webnovel

Isang kalapating naninirahan sa pugad ng magpie

編集者: LiberReverieGroup

Nagdilim ang itsura ni Fang Xiu Min nang makita ang magandang mukha ni Ye Wan Wan at sabay lingon ka anak niyang si Liang Shi Han.

Kung panget si Ye Wan Wan, ano pa ang anak ko?!

Kumikibot pa din ang gilid ng labi ni Fang Xiu Min nang tignan siya ni Ye Wan Wan nang nakakitid ang kanyang mga mata. Sabi niya ng may pekeng ngiti:

"Tita, tingin ko tama yung mga sinabi mo ngayon lang."

Nagulat si Fang Xiu Min at hindi maalala ang kanyang mga sinabi.

Ngunit, si Liang Shi Han, na nagising na sa kanyang diwa, ay nagpakita ng kaunting pagseselos sa kanyang mga mata ng makita ang nakakabighaning itsura ni Ye Wan Wan.

Paano 'to posible?

Paano naging maganda si Ye Wan Wan?

Ang daya nito!

Naalala ni Liang Shi Han ang sinabi ni Fang Xiu Min at agad na nangyamot, "Ye Wan Wan, kung ito naman ang kaso, bakit hindi mo pa din kinukuha yung mga magulang mo?"

Sinasambit ni Fang Xiu Min kung paano nawalan ng pake si Ye Wan Wan sa magulang niya at pinilit pa silang patirahin sa bahay ng iba.

Kung tingin ni Ye Wan Wan na tama yung sinabi ni mama, dapat kunin niya na ang magulang niya!

Tinitigan ni Liang Shi Han si Ye Wan Wan, tuwang-tuwa siya sa kanyang sarili at hinintay ang sagot ni Ye Wan Wan.

Anong silbi ng ganda niya?

Wala pa din siyang kwentang flower vase!

Marahang ngumiti si Ye Wan Wan sa hambog na itsura ni Liang Shi Han at mas lalo pang lumawak ang ngiti nito. Bahagyang kumiling ang ulo niya at tumawa, "Hindi ba dapat ikaw, pinsan, ang kunin ang mga magulang mo?"

Nagulat sina Fang Xiu Min at Liang Shi Han sa sinabi ni Ye Wan Wan.

"Ye Wan Wan, anong sabi mo?!" Sa sandaling iyon, biglang tumayo si Fang Xiu Min at galit na pinanduruhan si Ye Wan Wan.

Nginitian lang sila ni Ye Wan Wan at may lamig na kumislap sa kanyang mga mata. "Tita, mula ng ikinasal ka kay tito, naninirahan na kayo sa bahay namin. Dalawampung taon na."

Hindi na inantay pa ni Ye Wan Wan na sumagot si Fang Xiu Min at agad na sinabi, "Hindi mayaman ang pamilya namin at wala din kaming malaking bahay. Matapos na dumating si Shi Han, mas lalong dumami ang tao sa bahay, at dahil dito, hindi kami makauwi ng kuya ko sa amin at kailangan manirahan sa malayo. Ngayon lang, maganda ang mga sinabi ni Shi Han at sabing kukunin kayong dalawa ni tito para hindi na makaistorbo sa iba. Maganda 'yon! Makakauwi na kami ng kuya ko sa bahay namin kasama sila mama at papa."

"Ye Wan Wan, anong pinagsasabi mo dyan?" masama ang tingin ni Fang Xiu Min kay Ye Wan Wan at sabing, "Halata naman na ang magulang mo ang nakatira sa bahay NAMIN!"

Hinarap ni Ye Wan Wan ang galit na galit na si Fang Xiu Min at napangisi ito ng malaki. "Tita, matanda ka na at nakalimutan mo na siguro. Bago pa kayo ikasal ni tito, pareho kayong mahirap. Hindi lang yung pagbili ng bahay, pati yung kasal niyo ay ang magulang ko ang nag-asikaso n'on at ang bahay na tinitirahan niyo ay binili ng papa ko mismo, kaya pansamantala kayo ni tito pinatira doon.

"Pero matapos n'on, para wala kayong balak umalis doon at walang masabi din ang magulang ko sa inyo. Tutal, magkamag-anak tayo--halata naman na hindi magagawa ng magulang ko ang magpalayas ng sariling kamag-anak namin, at ni sentimo wala silang siningil sa loob ng dalampung taon.

"Pero, napag-desisyunan kong magsalita nang marinig kong baka umalis sila tito at tita dahil sa sinabi ni Shi Han ngayon lang. Kung malakas talaga ang loob ni Shi Han, edi bilang ate niya, nakakatuwa din 'yon."

Nang masabi iyon, tinignan ni Ye Wan Wan si Liang Shi Han at tinignan ito na parang walang kumpiyansa. "Pero, sa nakikita ko, walang abilidad si Shi Han gawin 'yon ngayon… tutal, naninirahan siya sa bahay namin at hindi pa din umaalis, kaya bakit naman siyang magsasalita tungkol sa pagkuha ng magulang niya?"

次の章へ