Chapter 1032: Mayroong Gustong Lumipat?
Nang makabalik sila, agad na nagpunta si Ning Xi sa studio para ipamalita ang magandang balita.
"Ano? Pumayag si Elder Son?!" Tuwang-tuwa si Han Momo agad itong napatayo ito mula sa kanyang upuan. "Sis Xi, ang galing mo!"
Namomroblema pa si Qio Weilan sa pagpili ng national artist at hindi niya inasahan na may napakagandang balitang dala si Ning Xi. Nakahinga na ito nang maluwag at mas lalong nadagdagang ang paghanga nito.
Sinong mag-aakalang magagawa niya nga ito?!
"Sis Xi, Sis Xi! Paano mo nagawa 'yon?"
"Boss, nagawa mong makuha si Elder Song?" Narinig ni Gong Shangze ang usap-usapan at agad na lumapit.
"Oo, diba nag-iwan tayo ng impormasyon tungkol ng Studio sa pinto ni Elder Song? Sabi ni Elder Song na tiningnan niya 'yon at pinuri niya 'yon at sinabing maayos naman ang mga disenyo mo at hindi mo binigo ang reputasyon niya!"
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください