webnovel

Wish She Could Peel Him Layer By Layer

編集者: LiberReverieGroup

Chapter 925: Kung Pwede Lang Siyang Balatan

"Ano pa'ng pag-uusapan? Baliw ba siya…?" bulong ni Jiang Muye sa likod niya. Dumeretso si Ning Xi kay Ke Mingyu at tumigil sa harap niya.

Napansin ni Ke Mingyu na may lumapit sa kanya, kaya tumingala siya mula sa script niya. Nang makita niya kung sino ito, bumati siya, "Senior."

Napakamot si Ning Xi ng ulo.

Bwisit, 'di maaari.

Paano siya naging demonyo?

Bagi nila matapos ang trabaho nila kahapon kinausap pa siya ng taong to para magpa-autograp.

"Senior?" Nang makita niya na hindi kumikibo si Ning Xi, tinawag ulit siya ni Ke Mingyu.

"Mmm, wala lang, gusto lang sana kitang makausap. Magaling ka umarte, pero gusto ko lang malaman kung bakit mo ganito i-portray is Ling Yu," sabi ni Ning Xi habang sinisiyasat ang mukha niya na parang X-ray.

Ordinaryong mukha lang ito at walang katangi-tanging aspeto at walang bakas ng isang disguise. Natural din ang mga ekspresyon niya...

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ