webnovel

Damn It! Who Tripped Me!?

編集者: LiberReverieGroup

Chapter 870: Damn It! Sinong Pumatid Sa'kin!?

Tulad ng inaasahan, pinatigil ng isnag sundalo si Ning Xi nang makarating sila sa pasukan. "Patingin ng permit pass mo."

Tumingin si Ning Xi sa matanda. "Sir…"

Dahan-dahan na binuka ng matanda ang bibig niya para sabihin, "Papasukin mo siya."

Nagulat ang sundalo nang makita kung sino ang nakaupo sa likod. Sumagot siya ng malakas at klarong "Yes, Sir!" bago binuksan ang gate.

Hindi pamilyar si Ning Xi sa lugar kaya sinundan niya lang kung ano ang tinuturo ng nanginginig na daliri ng matanda papunta sa isang makalumang bahay. Pagdating nila, tinulungan niya ang matanda na makababa.

Ramdam niya na mahina pa rin ang matandang lalaki at mukhang hindi ito makakatayo ng walang tulong. May nangyari siguro sa bahay nila kaya pinilit niyang umuwi...

Habang tinutulungan niya itong umakyat ng hagdan, mayroong isang nakakatakot na putok ng baril ang narinig mula sa loob ng bahay.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ