Chapter 915: Isang Mahinang Aktor, Hindi Masayang Pahirapan
"Oh yeah, nagsimula na ang shooting mo ngayon. Kumusta?" kaswal na tanong ni Jiang Muye.
Ngumuso si Ning Xi. "Maayos naman sa tingin ko. Mayroong isang epal, pero naayos ko na."
"Epal...si Chen Hanchen ba?"
"Kilala mo rin siya?" medyo nasurpresa si Ning Xi.
"Pinag-uusapan siya ng Fashion Media, siya raw ang next Jiang Muye. Paano namang hindi ko makikilala?" pangungutya ni Jiang Muye bago tinanong, "May mga nakuhanang scenes na ba
"Meron na!"
"Anong nangyari?"
"Ang dami niyang bad takes, mga sampu yata."
"Mabait at magaan ka ba sa kanya?" Nang marinig ito ni Jiang Muye, agad siyang nadismaya dahil iniisip niya kung bakit pinahirapan siya nito noon.
"Dahil lang naman 'yun sa mahina siyang aktor. Isa pa, hindi masayang pahirapan siya. Sobrang layo niya sa standards mo!" sagot ni Ning Xi.
Nabilaukan si Jiang Muye.
Ang mga salitang iyon...
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください