webnovel

A Really Awesome Store

編集者: LiberReverieGroup

Chapter 967: A Really Awesome Store

Nang mapansin ang tingin ni Ning Xi sa kanya, biglang sumigla si Lu Xinyan at may sinabi kay Yan Ruyi, "Aunty, dadalhin kita mamaya sa isang magandang store. Kakabukas lang nun at siguradong magugustuhan mo 'yung styles na meron sila!"

Bahagyang natawa si Yan Ruyi. "Pa'no ko naman maisusuot ang mga damit na gusto ng kabataang tulad niyo?"

"Hindi aunty! Marami rin silang style na bagay sa'yo, lalo sa karisma mo! Saka kapag kasama ka namin ni Sis Ziyao, para ka lang naming kapatid!"

"Ikaw talaga! Kung anu-anong pinagsasasabi mo!" Palihim na ikinatuwa ni Yan Ruyi ang papuri. Wala namang babae ang tuluyang 'di papansinin ang itsura nila, kahit anong edad pa yan.

Kung tutuusin, 'di rin naman nagmamalabis si Lu Xinyan. Kumpara sa mga ka-edad niya, tumanda si Yan Ruyi nang lalong gumaganda.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ