Chapter 999: Husband?
Madilim ang ekspresyon ni Lu Tingxiao habang nakatitig sa kanya. "Ano bang koneksyon sa'yo ng buhay ng ibang tao?"
Kinlaro ni Ning Xi ang kanyang lalamunan. "Hey, pinsan mo iyon! Hindi magandang sabihin 'yan."
"Kahit ako pa iyon, hindi ko hahayaan ang mga bagay na ganoon!"
"Wala naman iyon...mas delikado pa nga 'yung mga pinakielaman ko dati. Maliit na kaso lang ang nangyari ngayon. Hindi naman ako gagawa ng mga bagay na hindi ako sigurado…"
Nagpaliwanag siya hanggang matuyo ang lalamunan niya pero nagmamatigas pa rin si LU Tingxiao. Hindi mapigilan ni Ning Xi na maiyak sa loob niya. Nakuha niya na ang kalamangan at humingi ng tawad sa kanya si Lu Xinyan pero ngayon ay siya naman ang nasa hukay.
Patuloy na hinihimas ni Ning Xi ang dibdib ng lalaki habang sinasabi, "'Wag ka nang magalit, okay? Sa susunod, magpapakabait na talaga ako at mananatili sa tabi mo. Hindi na ako tatakas!"
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください