To Steal A Chicken and Lose The Rice Used To Lure It
Pero iba na ang status ni Ning Yaohua ngayon. Kahit may tuwa sa puso niya, pinanatili niyang maging mukhang kalmado. Nang makita niyang naglalakad na papalapit doon sina Ning Xueluo at Zhuang Lingyu, 'di siya nagmadaling sumunod. Sa halip, sumagot pa siya sa mga papuri ng mga bisita habang hinihintay ang mga pagbati ng Zhuang family.
Sa ilalim ng mga mapagmatyag na mata ng mga bisita, ang bride na si Ning Xueluo ay personal na lumapit para batiin sila sa entrance. Nagpahiwatig pa ito ng matalik na relasyon sa dalawa sa pagtawag niya dito, "Cousin, Aunty…Dito po kayo…"
Pagkatapos ay 'di niya rin nakalimutang ipakikilala ang mga ito kay Su Yan, "Bro Yan, pinsan ko nga pala at tita. Nakwento ko na sila sa'yo dati…"
Pinsan!
Tita!
Marami ang 'di pamilyar sa relasyon ng mga Zhuang sa mga Ning at nagulat ang lahat nang marinig ang pagtawag ni Ning Xueluo sa mga bagong bisita.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください