Chapter 873: Minsan, Humahanga Ako Sa Sarili Ko
Nag-alangang magtanong si Ning Xi, "Ang lalaki sa litrato ay iyong…?"
Kumikislap ang mga mata ni Zhuang Keer habang pinagmamalaki niya, "Idol ko siya! Sobrang cool niya 'di ba?"
"Uhh...oo...mukhang cool naman siya…" pinilit tumawa ni Ning Xi.
"Sayang nga lang, kasi kahit gaano pa siya kacool...may boyfriend na siya…"
Nagsimulang maubo si Ning Xi.
Tumingin si Zhuang Keer kay Ning Xi at nagbuntong hininga, "Iniisip ko nga...bakit karamihan sa mga cool na lalaki ngayon ay may boyfriend?"
Walang masagot si Ning Xi.
"Kilala mo ba kung sino ang boyfriend ng idol ko?" palihim na tanong ni Zhuang Keer.
Inosenteng umiling si Ning Xi. "Hindi ko alam...sino?"
"Isa siya sa mga naka-blind date ko noon!"
"Oh...nagkataon ha?" binigyan siya ni Ning Xi ng isang nasurpresang ekspresyon.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください