webnovel

Ayoko maging balo

編集者: LiberReverieGroup

Yumuko si Ye Wan Wan at ayaw niyang banggitin kay old madam at Dr. Sun ang kakayanan niyang patulugin si Si Ye Han, kasi kung iisipin mo, masyado nang maraming walang kasiguradohang pangyayari sa isyu ni Si Ye Han at lalo na't, hindi pa tiyak ang sagot ni Dr. Sun kanina.

Kailangan niyang subukan ang kakayahan niyang iyon kung gagana man ito o hindi.

Nagreseta ulit ng medikasyon si Sun Bai Cao kay Si Ye Han bago siya nag buntong hininga at umalis sa lugar na iyon. Parang lalong tumanda ng ilang taon si old madam sa sobrang pag-aalala, nang hinatid niya palabas ang doktor habang warak ang kanyang puso sa balitang ibinigay sa kanila.

Sa isang saglit, si Ye Wan Wan at Si Ye Han na lamang ang natira sa kwarto.

Nakakasakal sa sobrang katahimikan sa bahay na para bang nakakulong at walang hangin na pumapasok dito.

Tahimik pa rin na nakahiga ang lalaki sa kama. Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon niya, kahit sinabihan na siya na anim na buwan lamang ang natitirang oras niya.

Ilang beses na bumuka ang bibig ni Ye Wan Wan na para bang, gusto niyang magsalita pero walang lumalabas.

Nagulo ang katahimikan dahil sa phone na nag-ring.

Kinuha ni Si Ye Han ang phone na nakalagay sa gilid niya. Ang boses niya ay rasyonal, kalmado at maliwanag tulag normal niyang pananalita: "Hello? Oo, ako iyon."

"Kamusta ka, Mr. Smith?"

"Salamat sa concern mo, hindi naman masama ang kalagayan ko ngayon."

"Siyempre, magpapatuloy pa rin ang negosasyon."

"O sige, sa susunod na tatlong araw.."

...

Patapos na sana si Si Ye Han sa pakikipagtawagan nang biglang hinulog ang kanyang phone at nalaglag ito sa lapag kaya maririnig ang malakas na "bag", kaya narinig rin agad ang "beep beep beep" na tunog dahil nawala ang koneksyon ng linya kay Si Ye Han.

Kasi, pa-simpleng naglakad papunta sa kanya si Ye Wan Wan, hinablot ang kanyang pupulsuhan at galit siyang tiningnan ng babae. Kinaskas niya ang kanyang ngipin sa sobrang galit at malinaw niyang sinabi, "Si Ye Han! Pinakinggan mo ba ang bawat salitang sinabi sa iyo ni Dr. Sun?"

Sa may pintuan kung saan hinatid palabas ni old madam si Sun Bai Cao. Narinig niya ang katawagan ng apo niya, nalungkot siya at habang naghahanda siyang magsalita, nakita niyang sinugod na ni Ye Wan Wan si Si Ye Han na parang maliit halimaw kaya hindi niya naiwasang mapahinto at manood.

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang walang emosyon na mukha ni Si Ye Han. "Anim na buwan na lamang ang natitirang panahon ng buhay mo! At umaasta ka pa na parang walang nangyayari? Lahat ng trabahong ito, ang mga proyekto, mas importante pa ba ang mga ito sa buhay mo? May pakialam ka ba sa kalusugan mo???!!"

Nanahimik ng ilang segundo si Si Ye Han at kalamado siyang sumagot, "Alam ko ang limitasyon ko."

Galit na natawa si Ye Wan Wan. "Ha! Alam mo ang limitasyon mo? Anong limitasyon ba ang tinutukoy mo? Titigil ka lang ba kapag nanghina na ulit ang katawan mo at sumuko na sayo ang mga laman loob mo, tapos ipapa-opera mo ang mga ito? Tapos hihina ka ulit at masisira na naman ang laman loob mo hanggang sa mawalan na ng dugo ang buong katawan mo?"

Huminga ng malalim si Ye Wan Wan para kahit papaano ay kumalma siya. "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni lola? Kailangan mo pa rin pangalagaan ang buhay mo kahit pa kailangan kang maging malakas ng pamilya mo. Naisip mo na ba ang mangyayari kay lola kapag namatay ka? Handa ka na bang panuorin ka niya ang pagkamatay mo?"

Matagal na napahinto si Ye Wan Wan bago siya magpatuloy na dahan-dahang magsalita: "Kahit hayaan mong magtrabaho ka hanggang sa manatay ka at hayaan mo ang sarili mong manghina at gumawa ng mga pagkakamali, kahit marami ka pang mga bagay na kailangang ayusin, paano mo magagawa ito ng patay ka na? Hinding… hindi mo ba gustong alagaan ang buhay mo?"

Tinitigan ni Si Ye Han ang mukha niya. Dahan dahan niyang tiningnan ang mga mata ni Ye Wan Wan na umaalab sa sobrang galit.

Nabigla si Ye Wan Wan. Bumalik siya sa tamang pag-iisip, napa-talikod siya at pinunas ang kanyang mga luha. "Ayoko maging balo, Si Ye Han!"

次の章へ