They Have Strong Support Too
Sa kasalan, halos lahat ng nasa entertainment circle ay dumalo para magpakita ng suporta. May ilan pa ngang mga tao mula sa kalabang kumpanya na Glory World Entertainment.
Dahil kahit naman sa Glory World sila konektado, 'di naman ang kumpanya ang magdidikta ng mga pribado nilang relasyon.
May dalawang baabeng artista ng Glory World ang nagdidiskusyon sa isang sulok.
Nag-aalalang nagsalita ang isang artista na naka-dilaw, "Hay, base sa sitwasyon ng Starlight at Glory World, 'di ba natin ikakasira na pumunta tayo dito sa kasal ni Ning Xueluo? Nito kasing nakaraan, medyo may tensyon sa relasyon ni Ning Xueluo at ni Ning Xi…"
Tila wala namang pakialam ang isa pang babaeng artista na nakapula. "Ano naman ngayon? Kung 'di ka pupunta sa. Impostanteng okasyon na 'to, sa'n ka magpapakita? Dun sa maliit at walang dating na hall sa taas para sumali sa isang panggulong charity donation ceremony? Kung gusto mo dun, edi mag-isa ka!"
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください