Chapter 1051: Extremely Jealous
"Okay lang ako. Nakatulog lang. Kamusta na ang nararamdaman mo?" ang tanong ni Lu Tingxiao.
Tumango si Ning Xi at tumingin sa mga mata nito. "Lu Tingxiao, mayroon ka bang hindi sinasabi sa akin?"
Sa toto lang, napagtanto niya na parang may tinatago si Lu Tingxiao sa kanya mula nang sila ay dumating. Masasabi niya na may hindi tama sa reaksyon nito kanina kahit na magaling niya itong naitago.
Nanatiling tahimik si Lu Tingxiao.
Simula nang sila ay dumating, hindi niya magawang iwasan ang sinabi ng lalaking may puting buhok kahit ano pa ang gawin niya.
"Sa oras na siya ay nalulumbay, nagsisisi, nawawalan ng pag-asa at nasasaktan, tinutulungan ko siya at tinuturuan ng mga kailangan niya upang manatili...
"Nabibilang siya sa mundo na kagaya ng sa akin...
"Malawak ang mundo, ngunit sa huli, mapagtatanto niya kung saan ba siya nabibilang..."
Doon ba talaga siya nabibilang?
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください