webnovel

Regalo ni Kuya

編集者: LiberReverieGroup

Gayunpaman, simula pa lamang ito. Patuloy na binasura ng Jin Xui ang kanilang kalaban na halos dahil ito kay Chu Feng.

Nagtitilian ang mga babae ng "Chu Feng" na sa sobrang lakas, halos masira ang bubungan.

Ilang minuto na lang ang natitira at matatapos na ang laban.

Nakakatakot na ang puntos; 0:24

Wala pa ding nakuhang puntos ang Qing He habang nakapuntos agad ng seven points ang Jin Xui.

Imposible nang maka-score ng seven points sa loob ng isang minuto, kaya naman, matatalo na talaga ang Qing He.

Ipinagdidiwang ng buong court ang pagkapanalo ng Jin Xui.

Tiyak na sa huling sandali, napunta na naman ang bola sa kamay ni Chu Feng.

Pagod na at hindi na kinakaya ng mga manlalaro ng Qing He at tumigil na silang maghirap para sa ilang puntos.

"Pigilan niyo siya!" Galit na isinigaw ni Song Zi Hang.

Kung matatalo man siya, hindi kakayaning matalo ng walang puntos si Song Zi Hang. Ayaw talagang tigilan o tantanan ng pagmumuka ni Song Zi Hang ang lalaking iyon!

Walang choice ang team ng Qing He at sinubukang itayo ang kanilang sarili para pigilan si Chu Feng.

Sa ilalim ng mainit na mata ng manonood at manlalaro ng Qing He, Inikot ni Chu Feng ang bola sa kanyang kamay at hindi inaasahan ng lahat ang kakaibang mabilis niyang galaw.

Hindi inaasahang nag-iba siya ng direksyon at tumakbo palapit ng basketball hoop ng sarili niyang team at nag-score.

Tapos na ang laban kaya hinipan na ang pito. Nakakuha ng two points ang team ng Qing He.

Sa ilalim ng gulat na mga mata ng lahat ng tao, lumapit si Chu Feng kay Song Zi Hang at kaswal na sinabi, "Etong two points ay regalo ni kuya sayo, you're welcome."

Sarili niyang tira, sariling tira ni Chu Feng ang pasadyang bumato ng bola sa sarili niyang hoop para lang bigyan ng two points si Song Zi Hang.

"Ikaw…" Ngumiwi ang mukha ni Song Zi Hang sa sobrang galit nang mapahiya siya sa harap ng madaming tao at muntikan pa siyang humamon ng away, buti na lang pinigilan siya ng kanyang teammates.

Pagkalipas ng taimtim na katahimikan, napuno ng pagkahanga at hiyawan ang buong court, "Woooow! Ang galing ni Senior Chu Feng!" Pagkatapos ng lahat, ang score ng second half ay: 2:24.

Ang final score ng Qing He at Jin Xiu ay: 25:30. Kahit malaki ang puntos ng Qing He sa first half ng laban, nakahabol sa second half ang Jin Xui at nanalo sila sa pangkalahatan ng laban.

Nakahinga na ng maayos si Ye Wan Wan na kasama sa mga nanonood, "Yan ang gusto ko. Kung tutuusin buti na lang hindi ka tinulungang matalo ni ate mo!"

Obvious naman na pinaghiganti ni Chu Feng si Jiang Yan Ran sa huling tira niya ng bola.

Humarap si Ye Wan Wan kay Jiang Yan Ran, "Ano sa tingin mo? Natuwa ka ba?"

Tumango si Jiang Yan Ran-- hindi maikakaila na kahit papano nawala ang inis ni Jiang Yan Ran kay Song Zi Hang dahil sa pagkapanalo nila Chu Feng.

Hinahagis sa ere si Chu Feng ng kanyang natutuwang teammates habang sila ay nasa court, makikita ang malaking ngiti sa mukha niya.

Pagkababa sa kanya, sandaling nagusap-usap ang teammates niya at pagtapos ay naglakad siya papalapit kay Jiang Yan Ran hawak ang trophy.

Nawawala na naman sa ang isip ni Chu Feng habang nakatayo kaharap si Jiang Yan Ran, "Ayun...ay… ahm.. Para sa iyo ito…"

Nagulat na sumagot si Jiang Yan Ran, "Para sa akin? Pero ang topeyo na ito ay para sa team niyo, hindi ko naman yan magagamit…"

"Ah… ayaw mo? Akala ko gusto ng mga babae ang ganito pero sige, wala namang magagamitan ito eh, sorry!" Biglang napayuko si Chu Feng.

Sinenyasan ng nakangiting si Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran gamit ang kanyang mata, "Paano naman ito magiging walang kwenta? Eh, Para sa memories yan!"

May mga taong may gusto niyan pero hindi nila nakuha!

Mabagsik na tumingin si Song si Hang kayla Jiang Yan Ran at Chu Feng, sinipa niya ang katabi niyang upuan at biglang umalis.

Nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan, nakita niya na malungkot si Chu Feng dahil sa ginawa niya at natandaan niya kung gaano kahirap si Chu Feng na nakipaglaban para paghigantihan siya kay Song Zi Hang. Sa wakas lumambot ang puso niya, "Well… salamat."

Napuno ng liwanag ang itsura ni Chu Feng na parang bulaklak na namumukadkad at tiningnan si Ye Wan Wan na parang siya ay si Jesus.

Tiningnan ni Chu Feng si Jiang Yan Ran na para siyang maliit na usa na mangiyak-ngiyak at pasasalamat ang makikita sa kanyang mga mata. Hindi makapag salita si Ye Wan Wan nang makita ang rekasyon ng binata, kaya tumayo siya at sinabi, "Tapos na ang laban. Hindi ko na kayo guguluhin at babalik na ko sa dormitoryo!"

次の章へ