Kumibot ang mga labi ni Ye Wan Wan sabay tiningnan niya ang maputlang mukha ni Lin Hao, nagpatuloy siyang magsalita, "Pero artista siya na hawak ni director Zhou!"
"Ano po? Pwede akong magpatalsik ng artista na mas mababa pa sa B-list?"
"Sige, salamat ng marami, chairman Chu…"
Hindi nakapag timpi si Lin Hao nang marinig niya iyon, kaya nagmamakaawa siyang lumapit kay Ye Bai. "Ye… manager Ye! Mali ako! Masyado akong naging malupit sa kanya! Mali na binastos kita! Please… please bigyan mo pa ako ng isang tsansa pa! Hindi na kita babastusin sa susunod!"
Walang bahid ng pagiging arogante ang makikita kay Lin Hao kahit na nag pa-panic na siya.
Para bang martilyo na pumupukpok sa ulo niya ang tawagan nila Ye Bai at chairman Chu.
Simula noong sumikat siya, maraming baguhan sa industriya ang sumisip-sip sa kanya para mapalapit ang mga ito sa kanya at lumaki ang kanyang ulo dahil doon. Nakalimutan niya na C-list na aktor lamang siya.
Gayunpaman, inilagay sa posisyon na manager ni chaian Chu si Ye Bai. Kahit si Zhou Wen Bin ay umiiwas sa gulo, kaya hindi niya sinusubukang guluhin si Ye Bai. Ikinonsulta na ni Ye Bai si chairman Chu para makuha niya si Luo Chen, ngunit ayaw pakalawan ni Zhou Wen Bin si Luo Chen at nais niya pang ipalit si Lin Hao para kay Luo Chen. Malamang sa nangyari ngayong araw, iiwan ni Zhou Wen Bin si Lin Hao para lang makaiwas siya sa gulo.
Kahit anong oras, pwede niya akong patalsikin!
Pinilit ni Ye Wan Wan ngumiti nang mapatingin siya kay Lin Hao. "Hindi ako ang dapat pag-hingan mo ng tawad."
Nandilim ang itsura ni Lin Hao habang humihigpit ang kanyang kamao. Sa wakas, humarap siya kay Luo Chen at dahan dahan niyang sinabi, "Senior Luo Chen, I'm sorry. Patawarin mo ako!"
Pagkatapos ay kabado siyang humarap kay Ye Wan Wan. "Pwede na ba iyon Ye-ge? Pakisabi naman kay chairman Chu na natuto na ako sa mga pagkakamali ko!"
Kuntento na si Ye Wan Wan sa nakita niya kaya nilabas niya ang kanyang phone at nilagay sa harapan ni Lin Hao.
Nakita ng lahat at pati si Lin Hao ang nasa contacts directory ng phone--nakita nila na walang tinawagan si Ye Wan Wan kani-kanina lang...
Bumuka ang bunganga ni Lin Hao sa sobrang gulat habang blangko siyang nakatingin sa phone ni Ye Wan Wan. Nang bumalik ang malay tao niya, nag kulay atay ng baboy ang buong mukha niya.
Ni… niloko mo ako!!!
Lecheng Adonis na ito, niloko niya ako na parang unggoy!
Muntik nang sumabog ang kanyang lalamunan dahil gusto niyang magmura pero natigil siya nang makita niya ang malamig na titig ni Ye Bai. "Babala palang ito."
Kapag sinubukan pa ulit na galitin ni Lin Hao si Ye Bai, tatawagan niya talaga si chairman Chu.
Kung tinawagan niya talaga si chairman Chu...
Kinabahan si Lin Hao sa naisip niya, kaya nanahimik na lamang siya. Umalis siyang pinagtutulak ang mga kumpol ng tao at bigla siyang naglaho na parang bula.
Parang mga ibon na nagsi-alisan ang lahat at hindi nila sinubukang manlaban nang makita nila ang tactics ng bagong manager.
Mas mababa ang mga taong umalis, kumpara kay Lin Hao, kaya natakot talaga sila.
Nasilayan ni Luo Chen ang buong film studio at napatingin rin siya sa manager niya na hindi nag-aalala. Nakaramdam ng init sa balikat si Luo Chen nang hawakan siya ni Ye Bai...
Sanay na siya sa pangangasar ng mga tao pero, ito ang pinaka-unang beses na may dumepensa sa kanya na isang walang kwentang tao...
Nang makita nila ang atake ni ng baging manager na si Ye Bai kay Luo Chen, natakot ang cameraman na baka siya ang susunod na maya-yari ni Ye Bai. Pinunas niya ang malamig na pawis sa kanyang noo at sinabi, "Pa… pasensya na, nagpa-appointment ka kahapon pero kasi may mga baguhan na may urgent publicity needs at kailangan na agad nila na ma-picturan ASAP, kaya sila ang inuna ko!"
Wala sa intensyon ni Ye Wan wan na parusahan ang cameraman, hinila niya ang upuan at umupo, sabay nag-utos siya, "Magsimula na tayo!"
"Sige!" Nakahinga na ng maayos ang cameraman at inanyayahan niya ang lahat para makapag-ayos na. Gayundin si Luo Chen na dinala sa makeup room para palitan ang damit niya at aayusan na siya.