Hindi alam ni Han Xian Yu na mabibigla si Ye Wan Wan sa mga sinabi niya, pero nagpatuloy pa rin siyang magsalita, "Nilandi mo ako at si Xin-jie pero mas malala yung ginawa mo sa kaibigan mo; kinawawa mo ang tulad niyang matipunong lalaki. Wala ka namang ginawa sa kanya kagabi 'di ba?"
Ye Wanwan: "..."
Ako pala ang gumawa ng mga marka sa buong katawan ni Si Ye Han?
'Wag ka nang magsalita, umalis ka na dito...
Naramdaman ni Han Xian Yu na nakakaramdam na ng mali si Ye Bai, kaya binigay niya na lamang ang breakfast at umalis na siya.
Sa ilang saglit, si Ye Wan Wan at si Si Ye Han na lang ang natira sa apartment.
Pinag-isipan ni Ye Wan Wan kung susugod ba siya kay Si Ye Han para manghingi ng patawas sa kanya. Matagal na oras ang lumipas at hindi niya sinubukang iwan na magulo na lamang ang sitwasyon, kaya dahan-dahan siyang lumapit kay Si Ye Han at sinabi, "Baby… mali ako… ako pala yung nangi-ngi-bang bahay… napakasama ko… ako yung masakit sa mata…"
S***, anong gagawin ko...
"Alam kong nilabag ko ang kasunduan pero, tao lang ako na nagkakamali; wala namang perpektong tao. Lahat tayo ay nagkakamali, lahat…" Wala nang maisip na kasabihan si Ye Wan Wan, kaya ito na lang ang sinabi niya, "Mahal na mahal mo si Wan Wan! Kaya sana bigyan mo pa ng isang tsansa si Wan Wan?"
Nanlilisik sa lamig na tiningnan siya ng lalagi habang maputlang nakangiti ito sa kanya, halata naman kung anong nararamdaman niya.
Alam ni Ye Wan Wan sa mga oras na iyon na nasa loob siya ng malaking kaguluhan, kaya tinaas niya ang kanyang kamay at sinabi, "Gusto kong magsampa ng apila. Kagabi, naging mabait si Han Xian Yu para imbitahin ako sa isang party at ipakilala ako sa mga tao na nasa entertainment industry. Baby, alam mo naman ang mga party 'di ba?---kailangan mong uminom ng kahit konti lang at uminom lang ako para mapanatili ang lalaki kong persona, pero hindi ko inasahan na mabilis akong malalasing… at wala na akong matandaan pagkatapos noon… hindi ko talaga kayang hindi malasing kapag umiinom…"
Naging desperado si Ye Wan Wan nang makita niyang walang reaksyon si Si Ye Han. "Baby, ganito na lang ang gawin natin; simula ngayong araw, ako magiging unan mo na pwede mong magamit kahit saan at kahit kailan. Kasama mo ako pag nararamdaman mong inaantok ka na---ano sa tingin mo?"
Tiningnan siya patagilid ni Si Ye Han at walang emosyon itong nagsalita, "Hindi ba mas maganda kung ikandado kita sa kama?"
Nanginig ang munting puso ni Ye Wan Wan pagkarinig niya sa sinabi ni Si Ye Han. Halos mayanig ang kanyang ulo kakaisip kaya sinabi niya, "Ah… may pagkakaiba ito… mas matumal kapag naka-kandado ako sa kama…mas maganda kung… gawin na lang natin ang ibat-ibang posisyon… gawin natin ito sa dormitoryo… opisina… sa bahay… sa kotse… sa labas… hindi ba mas maganda iyon…?"
Si Ye Han: "..."
Tumalon papalapit sa kanya si Ye Wan Wan. "Wag ka na palang magalit, ha? Kahit lasing ako at wala ako kontrol sa sarili ko, hindi ba naging faithful ako sayo kahit wala ako sa katinuan? At hindi ba ikaw ang tumulong sa akin para makatulog ng maayos sa kama! Kahit lasing ako at wala ako sa tamang pag-iisip, ikaw pa rin ang pinili ko! Anong ibig sabihin nito? Ang ibig sabihin nito ay totoo ako sayo, ang puso ko ay para sayo lamang baby!"
Ang mga gilid ng labi ni Si Ye Han ay medyo gumalaw pataas.
Naging kalmado na ang itsura ni Ye Wan Wan kasi naisip niya na magandang senyales ang pinakita ni Si Ye Han. "Salamat baby! Ang bait mo talaga!"
Si Ye Han: "..."
Sinabi ko bang pinatawad ko na siya?
Hinawakan ni Si Ye Han ang baba niya at mapanganib siyang lumapit kay Ye Wan Wan at nagsalita na may diin ang bawat letra, "Ye Wan Wan, sa tingin mo ba, madali mo akong maloloko?"
Dahil nasa mapanganib na sitwasyon si Ye Wan Wan, hinalikan niya ang pisngi ni Si Ye Han, "Hindi, hindi! Baby, ang tali-talino mo at ang gwapo mo pa! Hindi ka madaling maloko, sinong nagsabi nun?! Masyado mo kasi akong minamahal kaya hindi mo ako kayang i-bully!"
Si Ye Han: "…"
——
Welcome sa klase ni Ye Wan Wan: Kailangan mong kapalan ang mukha mo para pakisamahan ang great devil!