Chapter 1010: Siguradong Matatalo Ang Bastardong Ito
Sa totoo lang, may talento talaga si Zhuang Rongguang pero masyado siyang tamad at takot na mapwersang magsanay araw araw para mapahusay ang talento.
Pinagsanay siya noon ni Zhuang Liaoyuan pero sa huli, hindi na gustong hawakan ng bata ang baril kahit paano niya pa ito pilitin.
Pero, ngayon, si Zhuang Rongguang ang nagsuggest na maglaban sa shooting. Humawak siya ulit ng baril dahil kay Ning Xi…
Tumingin si Zhuang Keer sa kanilang dalawa ng malungkot habang bumubulong, "Ayokong matalo si Xiao Xi. Magiging mayabang si Rongguang kapag nanalo siya…"
Ngumiti si Zhuang Liaoyuan. "Minamalas ang sutil na iyan ngayong araw pero mabuti na matuto siya ng leksyon. Para malaman niya kung ano ang tunay na talento!"
Nasurpresa at naguluhan si Zhuang Keer. Anong ibig sabihin ng tatay niya?
Kumuha na ng baril sina Zhuang Rongguang at Ning Xi. Pareho silang hindi nagsuot ng protective gear.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください