Chapter 853: Sobrang Cool, Gusto Ko Siyang Pakasalan!
Nagsalita...siya...
Nagulat ang lahat.
Nasurpresa si Guan Ziyao. Si Guan Zhichen, na nagsisigaw kanina, ay natahimik.
Nagsalita nga talaga siya...
Sinabi ng walang kwentang batang ito na hindi siya karapatdapat para kausapin!
Nasira ang kumpiyansa ni Guan Rui.
Paano ito naging posible!?
Mahabang oras ang ginugol niya para imbestigahan ang batang ito bago siya bumalik ng bansa at sigurado siya nagiwan ng matinding sugat ang kidnap na nangyari sa bata, kaya naging pipi ito noong nakalipas na dalawang taon...
Mababa ang tingin niya sa sarili at naglayas siya dahil sa paguusap nina Guan Ziyao at Ruyi pero ngayon, hindi lang niya napanatili ang kontrol, nagsalita pa siya...
Bumaliktad na ang pangyayari.
"Napaka...galing…" isang tao mula sa kumpulan ang nagsalita.
Parang isang switch ang sinabi niya dahil nagsimula ito ng marami pang diskusyon...
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください