webnovel

Just Wanted To Cause Trouble!

編集者: LiberReverieGroup

Chapter 1288: Gusto Lang Gumawa Ng Gulo!

Nagulantang ang lahat. Dahil ito ay insidente na dati pa nangyari, wala masyadong nakakaalam dito.

Syempre, hindi ipagkakalat ni Li Lekai na niloloko siya.

Sino ang mag-aakala na babanggitin ito ngayon ni Mo Yuxiu nang ganito!?

Ang lalaking ganito na nang-akit ng babae ng iba, at may kapal pa ng mukha na laitin yung biktima nang ganito… si Mo Yuxiu lang ang makakagawa ng ganito.

Sa susunod na sandali, may anino na sumugod. Sinugod siya ni Li Lekai at nagbitaw ng suntok sa galit.

Umiwas patagilid si Mo Yuxiu, tapos binato niya mataas ang shades niya. Kumikinang ang mata niya, at halatang gusto lang niya magkagulo ang mundo. Gusto lang niya gumawa ng gulo kahit wala naman!

Nagliparan ang mga kamao ng dalawa. Sobrang gulo ng buong eksena. Nag-aalala si Ye Ying, at walang nakarinig ng mga sigaw niya. Hindi rin naman niya matawag ang security para maiwasan na kumalat pa ito sa labas.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ