Hindi tulad ng pangangatawan ni Han Xian Yu na sumailalim sa striktong proseso ng pagpapaganda ng katawan, umaangat ang pagka-rebelde sa hubog ng katawan ng lalaking iniisip ni Ye Wan Wan--perpekto na parang work of art ang lalaki dahil na rin siguro sa nararamdaman niyang libog na umaangat sa puso niya para sa lalaking iyon. Ngunit, ang mga mata ng lalaki ay kasing lamig ng yelo na kailanman ay hindi matutunaw...
Leche… lasing na ba talaga ako?
Andaming may itsurang mga tao dito pero, pinapantasya niya pa rin ang nakahubad na katawan ni Si Ye Han at yung pagkakataon na sapilitan siyang hinalikan ni Si Ye Han na para bang kakainin niya ang pagkatao ni Ye Wan Wan...
Tama na, Tama na! TIGIL!
Umiling ni Ye Wan Wan ang ulo niya para tanggalin ang malalaswang imahe sa kanyang ulo.
Gayunpaman, bumalik na si Han Xian Yu pagkatapos niyang lumangoy ng ilang laps at lumapit siya kay Ye Wan Wan habang tumutulo pa ang mga tubig sa kanyang katawan.
Pinasa sa kanya ni Ye Wan Wan ang tuwalya na galing sa katabi niyang upuan.
"Salamat," kinuha ni Han Xian Yu ang puting tuwalya at pinunas niya sa kanyang katawan. Pagkatapos, sinenyasan niya ang waiter para bigyan siya ng isang glass ng red wine.
Pagkaupo ni Han Xian Yu, may kulot-kulot na babaeng may suot ng pulang dress ang kabigha-bighaning lumapit sa kanilang dalawa na parang witch na nakasuot ng high-heels.
Tinapos niya ang mga pinapantasya ng mga babae sa party na iyon, tahimik niyang hinaplos ang abs ni Han Xian Yu.
"Aiya, little angel Xian Yu, gumaganda ang katawan mo!"
Ang walang malay na hinipuan na si Han Xian Yu ay biglang nanahimik nang makita ang babaeng ito. "Xin-jie!"
Lumaki ang mga mata ni Ye Wan Wan na medyo lasing na, noong nakita niya ang magandang babae na lumapit sa kanya.
Ang top actress na si Qiao Ke Xin!
Ay, mali, yung Qiao Ke Xin sa ngayon ay wala pang nakukuhang best actress award, pero malapit-lapit na rin ang award ceremony...
Isang magandang halimbawa so Qiao Ke Xin ng aktress na umasa sa kanyang kagandahan para magtagumpay sa entertainment industry--- isa siya sa mga dominante at malanding klase ng mga babae na lagi namang sumisikat. Ngunit dahil sa imahe niya, wala pa rin siyang nakukuha na disenteng parangal at ang edad niya ay nasa 30s na. Gayunpaman, maraming humuhusga sa kanya at iniinsulto rin siya ng mga ibang babaeng artista.
Natandaan ni Ye Wan Wan sa buhay niya noon na nakatanggap si Qiao Ke Xin ng Golden Orchid para sa best actress award.
Gusto ni Ye Wan Wan bilang artista si Qiao Ke Xin sa una niyang buhay. Kahit na malandi at marami siyang naging boyfriend noon, isa siya sa bilang na artista na totoo ang pag-uugali.
Oo na, naiinggit siya sa 3,000 harems ni Qiao Ke Xin; lahat ng boyfriend niya ay mas bata sa kanya pero napaka gwapo at may mamagandang itsura at pangangatawan...
Noon, may fan siya na nagmakaawa kung paano makakakuha ng isang lalaki, ang diskusyon na iyon ay malamang ipa-paulit-ulit ng isang taon sa mga VIP channels.
Sa mga oras na iyon, hinusgahan ni Qioa Ke Xin ang katabing lalaki ni Han Xian Yu at makikita sa mga mata niya na interesado siya. "Kaibigan mo ba yan, Han Xian Yu? Bakit ngayon ko lang isya nakita? Bakit hindi mo ko ipakilala ang gwapong little di di [1] na ito sa akin noon?"
Umangat ang ulo ni Han Xian Yu at tiningnan si Qiao Xe Rin, sabay diretso siyang sumagot, "Kaibigan ko ito si Ye Bai, may girlfriend na kasi siya eh."
Hindi nahiya si Qiao Ke Xin nang mailantad ang motibo niya, natawa na lamang siya habang malanding nakatingin kay Han Xian Yu. "Ano naman kung may girlfriend siya? Hindi ako interesadong maging girlfriend niya!"
Kinaskas ni Han Xian Yu ang puting tuwalya sa kanyang basang ulo, tiningnan niya si Qiao Ke Xin at kalmadong sumagot, "Oo nga pala, gusto mo lang siyang dalhin sa kama!"
Ngumuso at malanding nagprotesta si Qiao Ke Xin, "Ang sama sama mo~"
Sumagot si Han Xian Yu, "Xin-jie, ibang klaseng tao siya. 'Wag kang magkaroon ng maling ideya sa kanya."
Pagkatapos sabihin iyon ni Han Xian Yu, ang binatang katabi niya ay biglang sumagot, "Eh? Paano mo nasabi na ibang klaseng tao ako?! Malandi rin kaya ako!"