"Salamat, Ruo Xi. Ang ganda ng bangle," sinara ni Ye Wan Wan ang box at umarteng parang hindi niya naintindihan ang kahalagan nito.
"Basta nagustuhan mo," nang matapos si Qin Ruo Xi sa kanya, humarap siya kay Si Ye Han.
Nang tinignan niya si Si Ye Han ang kanyang pormal at malamig na pagtingin ay biglang naging masigla at magiliw, "Ye Han, may naayos na akong isyu sa Shen City, sabihin ko ang mga detalyo sa 'yo ngayong gabi."
"Salamat," walang bahalang sagot ni Si Ye Han sabay bawi ng tingin niya kay Ye Wan Wan.
Kakaiba ang itsura ni Ye Wan Wan ng tinignan niya si Qin Ruo Xi ngayon lang.
"Sinasabi mo lang ba 'yan o talagang nagpapasalamat ka?" tanong ni Qin Ruo Xi ng nakaangat ang kanyang mga kilay.
Sinulyapan ni Si Ye Han si Xu Yu at agad inilabas ang hinanda niya--isang bote ng mamahaling wine.
Kumislap ang mata ni Qin Ruo Xi sa nakita, "Ang alak na ang 7th brother mismo ang nag-ferment! Sinubukan kong ipagkasunduan 'yan sa sinaunang medikal na scroll na wala ng limbag at tinanggihan niya! Paano mo nakuha?"
"Nakuha ni Xu Yi."
"Inapi mo na naman si Xu Yi, laging pinapagawa ng mabibigat na mga gawain!"
Tahimik na nakatayo si Ye Wan Wan sa tabi ni Si Ye Han at pinanood ang dalawang masayang nag-uusap, na parang walang ibang kasama sa kwarto, kasama siya.
Maya-maya, ang masayahing boses ni Liu Ying ay narinig mula sa pintuan, "Ms. Ruo Xi! Kailan ka dumating?!"
Nagliwanag ang mukha ni Liu Ying ng makita niya si Qin Ruo Xi na parang bang dumating ang kanyang suporta.
Ngumiti si Qin Ruo Xi, "Kani-kanina lang. Rinig ko may natutunan kang bago sa boxing? Gusto mo mag-ensayo kasama ako?"
"Sige!" agad na sagot ni Liu Ying.
"Itong pilyong unggoy, nakahanap agad ng makakasuntukan pagkadating dito; hindi talaga babae!" reklamo ng old madam na bakas ang inis sa mukha, pero halata sa marahan niyang tono na wala itong pagsisisi.
Nadismaya siguro ang old madam sa pagpili ni Si Ye Han sa 'kin, isang babae na bigla na lang lumitaw sa kung saan, kaysa kay Qin Ruo Xi.
Pero makakabuti kay Si Ye Han ang may kalakip sa buhay, kung sino man, mabuti o masama, kaysa sa ilang taon siyang single nang walang nakakalapit na babae sa kanya.
Bumalik na ang old madam sa kusina. Sinundan naman ni Ye Wan Wan si Si Ye Han at umupo malapit sa makahoy na lamesa sa ilalim ng pergola.
Inalis na ni Qin Ruo Xi ang kanyang coat at nag-umpisa ng makipagsuntukan kay Liu Ying.
Umupo si Ye Wan Wan sa kanyang upuan at pinanood ang dalawang magsuntukan.
Noong una silang magkakilala, pinakitaan na siya ng kalakasan ni Qin Ruo Xi.
Mula kay Si Ye Han hanggang kay old madam, kay Xu Yi at Liu Ying; pinakita niya na mataas siya kay Ye Wan Wan, na para bang pinapaalam niya walang pwesto si Ye Wan Wan sa tabi ni Si Ye Han.
Ganoon din ang nangyari sa nakaraan niyang buhay--hindi siya sinaktan ni Qin Ruo Xi pero pilit niyang pinaparamdam sa kanya na wala itong pag-asa.
Sa mundo ni Si Ye Han, nag-iisa lang siya, nakabukod at walang tulong na dumadating.
Gayunpaman, naging tanga din siya sa nakaraan niyang buhay.
Ano naman kung sinuholan ni Qin Ruo Xi ang mga tao sa paligid ni Si Ye Han? Isang tao lang ang kailangan ni Ye Wan Wan at wala nang makakatalo sa kanya.
Inihilig ni Ye Wan Wan ang baba niya sa kanyang palad, at tinignan ang kumikinang na godlen thigh sa gilid niya sa marahang bumulong, "Si Ye Han, gusto ko kumain ng buto ng melon~"
Naramdaman ni Si Ye Han na may mali kay Ye Wan Wan ngayon lang, pero nawala na ito agad, bago niya pa malaman ito.
Tatanggi pa lang si Si Ye Han, pero nang makita niya ang kilos nito kasama ang maganda niyang mukha at matamis na ngiti, naisip niya na baka nagkamali siya sa pagyayamot nito.
Niyugyog ni Ye Wan Wan ang braso niya, "Ang sakit ng braso ko sa mga ginawa kong takdang aralin, pwedeng balatan mo sila para sa 'kin, pleaseee~~~"