ng mga matatanda.

Kapag buo na ang desisyon, kailangan pagdaanan ulit ni Si Ye Han ang lahat ng nangyari sa nakaraan niyang buhay...

Kakaiba ang pangangatawan ni Si Ye Han, kaya mayroon siyang kaso ng seryosong transplant rejection.

Mula sa ng mga operasyon at transplant rejection, hindi na kayang ibalik ni Ye Wan Wan ang kalusugan ni Si Ye Han kahit anong hirap pang pagdaanan niya.

Ligtas ang buhay niya ngayon, pero para sa ilang mga taon lang...

Matapos ang pagtango ng old madam at tahimik na pagsang-ayon ni Si Ye Han, nag-umpisa nang mag-usap ang lahat sa mga iba't ibang bagay tungkol sa operasyon.

Tumayo si Si Ming Rong at sabi, "Tutal wala namang tumututol dito, napagdesisyunan na ang operasyon ng master. Kasunod nito…"

Nang tumayo si Si Ming Rong para magsalita, may isang malamig at malinaw na boses ang nanggaling sa gilid ng kwarto——"Tumututol ako!"

次の章へ