Going Along With The Plan
"Ngayon nga 'yun. Bakit po?"
"Saan 'yun gaganapin?" tanong ni Meng Linlang.
"Sa top floor ng International Exhibition Center. Sa pagkakaalala ko dun din ang kasal ni Ning Xueluo sa parehong building at nireserve niya pa ang pinakamalaking floor!" sagot ni Zhuang Keer.
Palaging marami ang mga event at meeting sa exhibition center. Ang gitnang palapag ang pinakamalaki sa mga hall, at kadalasan, natatanging mga mahahalagang national meeting at pangmalakihang mga event ang ginaganap dun. Karamihan ng iba pang mga event sa building ay ginaganap sa mas maliit na hall sa pinakataas na palapag.
Isang malaking tagahanga ni Ning Xi si Zhuang Keer. Matagal na nitong nakita sa official website ni Ning Xi ang tungkol sa charity fund nito na gaganapin ngayong araw. Noon pa rin nai-announce ang venue at oras nito, bago pa man nakapili ng araw ng kasal si Ning Xueluo.
Isang coincidence naman ang pagkakasabay nila sa iisang venue!
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください