Napalapit pa lalo sa mata ng bagyo si Shen Meng Qi kahit pa dinepensahan siya ni Ye Wan Wan.
"Okay lang sana kung panget lang ang ugly freak eh, kaso may sapak din ba ang kanyang utak? Sinabi na nga ng nanay ni Zi Hang na may engagement pero dumepensa pa si Ye Wan Wan na may hindi pagkakaunawaan lang! Ano pa bang itatawag natin kay Meng Qi? Kabit 'di ba?"
"Sinubukan talaga ni Song Zi Hang ang limitasyon ko. Una sa lahat, umaasa siya sa suporta ng magulang ng kanyang fiancé at pangalawa, pinili niya pa ang pokpok na iyon! Malapit na ma-bakrupt ang pamilya niya pero nakikipaglandian pa siya sa pokpok at nag-aastang isang reach kid!"
Sinubukang alisin ni Sheb Meng Qi ang kanyang kamay kay Ye Wan Wan, pero nang muntikan na siyang makatakas, hinarangan siya ng maraming tao.
Nabighani siya sa nangyari. Hindi niya inasahang mangyayare ito sa kanya.
Mataas ang pangarap ni Shen Meng Qi. Ang pinapaka=pinapangarap niya ay ang mapa-sakanya si Si Ye Han, ngunit alam niyang napakahirap pakisamahan si Si Ye Han at napaka-imposibleng mangyari nito. Kaya hindi niya hinayaang magpakabaliw siya sa pangarap na iyon at naghintay sa susunod niyang target.
Malapit na siyang grumaduate at pumasok sa entertainment industry, kaya kailangan niya ng may makakapitan para dito.
Alam niya kung saan siya malakas. Hindi tulad ng mga matatandang nakapasok na sa high society, mas madaling lokohin o paikutin ang mga batang lalaki sa kanilang eskwelahan.
Sa lahat ng mga lalaking pina-ikot ni Sheng Meng Qi, ang young master lang ng Zheng family ang pinaka niloko niya. Kahit pa ang mayayamang binatang ito ay galing sa maipagmamalaking pamilya, wala naman silang awtoridad sa bahay nila. Kakailanganin niya pang maghintay ng maraming taon bago mapunta sa young master ang mga business at mapasakanya ang kanilang bahay.
Ilang beses niyang pinaikot ang lalaking iyon, ngunit nang malaman niyang hindi niya makukuha ang gusto niya--- Iniwan niya ang lalaki at tinrato niya na parang ekstrang gulong lang tulad ng iba pa niyang pinaikot.
Pero iba si Song Zi Hang; pagka-graduate niya makakapasok na agad siya sa kumpanya ng kanyang pamilya. Gayundin, pagkakuha nila ng proyekto ng gobyerno, napakaraming pera ang kikitain nila at meron na agad silang pang-kapital.
Sa unang buhay ni Ye Wan Wan sa mga oras na ito, nangako si Song Zi Hang kay Shen Meng Qi na pagkatapos niyang gumraduate, kukumbinsehin niya ang kanyang tatay na mag-invest sa isang million dollar movie at ilalagay niya si Shen Meng Qi bilang female lead. Manggagaling din ang male lead at mga supporting roles sa kanilang kumpanya.
Kung kakayanin niyang galingan bilang female lead sa malaking investment na ito, makakakuha siya ng engrandeng pagkakilala sa entertainment industry, habang makikilala pa lalo ang kumpanya ng mga Song.
Ngayon, pagkatapos ng date nila ni Song Zi Hang, tinanong niya kung pwede siyang samahan sa kanilang ensayo para ipamukha niya ang kanyang tropeyong si Song Zi Hang kay Jiang Yan Ran.
Sinong mag-aakala na pagkapasok palang nila, makikita nilang gumagawa ng eksena ang nanay ni Song Zi Hang sa loob ng hall; sinasabi pa ng nanay ni Song Zi Hang sa lahat ang tungkol sa engagement ni Song Zi Hang at Jiang Yan Ran?
Hindi lang iyon, ano pang pinagsasabi ni Mrs Song?
Hindi lang niya pinangalandakan na wala sa Song family ang malaking proyekto, pati na rin ang pagpwersa sa kanila ng Jiang family sa bankruptcy?!
Isang segundo lang ang nakalipas, nagmamalaking sinabi sakin ni Song Zi Hang na gagawin niya akong pinakakilalang actress! Sinabi niya pang hindi makakagalaw ang Jiang family kung wala ang mga Song at wala din daw siyang ginawang ikasasakit nila!
Simula pa lang nagsisinungaling na siya sa akin!
Ang binata na pinaghirapan niyang hanapin ay magiging walang kwentang alipin pala!
Kung una palang natuklasan na niya ito, binuhos sana niya ang kanyang efforts kay Zheng Bin!
Namutla si Song Zi Hang habang pinapakinggan ang mga komento ng mga tao sa kanya at nakikita niya ang nandidiring titig ni Shen Meng Qi, nababaliw siya sa sobrang galit at nagmadaling pumunta sa kanyang ina, "Mom! Baliw ka ba?! Anong ginagawa mo dito?"
"Tinatanong mo ko niyan?! Sabihin mo sa akin kung totoo ba ang mga pinagsasabi mo? Naghanap ka ng ibang babae ng hindi alam ni Yan Ran? Siya ba ang babaeng iyon?" Pinagtuturo ni Mrs Song si Shen Meng Qi.
Dahil pinipigilan siya ni Ye Wan Wan, hindi agad nakatakas si Shen Meng Qi at nagtago na lamang siya sa likod ni Song Zi Hang.
Nandilim sa sobrang galit ang mukha ni Song Zi Hang habang pinrprotektahan niya si Shen Meng Qi, "Mom! Halika na, umuwi na tayo ang doon tayo mag usap!"